CHAPTER 09: Night Market

54 3 0
                                    

Jesha.

Sa dami na ng nangyari sa buhay ko, ngayon na lang yata ako nawalan ng palielam sa lahat ng 'yon.

Humugot ako ng buntong hininga ng maalala kong na banned ako sa Artemist territory. Ilang taon ko ding pinangalagaan ang tahimik kong buhay pero ngayon dahil sa necklace na napulot ko. Nawala lahat ng iniingatan ko.

Sinabi nila kuya Sevin na Identification gem daw to mula sa city palace. Ano naman kaya ang dahilan bakit pumatay sila sa loob ng teritoryo ng Ares? Isa pa ring dumagdag sa isipin ko, anong tunay na nangyari doon sa Thousand Frames Gallery? Wala din akong ideya kung bakit nakay Jarie yung susi nung kulungan ko sa detention cell. Nailing na lang ako at muling humugot ng malalim na buntong hininga.

Syempre understood naman na kaya niya ko dinala sa TFG, paniguradong napikon sa'kin yon.

"Papunta na ako." Nawala ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng kaluskos sa kabilang balcony. Napangisi ako ng biglang may nahulog na isang mahabang lubid mula dito.

Seems like someone's planning to escape.

"DADD!" Sigaw ko. Bigla namang may sumilip mula sa kabilang balcony. Bumungad sa akin ang iritadong mukha ni kuya. Ngumiti muli ako ng mapangasar at bahagyang lumakad papunta sa kanang bahagi malapit sa balcony niya.

"Oh, kuya Sevin nandiyan kapala?" Inosente kong tanong. He just rolled his eyes and pull the rope he knotted tightly.

"Just shut your mouth!" Inis niya sabi pagkatapos ay nag umpisa ng bumaba sa balcony niya. Ngumiti lang ako ng nakakaloko at pinanood siyang bumaba. Ganito kami tumakas dito sa bahay may human detector kasi itong mansion na kapag may pumasok or lumabas ng gabi sa maindoor at kahit saang pinto ay made-detect at mag-aalarm yung buong bahay.

After niyang makababa ay sumampa ako sa railings ng balcony ko. I tried to balance myself at inabot ko yung railings ng balcony niya. Tagumpay ko naman itong naabot kaya nag-umpisa na akong itapak ang kanang paa ko at tumalon sa balcony ni kuya Sevin.

I smiled in victory as I started to climb down the rope he hungs in his balcony. Pagkababa ko ay tumakbo ako at sinundan yung lokasyon na tinakbo ni kuya. Napangiti ako ng malawak ng makita ko siya sa 'di kalayuan. Yung bahay nila dad Jovan here may forest sa likod.

Wait... Kumurap lang ako bigla na siyang nawala. Kumunot yung noo ko ng makarating ako sa lugar kung saan siya nawala. May kubo rito na kung titignan ay parang pahingahan lang nila dad sa forest. Mas lalong lumawak yung ngisi ko ng makakita ako daan pababa.

Seems like he forgot to close the door.

Underground basement din. I smirks. Kapag ako ang naging leader ng isang gang hindi ako magha-hideout sa underground.

"You should never enter a mysterious door." I flinched upon hearing those words. Nung humarap ako sa kanya ay napangiwi ako.

"Ikaw lang pala, akala ko si ken na or kuya Sevin na." Napa awang konti yung bibig niya at tinuro ako.

"Ikaw! Bakit kay Ken ka lang takot, ha?" Reklamo niya. Nag make face lang naman ako at binelatan siya.

Para kasi niya akong papatayin kapag tumititig siya sa akin. Geez!

"Nakikita mo ba yung mga mata niya kapag tumititig? Yung mata pa lang niya parang sinasabi nang freeze. Tapos yung aura niya para kang inuutusang ibaon yung sarili mo sa kinatatayuan mo." Mahina kong lintanya habang nakasilip sa maliit na siwang ng pinto. He just chuckles and push me. Gulat na gulat akong nabaling ang tingin kay Hunter na tawang tawa na ngayon.

What the heck! Agad kong naituon yung kamay ko sa sahig dahil muntik na akong makipag halikan dito.

"Walang hiya ka, HUNTERRR!!" Nangigigil kong sigaw sa pangalan niya. Nung mabaling ang tingin ko sa mga taong prenteng nakaupo sa may sofa ay nakagat ko na lang yung labi ko at napalunok ng laway.

Crime Empire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon