Chapter Seven

621 13 0
                                    

Inis na kumawala ako kay Rance, hindi pa tapos ang tugtog. Sumasayaw pa ako at gusto ko pang sumayaw ulit. Tapos babanatan niya ako ng "Let's go" na parang kailangan ay sundin ko siya. Excuse me?

"Huwag kang epal, Rance. Nagsasaya 'yung tao, eh." Sinubukan kong lumayo sa kaniya ngunit agad niya akong nahilang pabalik sa kaniyang mga bisig, this time ay kaharap ko na siya. "Nasan na ba 'yung kausap mo? Busy ka, 'di ba?"

"You're wearing a dress with plunging neckline," hindi niya pinansin ang tanong ko, sa halip ay pinagtuunan pa ng pansin ang suot ko. "Isan maling galaw mo'y makikita ang hindi dapat nakikita!"

Eh? Siya naman ang bumili nito, 'di ba? Anong problema niya ngayon? "Kung conservative ka naman pala, 'di sana'y hindi ganitong klase ng damit ang binili mo sa akin!"

"I chose that dress because I was sure it would look good on you. And it did!" Mariin niyang sagot. "Ano bang malay kong sasayaw sayaw ka pala? Had I known I would've chosen the one with high neckline."

Napairap ako. Hindi makapaniwala sa itinatakbo ng usapan naming dalawa. We were arguing about the cut of the dress I was wearing, na siya namang pumili.

"Sandali lang akong nawala kung anu-ano na ang pinaggagawa mo!" Galit pa rin siya, hindi ko nga talaga alam kung bakit, eh, siya nga itong bigla akong pinabayaan nang may humarang at kumausap sa kaniya.

"Ano bang problema mo, Rance?" Sininghalan ko siya at kakawala sanang muli nang higpitan niyang lalo ang yakap sa akin. His hand lowered to the small of my back, firmly keeping me in place.

"Our date isn't over yet, tapos nakikipagsayaw ka na agad sa iba." Mahina pero may paninisi niyang sabi na biglang nagpa-init ulo ko. Our date isn't over yet, pero may kinakausap na siyang iba. Bakit parang nabaliktad pa yata?

Imbes patulan ang pang-ga-gaslight nito'y kalmado ko siyang tiningala ng tingin. Ang ganda ganda ng gabi namin tapos mauuwi lang sa buwisitan. Isa pa'y ni hindi ko nga alam kung bakit ba ako naiinis sa kaniya at siya sa akin. Hindi naman dapat, 'di ba?

"Look, Rance," I sighed, placing my arms around his neck to make our position a little less awkward. Para kasi akong presong ikinulong niyang basta sa kaniyang mga bisig. "I appreciate your help tonight, really. Pero hindi na para kunin ko pa ang buong oras mo. Malaya kang gawin ang gusto mong gawin at hindi kita pipigilan."

"Am I really?" Bitin niyang tanong.

His question cut through the air like a knife, his voice low and intense as he held my gaze.

Bigla akong napalunok dahil parang may bumara sa lalamunan ko at napipilan ako. Ang kaninang tapang na meron ako'y unti-unting natutunaw sa paraan ng paninitig ni Rance. His intense stare shifted to my slightly parted lips. I licked my bottom lip, trying to steady my breathing as I waited for him to continue.

"Allowed to do whatever I want, Sam?" His voice was barely above a whisper now, filled with a raw intensity that sent shivers down my spine.

I couldn't find the words to respond, tanging marahang pagtango na lamang ang aking nagawa habang hindi pa rin maalis ang tingin sa kaniya. My heart pounding in my chest, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, o mas tamang sabihing na-excite sa kung ano ang susunod na gagawin ni Rance. I must be crazy, but damn, I was hopeful too.

With that silent affirmation, Rance lowered his head, his lips capturing mine in a savoring kiss. I closed my eyes as the world around us seemed to fade away, leaving only the sensation of Rance's lips against mine.

It was my first real kiss, and I was both nervous and exhilarated. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o ano. Kung itutulak ko ba siya o mas hihilahin pang papalapit sa akin. Labis labis na kaba ang nadarama ko ngunit mas na ginawa ko ang huli.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon