CHAPTER 12: Artemist Territory Festival

39 2 0
                                    

Jesha.

I heave a sigh for the third time this morning. Ang mga napag usapan namin nung isang araw ay patuloy pa ring gumugulo sa isipan ko. Iniisip ko rin kung ganon din ba ang mangyayari sakin kung hindi lang ako ini- rescue nila kuya sa Thousand Frames.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. 2 days narin ang nakakalipas nung nagpunta kami sa Night Market at 7 am na nung dumating kami at makauwi. Hindi namin naabutan sila dad at mom kaya walang nangyaring masama sa amin sa kamay ni dad, baka may pinuntahang business sa labas ng Ares. Pero narinig kong dumating sila nung 3pm at hinahanap ako. Marahil ay narinig na niya ang balitang nakipag basag-ulo ako sa grupo nila Timothy.

Well, that's not new. Maraming gangs na ang nakaaway ko, at lahat sila after non nagkakawatak-watak. Yung iba naman nagpapadala ng mga death treats sa akin. Mayroon pang bigla na lang akong tinatambangan, kaya yon hindi rin naman nila ako kaya. Swerte lang si Timothy at hindi ako seryoso non.

Mabilis akong napabalikwas ng may bumato mula sa balcony ko. Tatayo na sana ako ng muling may bumato at dahil bukas ang pinto mula sa balcony ay dirediretso itong pumasok sa loob ng kwarto ko. Tumayo ako at pinulot yung bato na nakabalot sa papel na kulay asul. Binulat ko ito at inalis sa pagkakabalot yung bato, bumungad sa akin ang isang sulat kamay ng kung sino.

Meet me in our hideout.


-Hunter.

Napakamot ako sa batok ko at naglakad papunta sa balcony. Sumilip ako sa railings non subalit wala akong naabutan na kahit sino. Balak niya ba akong bukulan? O balak niya lang magkalat sa kwarto ko?

Knock... knock... knock....

"Miss Jesha, pinapatawag po kayo ni sir Jovan." Bahagyang kumabog yung dibdib ko matapos kong marinig yung katulong sa bahay. I bit my nails and sat on my bed.

Anong sasabihin ko? Paniguradong sesermonan ako non. Paniguradong nabalitaan na niya yung ginawa ko sa sa Night Market. Yari ako! Nakapatay pa ako ng isang taga Aquila. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa kahut ano mang lilipad na bagay papunta sa akin.

"Miss, gising na po ba kayo?" Muli ay tawag niya. Agad naman akong tumalima at lumapit sa pinto.

"Pababa na." It's already seven in the evening, maghapon akong hindi bumaba ng kwarto ko at nanatili dito, lalo na ng marinig kong dumating na sila dad. Natulog lang ako dito maghapon at nanood ng tv.

***

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Pero agad akong napatigil ng makita si dad sa living room na prenteng naka upo habang nagbabasa ng newspaper.

I was about to step on the last part of the staircase when he suddenly called my name.

"Jesha Hel Valencia." Napangiwi ako ng bangitin niya ang buo kong pangalan. Lalo na at idinugsong pa niya yung apelyido niya which is weird. Hindi nila pinalitan ang apelyido ko ng Valencia at nananatili akong Strella.

"Why did you add your last name in my name so suddenly?" I shrugged. He smiled playfully and fold the newspaper before throwing it to me. Mabilis ko itong nasalo at nagtatakang binuklat at binasa.

Bakit ba bigla niya 'kong gustong pagbasahin ng newspaper?

"See for your self, daughter." Ngumiwi ulit ako. Anong nakain niya at tinawag niya akong daughter?

Crime Empire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon