Bakit ba kasi kailangan ko pang matagpuan yung kapatid nung impakta? Panigurado yan', bagong issue na naman ang kasasangkutan at ikakalat ng mga yon. Bakit ba ang laki ng galit sakin ni Hayley? Ano bang nangyari?
Hindi naman siya ganoon noon nagkakilala kami. Oo, tama kayo, kilala ko si Hayley since elementary. We've been best friends since we were young. Never in my life kong na imagine na magagawa niya sa'kin to, at bakit ngayon pa?
Kung kailan kailangang-kailangan ko siya. Kung kelan kailangan ko ng masasandalan tsaka niya pa ko iniwan sa ere. Sabagay', siya naman ang may kasalanan kung bakit naging ganito ako ngayon'.
Never ko siyang sinisi sa pagpapakamatay ng mama ko..
Pero yung pagkakalat ng pekeng balita, yun ang sa lahat kinagagalit ko.
Alam niya naman ang totoo e..
Pero bakit pinili niyang siraan ako? Ang sakit lang, dahil sa lahat nang itinuring kong mahalaga saken, bakit siya pa ang gagawa sakin' nang ganoon. Don't get me wrong pero, hindi ko siya kinamumuhian bilang siya dahil marami kaming pinagsamahan noon at lahat yon' totoo.
Galit lang ako sa ginawa niya. I wanna know the reason why she did that kind of worse stuff to me. Na kahit kailan naman' hinding-hindi ko magagawa sa kanya.
Sa pagmumuni ko, nawala sa isip ko na ilang minuto na rin pala akong nakatayo sa labas ng gate. Napa bugtong hininga nalang ako dahil sa stress.
Bigla namang' bumukas ang gate at bumungad si kuya Allen na inilalabas ang kanyang Yamaha Aerox 155 na motor. Nagtataka man pero ipinark niya muna sa gilid yung motor at lumapit saken. Niyakap niya ko at ginulo ang buhok ko tapos nginitian ako.
"Ang aga mo yata? Nag ditch ka ba? Tsaka buti napadalaw ka, miss ka na ni lola."
Instead kasi dumiretso ako sa apartment ko malapit sa school ay naisipan ko nalang muna dito matulog sa bahay. Ang lungkot kasi mag isa, wala naman akong roommate don tsaka saktong pang isang tao lang dun sa apartment na inuupahan ko since mura na siya para sa tulad kong istudyante.
"Ah hehe miss ko na rin naman siya, pati ikaw kuya." nag pout pa ko. Kahit na isang linggo palang, hindi ko maiwasan na mamiss' tong mga to'. Sila nalang kasi yung talagang nakakausap ko dahil wala na kong' mga kaibigan. Si kuya Allen at lola ang nan'dyan simula mamatay si mama. Kaming tatlo nalang talaga ang nagtutulungan at magkakasama, kahit hindi na ko dito nakatira. Dumadalaw-dalaw pa naman ako kahit dalawa o tatlong beses sa isang linggo.
"Oh siya, pumasok ka na at salubungin mo na si lola doon bunso." sabay kindat pa at kinuha na ang motor niya.
"Teka, saan ka pala pupunta kuya?"
"Ah may susunduin lang hehe." hindi ko pa man nasusundan nang tanong, dali na siyang sumakay at nag drive.
Siguro may date yon. Sabagay, deserve din naman niyang sumaya, ano ba naman ako para kwestyunin yon'. Agad naman akong pumasok na sa loob para salubungin si lola, sayang at wala akong pasalubong, nakalimutan kong dumaan sa palengke para bilhan siya ng favorite niyang kutsinta.
"Lola!"
Nakangiti ko siyang sinalubong at nag mano, niyakap ko na rin siya. Iba talaga yung feeling ng isang akap ng lola. Para akong yumayakap sa ulap hehe, nakakagaan sa pakiramdam.
"Oh apo, buti at naparito ka. Kamusta naman ang pag aaral? Marami ka bang naging kaibigan? Naku, namiss ko na si Hayley, antagal na niyang hindi napunta rito."
BINABASA MO ANG
What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)
Teen FictionTroublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw may kumalat na palang scandal niyo ng prof mo sa Saint Benilde Campus? But then, you have given the chance to clear your name, ang kaso.. ...