CHAPTER 11: Thousand Frames Enigma

46 4 0
                                    

Jesha.

Buong buhay ko hindi ko pa naranasang gumawa ng gulo. Pero nitong mga nakaraang araw, nagministulang hinahabol ako ng gulo. Naturingan akong Athena's daughter na halos perpekto sa lahat ng bagay.

Pero tao lang din naman ako, maraming nagagawang pagkakamali at kasalanan. Ano nga bang connect ng pinagsasabi ko? Ang sinasabi ko lang kahit matigas ang ulo ko hindi ako mahilig sumuway sa mga bilin ng mga sa akin. Sa mga bilin ng late parents ko, wala pa rin akong sinusuway, ganon din ang kila mom at dad Jovan pati na rin ni kuya Sevin.

Pero ngayon I literally killed one person. Sa tuwing nakikipag laban ako hindi ko sila pinupuruhan, mawawalan sila ng malay ngunit buhay pa rin. Mahigpit na bilin sa akin ni mom Shammy, my late biological mom na huwag ako papatay ng kahit sino.

"Kung gayon nakapili ka na ng kapalaran." Tumahimik silang lahat matapos sabihin yon ni Timothy. Lahat sila seryosong nakatingin sa akin pagkatapos ay sabay-sabay na sumugod.

This is getting more and more exciting!

"Shit!"

I immediately push the button in my gun and point it to them. Isa isa ko silang pinaputukan ngunit ang nakakapag taka ay bawat putok ng baril ko dalawa ang bumabagsak na tao.

Wtf!

I make a quick glance to kuya Sevin's group, however not a single of them holding a gun. Prente silang nakatayo habang mataman lang na nagmamasid. Muli akong bumaling sa mga kalaban ko ng ang iba sa kanila'y nakalapit na sa akin at sinimulan akong atakihin. Saglit akong nataranta ngunit mabilis ko ding naiayos ang sarili ko.

Kung magpapatuloy at tatagal ang laban namin, hindi ko maiiwasang mapatay silang lahat.

Sinuntok ko sa mukha yung lalaking lumapit sa akin. Pagkatapos ay sinalag yung kamay nung lalaking mula sa likod ko na sumugod sa'kin gamit ang kutsilyo. Mabilis ko siyang nahawakan at nilock yung braso niya pagkatapos ay tinuhod sa sikmura. Pagbagsak niya ay may panibago nanamang sumusugod sa akin.

"This is worth of my one week training." Wala sa sarili kong salita matapos kong nakita yung anim na lalaki papalapit sa pwesto ko.

Excited akong tumakbo upang sugudin sila ngunit may biglang humatak ng buhok ko. Napahinto ako at napaharap sa kanya.

Timothy?

"Hello!" Kumaway pa siya kaya naboboryo akong umikot at mabilis ko siyang sinasaksak gamit ang kusilyo sa weapon chain ko. Gulat naman siyang umiwas at bumitaw sa buhok ko.

I smirks at prenteng tumayo sa harap niya. "Yan lang ba ang kaya niyo? Hindi niyo man lang ako nagalusan."

"Huwag kang mag pangap na matapang, gayong babae ka lang naman." Mayabang na pahayag ni Derrick. Nawala yung ngisi ko ngunit tumawa naman ako ng bahagya.

Gayong babae lang ako? Babae nga ako subalit hindi babae lang.

"So, kayo lang bang mga lalaki ang pwedeng mag pangap na matapang? Kung gayon pala'y hindi naman ako nagpapangap lang na matapang."
Pinanlisikan niya ako ng mata

"Tapusin na natin to. Sinisiguro kong sa huli luluhod ka sa harap ko at magmamaka-awa." Tumawa ako na parang hibang sa naging lintaya ni Timothy, ngunit huminto din ako agad at mataman silang tinignan isa isa.

Luluhod? Magmamaka-awa?
Hindi ako luluhod kanino man, kahit sa Prime Minister pa yan.

"Talaga lang." Muli akong ngumiti ng nakakaloko. Pagkatapos ay sumugod sa akin yung mga tauhan niya. Tinulak ko yung kaharap ko ng malakas kasabay ng pag ikot ko at pagsiko sa nasa likod ko. Saktong pag hinto ko ay siyang pagsugod ng pitong lalaki na sabay sabay, lahat sila malalaki yung katawan, nawala ako sa konsentrasyon lalo na ng sumabay sumugod si Timothy sa akin.

Crime Empire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon