Части XIII (Unrequited Love)

339 8 5
                                    

Unedited




...........




Feire's POV


Sport Fest Day 2


Nakaharap kami ngayon sa coach namin na nagbibigay ng gagawin dahil kalaban namin ang matindi naming karibal parati sa sport fest iyon ang Criminology Department. Sa nakalipas na taon sila lang talaga ang nakakayanan makuha ang bawat Tira at moves namin. Nakikinig lang kami sa sinasabi ni Coach Ruel .

"Hendrix bantayan mong mabuti ang middle Blocker nila na si Sabado don't get a chance na makapuntos ito. Jacinto and Buenavista kayo naman magbantay sa Middle Blocker at spiker nila na Concha and Fernandez" sabay turo sa'min ni Coach. Tumango lang kami.

"Ikaw naman Feliz and Cheng bantayan ang bawat gilid niyo, lalo na ang likod panigurado gagawin nilang chances yuon para duon ipunta ang bola." Tumango naman sila.

"De Conto huwag hahayaang mamatay ang bola. Gawin lahat ng makakaya. Kagaya sa practice na ginawa natin. Maliwanag ba?" Tumango naman si Zie sa sinabi ni coach.

Di din naman nagtagal ay pumito na ang referee. Dahilan para mas lalong nag-ingay ang bawat department rinig ko ang malalakas nilang cheering lalo na ang Criminology na halos mas marami kaysa sa'min na BSA.


'Go Sabado'

'Hidalgooo Iloveyou ahhhhhh!'



'Kyahhhh! Hendrix labs na labs ka namin'


'Go Fernandez my babywhbaby who'Go Lovey Feliz' yang lang ang maririnig mong sigaw nila.


Kami ang nanalo sa coin flip kaya pinili ko ang court. Kami Ang unang magseserve ng bola.

"Ready na ba kayooooo" sigaw ng emcee sa buong gymnasium. Napatakip naman ako ng tenga sa lakas ng hiyawan na alam mong ready na sa masasaksihang laban.


"Yessssssss" hiyawan ng bawat departmento


"Let's welcome the BSA department Jersey Number 7 middle Blocker Amethyst Gonzalez." Pagkabanggit palang ng pangalan ko ay halos dumagundong na sa lakas ng hiyawan ang buong gymnasium halos lahat yata ng department nandito para manuod.


Nakiapir naman ako sa kasamahan ko pati nadin sa coach namin bago pumunta sa court side namin.

"Jersey Number 11 Outside Hitter Ghellyn Jacinto" sigaw ng emcee. Kaya naghiyawan din ang fans ni Ghe. Sinalubong ko naman siya ng apir.


"Jersey Number Opposite Hitter 3 Vea Juanez" sunod na sabi ng emcee. Kagaya kay ghe ganun din ginawa ko sa teammates ko.

"Jersey Number 21 Setter Zielle De Conto" pagkasabi palang ng pangalan ni Zie ay halos mabingi din ako sa cheer para sa kanya. Lakas din Kasi ng karisma ng isang ito.


"Babae mo siguro ang mga iyon" sabay nguso sa babaeng may hawak ng banner niya na Panay heart ang nakalagay. Nakipagbalikat naman ito sa'min.


"Aba malay ko" napailing naman kami sa sagot nito.


"Jersey Number 9 Outside Hitter Nieza Lopez" isa din ito na kalahi ni zie sa pagiging babaera dahil maganda din naman Kasi siya.

Napalingon naman ako sa may gilid at kita ko duon Ang nakataas na kilay ni Prof. Kass na kinalunok ko bigla. Shit! May binulong ito pero di ko rinig dahil sa lakas ng hiyawan pero mukhang alam ko na ano iyon?.

'Playgirl'.

Kinalabit naman ako ni ghe nang makitang nakatingin ako sa may gilid ng court kung SAAN papuntang labas. "Ano tinitingin-tingin mo Jan?" Saad nito na siyang kinalingon ko dito.


"Broken Pieces" (New version).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon