Chapter Ten

1.3K 20 7
                                    

"Kade De Salvo," pabulong na sabi ni Winter nang makita ang paparating na bisita kasama ang tiyahin nitong si Naya De Salvo o Tita Nae sa lahat.

We were at Tita Nisha's birthday party, simpleng salu-salo lamang iyon na ginanap sa bakuran ng tahanan ng mga ito sa San Jose. Kagabi pa lang ay bumyahe na kaming magkakapatid kasama si Dixie pauwi sa bahay nina Nanay at Tatay rito.

Sandaling bumaling sa bagong dating ang mga mata ni Autumn bago ito umingos at umiling. "Guwapo si Kade pero hindi ko bet! Parang masyadong mabait. Siguradong hindi ako niyan magagawang sabunutan sa kama."

Malakas na napahalakhak si Winter sa sinabi nito, pasimple ko namang hinila ang dulo ng buhok ni Autumn na siyang nagpalingon rito. "Hinaan mo 'yung boses mo. Kung anu-ano ang sinasabi mo, mamaya marinig ka nina Nanay at Tatay!"

"Teh, nasa loob sila nakikipagtawanan sa mga amigo nila!" Irap ni Autumn, sandali itong natigilan nang tumagos ang tingin sa akin. Ibinaba pa ang hawak na wine glass sa standing table, ang mga kamay ay umabot sa amin ni Winter. "Siya! Teh! Siya ang bet ko! Feeling ko kaya niya akong ibalibag gamit lang ang isang kamay. Oh, I can already picture a hot and wild night with him!"

Sabay naming nilingon ni Winter ang tinutukoy nito. Si Rance at Derek na papalapit sa aming kinaroroonan, gusto kong matawa dahil hindi pa nga pala kilala ni Autumn itong si Derek. Wala rin siya sa Pilipinas nang ikasal ito kay Tami De Salvo. Pero mas natawa ako sa inosenteng hirit ni Winter.

"Oh, God! You like Rance? Si Rance?!" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Winter bago nag-aalangang sumulyap sa aming pareho ni Autumn.

"Oo, teh. Bet ko si Rance! Bet na bet ko! Hindi ba obvious? Patay na patay ako sa kaniya simula mga bata pa lang tayo." Sarcasm dripped in her voice as she eyed Winter na lalong nanlaki ang mga mata in disbelief. Winter even gasped!

Hindi ko na kinaya at natawa na talaga ako, lalo nang pitikin ni Autumn ang tungki ng ilong nito.

"Buti talaga maganda ka, eh! Bakit ko naman magugustuhan si Rance? Syempre 'yung kasama niya ang tinutukoy ko! Ano ka ba naman? Panira ka ng moment, eh!" Muling bumaling si Autumn sa dalawang papalapit na sa amin.

"Ah, si Derek!" Napanguso si Winter, kumunot ang noo. "May asawa na 'yan, teh!"

"What?!" Autumn snapped at her, naningkit ang mga mata.  "Who?!"

"Invited ka nga sa kasal niyan, hindi ka lang nakapunta dahil umeksena ka sa fashion week ng Milan kahit hindi ka naman kailangan doon." Humagikgik si Winter at sumimsim muna ng wine bago sagutin ang tanong ni Autumn, sinadyang bitinin ang huli. "Asawa 'yan ni Tami, sabi na better pa if si Rance na lang nagustuhan mo. Si Summer lang kalaban mo."

Hindi pinansin ni Autumn ang huli nitong sinabi, imbes ay binalingan ako. "Saan nakilala ni Tami 'yan?"

"Kapatid nila Zander si Derek," sagot ko.

"Siya 'yun?! Eh, bakit hindi ko siya nakilala nung single siya? Paanong naunahan ako ni Tami?" Magkakasunod nitong tanong sa akin. Gusto ko sanang sabihin na hindi rin naman siya napipirmi sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon, at isa pa'y, Derek had enormous amount of problems he had to deal with rather than getting himself associated with the circle revolving around his newfound family. Paano nga naman sila magkakaroon ng pagkakataon? Isa pa, I didn't think Derek would've liked my sister had he met her before Tami. Autumn was loud and nosy, malayong malayo kay Tami.

"Girl, hindi ka niya magugustuhan kahit pa walang Tami." Isinatinig ni Winter ang pinigil kong sabihin. She shrugged when Autumn shot her a glare. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Ang layo mo kay Tami, teh. Pino iyon kumilos at mahinhin magsalita, ikaw sa unang tatlong segundo pa lang ng buhay mo umaatungal ka na."

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon