TW: cursing, self-harm, mention of death
Chapter 37
It's for the better... I needed to hurt Jinoh just for his own family sake—for his mother's happiness. Yet I can't help but to feel dying inside knowing that I took my Jinoh's happiness.
Bumuhos ang malakas na ulan. Kumalat ang buhok ko, ang puting dress ay nabalot ng dumi, ngunit hindi ako nagpatinag. Naupo lang ako habang patuloy na umiiyak.
I cried my heart out. Ang sakit isipin na simula bukas ay wala nang bubungad sa akin na Jinoh. Na simula bukas, wala na akong matatanggap na pagkain para sa lunch ko. Na simula bukas... wala na ang limang taon na pinagsamahan namin.
I nodded slowly, accepting the bitter taste of my own fate, because it's for the better.
Inalis ko ang suot sa paa at naglakad sa gitna ng ulan. Napasuklay ako sa buhok, tinanaw ang tinahak na daan ni Jinoh, 'saka ngumiti nang mapait bago umalis.
It was almost 11 p.m when I rode the bus. Nang makababa ay sumilong lang ako saglit sa waiting shed para silipin ang phone. Sunod-sunod ang mensahe na tumambad sa akin.
15 missed calls from my brother.
10 missed calls from Loren.
Napalunok ako. Namuo ang kaba sa dibdib ko, at ang mga kamay ay nanginginig habang nagtitipa ako ng mensahe pabalik.
I read my brother's last message, and I almost lost my balance when I saw his message. Napaupo ako sa mahabang upuan, napahawak sa dibdib, at naluha.
From: Florence
Putangina ka.
I tried to call them but they didn't respond, so I ran to the rain, leaving my footwear in the waiting shed, only to find myself on the ground because I tripped, making my knees bleed in pain.
"Florence! Loren! Papa!" pagsigaw ko nang makarating sa bahay. Basang-basa na ako at pakiramdam ko ay minuto ay sisipunin ako. "Nandito na ako. Pa! Nandito na po ako!"
Hahangos-hangos na inisa-isa ko ang kwarto sa bahay. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa pagod nang hindi sila makita lahat. Mabilis kong dinampot ang phone nang makita ang tawag ni Florence.
"Florence, nasaan kayo?"
Hindi siya nagsalita. Tanging hikbi lang ang naririnig ko.
"Ate, wala na si Papa..."
Para akong nabingi. Tila tumigil ang mundo ko sa balitang natanggap mula sa kapatid ko. Ni hindi ako nakapag-react... ni hindi ko maramdaman ang buong katawan, basta tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ko.
Nang mawala si Mama sa buhay ko, may bahagi sa puso ko ang nawala. Para bang may malaking puwang doon na kahit anong subok kong alisin o punuin, ramdam ko pa rin ang bigat at sakit. Kaya hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang masakit na alaala nang gabing iwan kami ni Mama.
And now, I felt like I was a fucking toy tonight getting played by the world. Another pain and trauma added to my scarred heart, making it open and bleed.
I felt like someone just stabbed me with a knife, and instead of pulling it away, it pushed it deeply only to twist it inside more.
How cruel the world is!
The light took my loved ones again!
My beloved father is gone.
Hindi ko makilala ang sariling boses habang malakas na humihikbi sa ospital. I was crying on my knees, pleading, and dying inside.
"Please... ibalik Niyo po ang tatay ko," I begged, crying. "Ako... ako na lang po ang kunin Niyo... Ako ang ipalit... 'wag lang po ang tatay ko."
Naisubsob ko ang mukha sa malamig na sahig. Sa sobrang pagod ng katawan ay para na akong lantang gulay. Pagod na pagod na ako kakaiyak. Pagod na pagod na ang buong katawan ko, at gusto ko nang magpahinga.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...
