Chapter Six

666 14 0
                                    

"Busog na busog ako," sabi ko kay Rance habang hinihimas ang tiyan ko. Mali yata na ito ang pinili niyang damit para sa akin dahil baka mapunit ito bago pa ako makabalik sa bahay, sayang naman. "Parang gusto ko na lang humiga at matulog,"

Natatawang inabot niya ang aking kamay at ikinulong iyon sa kaniyang palad para ipirmi ako sa tabi niya. Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang damdaming nabubuhay na naman sa aking dibdib dahil sa kaniyang ginawa. Kunwari na lang ay interesado ako sa mga nag-ro-rollerblades at skateboard na nadadaanan namin. Sabado kasi ngayon kaya marami pang tao sa paligid kahit anong oras na. Nag-aya si Rance na maglakad-lakad para naman kahit paano'y bumaba ang kinain namin. Wala namang problema dahil masarap at safe namang maglakad rito sa BGC kapag gabi.

"But I'm proud of you, huh? Naubos mo ang lahat ng inorder mo." Tumatawang pinakawalan niya ang aking kamay para ipulupot ang braso sa aking bewang at mas hapitin pa akong lalo. Medyo malamig ngayong gabi at walang manggas ang suot ko kaya ayos lang.

"Nilalamig ka?" Rance must've felt me shiver in his arms. Wala naman siyang coat na suot kaya mas niyakap niya na lang ako sa gilid niya. "I could take my sweater off–"

Mabilis akong umiling, hindi na. Okay na 'tong ganito. May munting bahagi ng aking isip na gusto akong pagalitan sa pagbibigay malisya sa simpleng gesture na iyon ni Rance, pero hindi ko pinansin. Date naman namin 'to, baka puwede kahit ngayon lang mag-feeling ako.

"Ah, gusto mo niyayakap ka," he teased, nodding. "Okay, pero hindi puwede 'to Summer kapag nakipag-date ka na talaga, ha? Pahirapan mo sila. Huwag kang papahawak, sinasabi ko sa'yo, susunduin talaga kita kahit nasan ka pa."

Imbes mainis ay natawa ako sa sinabi niya kasi alam kong hindi malabong gawin niya nga iyon. Si Rance pa? "Were you always this nice sa mga nakaka-date mo? I doubt it, Rance. Kilala kita."

Kilala ko naman talaga siya. Rance never had a girlfriend, 'yung totoong girlfriend, ah. Halos lahat ng babae niya'y hindi naman tumatagal ng isa o dalawang linggo. At napapansin ko rin na habang tumatanda kami ay nababawasan na ang pagiging babaero nito. O baka hindi na lang niya gustong kunsumihin si Tita Dana. Hindi kasi iilang ulit siyang pinagsabihan ng mommy niya tungkol sa pagpapapalit-palit niya ng babae, mas napag-initan pa siya nang parehong kinasal at nagpamilya na ang mga kapatid niya. Siya ang panganay, pero siya itong hindi mapirmi.

"No, I was never like this to anyone, Sam." Diretsang sabi niya, sandali akong niyuko ng tingin atsaka ngumiti. "I dated you tonight the way you deserved to be dated. Para sa susunod na makikipag-date ka ay may standard ka. Hindi ka basta bastang papayag sa hindi mo naman deserve."

Nagyuko ako ng tingin sa makinang kong sapatos, si Spring ang namili nun kanina dahil iyon lang daw ang meron ako na babagay sa dress na ibinili sa akin ni Rance. Sandali kong inisip ang sinabi ni Rance, he dated me the way I deserved to be dated. And it was fun, so fun that I almost entirely forgot about my disastrous first date. And yet, I couldn't help but think if it would still feel the same kung iba ang kasama ko. Kung gagawin ba sa akin ng iba ang lahat ng ginawa sa akin ni Rance ngayon, would I be as happy as I was tonight? O kakalahati man lang ba? Was it really about the date or the person I was with?

"Thank you, Rance," halos bulong na lamang lumabas ang mga salitang iyon mula sa aking bibig. Nanatili ang aking tingin sa pavement na nilalakaran namin. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to, but I'm glad you did."

"Anong hindi kailangan? You know I will always look after you." Rance nudged me gently, drawing my attention back to him.

His words stirred something within me, a sense of gratitude mixed with a hint of something else I couldn't quite identify. It was comforting to know that no matter what, Rance would always be there for me, at ganoon rin ako sa kaniya. We were each other's constant.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon