After 5 years
Sevin Percy Valencia
(A/N: He is the only son of Jovanie Valencia. Jovanie is a member of the Kings and the co-leader.)Habang tinitigan ko yung babaeng nag s-sparing sa loob ng Sapphire building, hindi ko maiwasang mapatingin din sa lalaking kanina pa nagmamasid sa kanya.
Kilala niya ba yon? Pero halos 30 minutes na doon yung lalaki. Napailing na lang ako.
"Ohh? Kanina pa yang lalaking yan diyan ah." Puna ni Hunter nung mapansin niyang kanina pa ako nakamasid sa gym ng Sapphire building.
"Baka bagong admirer nanaman niya." Komento naman ni Kypher. Ngumiwi naman ako. Hindi ba nadadala ang mga lalaking to?
"Wow! Seryoso? kahit bugbog sarado ang mga lalaking nagkakagusto sa kanya, may mga nagkakamali pa rin?" Nakangising litanya ni Hunter.
Right, 'diko naman maitatanging maganda nga si Jesha pero napaka brutal ng babaeng yan. Yung mga nag co-confess sa kanya palagi niyang hinahamon ng suntukan.
"May nagkakagusto parin pala sa barakong yon." I heard them laugh upon Ken's remarked.
"Babae pa rin naman si Hel." Kypher.
"Huwag kayong malinlang, lalaki lang 'yon na nagkatawang babae." I quickly glance at Florence (Yren) and laughs.
"Yren probably right—Sh*t!"
"Yo! Bakit?"
Tinitigan ko yung lalaki na bumunot na ng baril at itinutok kay Jesha. Nawala lang saglit yung attention ko sa kanya nakabunot na agad siya ng baril.He's not an admirer, he's planning to assassinate her. Hindi siya gaanong kita sa kina-pu pwestohan niya, dahil maraming halaman sa tapat ng gym. Nasa third floor kasi ako sa dorm namin dito sa HQ. Tapos sa tapat 'di kalayuan ay yung Sapphire building.
Ilang beses akong pumalatak. Madalas sa nagtatangka sa buhay ni Jesha ay admirer niya na nabugbog niya at mga gangster na kinalaban niya.
"Get my sniper, Yren!" I exclaimed without looking at him. Natataranta naman siyang sumunod, marahil ay dahil sa tension ng boses ko.
"Wait! wait!wag na pala."
Dinukot ko sa bewang ko yung baril kong may silencer at tinutok sa lalaki. Ares weaponry and technologies are more advance. Kaya kahit anong klase ng baril dito ay doble ang bilis ng bala kapag ipinutok at kahit gano kalayo ay kayang abutin.Tinantiya ko yung binti nung lalake at nung alam kong naka lock na yung target ko.
"BANG!"
I pulled the trigger. Nakuha ko ang attention nung mga nasa baba habang ang iba sa kanila'y sa bandang kaliwa lumingon. Napa upo ako sa may corridor ng dorm namin. shit! Bakit kumalat yung utak non eh sa binti ko lang naman binaril?What the!? Kanino galing yung putok na yon? Hindi yon sa'kin! Impossible namang pumaleng yung bala ko, at isa pa may silencer yung baril ko.
"Hoy! Anong ginawa mo?"
Napakunot yung noo ko nang tignan ako ng mga kaibigan ko."Sinong binaril mo?" Tanong ni Ken. Kaya napabuga ako ng hangin.
Sabay-sabay pa silang sumilip sa baba at mga nanlaki yung mata." what the... Smash potato!" Hindi ko na sila pinansin at tumakbo na ako pababa ng hagdan. Wala talaga akong ginawang brutal kaya gusto kong kumpirmahin na tama yung hinala ko.
At pagka-dating ko sa tapat ng gym ay sumalubong sa akin ang nagkakagulong mga tao. Mabilis namang humawi yung mga tao hangang sa makarating ako sa harap.
BINABASA MO ANG
Crime Empire
Misterio / SuspensoWELCOME TO THE CRIME EMPIRE!!! Draw your gun, and you'll be dead. "Death is inevitable and chaos is the only choice." • Not your typical gangster story. WARNING!! This story may contain violence and inappropriate words which are not suitable for the...