Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako kinaumagahan. I was aware of where I was, alam ko rin na ang shirt na suot ko ay kay Rance. Nang umalis kasi kagabi sina Winter at Daniel matapos kunin si Dixie ay sinaluhan ako ni Rance kumain ng niluto niyang fried chicken, tapos ay nag-inuman kaming dalawa. Apat na bote rin siguro ang nainom ko, bukod pa sa marami na akong nainom sa Xylo.
Humihikab na nilingon ko ang kabilang bahagi ng kama, wala na si Rance doon pero alam kong katabi ko siyang natulog. Hindi na big deal sa aming dalawa ang magtabi sa higaan, normal na iyon. Kumportable rin ako kay Rance dahil ni minsan ay hindi naman siya nag take advantage sa akin, kahit gaano pa ko kalasing.
Bumangon na ako at nakayapak na tinungo ang banyo ng silid. Matapos mag hilamos at mag sepilyo gamit ang toothbrush ko na naroon sa hanging cabinet niya ay lumabas na ako ng silid. And yes, we keep things at each other's home for emergencies like last night.
Sa kusina ko nadatnan si Rance, abala siyang naghahanda ng almusal para sa aming dalawa. Napataas pa ang kilay ko nang gawaran niya ako ng magandang ngiti matapos malingunan. Why was he in a good mood?
"Saya mo, ah," komento ko bago naupo sa stool at pinanuod siyang tapusin ang nilulutong omelette. "Anong meron?"
Medyo kinakabahan ako pag masaya si Rance. Bakit feeling ko may ginawa akong katangahan kagabi tapos na-videohan niya iyon kaya ang ganda ng awra niya ngayon? With that in mind, mabilis na hinanap ng aking mga mata ang cellphone niya. Nasa console iyon malapit sa outlet, naka-charge. Tumayo ako at pasimpleng kinuha iyon, alam niya ang password ng phone ko at siya nama'y hindi nag-abalang lagyan ng code ang kaniya. Hindi ata natatakot na manakawan, eh.
I quickly scrolled through the gallery, looking for any pictures or videos of me na kuha kagabi. Pero wala naman akong nakita doon.
"What are you doing?"
Halos mapapiksi ako nang marinig ang tinig ni Rance mula sa aking likuran. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin at sinisilip ang ginagawa kong pakikialam sa cellphone niya. Binitawan ko iyon at muling ibinalik sa ibabaw ng console, matapos ay galit siyang binalingan.
"Bakit ang saya mo, ha? Anong ginawa kong katangahan kagabi?" Duda kong tanong, tinaasan ko siya ng kilay at inestima.
Rance chuckled, shaking his head. "Marami kang katangahang ginawa kagabi. Kung iisa-isahin natin baka abutin tayo ng kinabukasan,"
Tinalikuran niya na ako at muling naglakad patungo sa kitchen counter, I followed him. Bigla kong nakalimutan ang pinoproblema ko nang maamoy ang nakahandang bacon, fried rice, at omelette sa aking harapan. Umeksena na naman ang tiyan ko, syempre pa.
Lalong natawa si Rance nang marinig. Akala mo naman kasi 'tong tiyan na ito'y laging ginugutom! He went back to the counter with two cups of coffee, inabot niya sa akin ang isa bago naupo sa aking harapan.
"Kumain ka na," sabi niya, sandaling sinulyapan ang digital wall clock. Maaga pa naman, wala pang alas diyes. "Can you drive? Or do you want me to give you a lift? I'm also dropping by Zach's place today. He needed some assistance with something. Then I'll swing by the Liquid Library. I've been away for a few days and need to check on how the business is faring."
Rance chose not to join their family's banking business, unlike his brother Zach. Instead, after college, he ventured into his own business using the money he earned from our earlier gigs in Pen Def. The Liquid Library, a bar located in BGC, was his first branch. He first shared the idea with me when it was still just a concept, and he convinced me to become his silent partner. Hindi naman na ako kailangan pang pilitin ni Rance dahil may tiwala ako sa kaniya, so I invested all my savings into the establishment of the first Liquid Library. We used to refer to it as our first baby. Wala akong ginagawa o inaalam tungkol sa kung paano niya iyon patakbuhin. Basta ang alam ko na lang, kumita na ng ilang ulit ang perang inilabas ko. Rance never sought help from his parents, sa akin lang. Lagi niyang sinasabi na kaming dalawa lang ang nagtulungan, even though I couldn't truly claim to have supported him as much, considering I only provided half of the required funds.