Trigger Announcement:A romantic comedy with a twist! This drama story will make you laugh, cry, and even give you romantic excitement. It is also a warning to underage readers that it contains moral lessons, excitement, adventure, and even mature actions and language.
***
After nang mga nangyari, bumalik na kami sa class. Medyo nagulat ako kasi same kami ng schedule ni Eve, ewan pero nakakatuwa rin. At least hindi na ko nagi-isa. Pero.. hindi pa rin maalis sa isip ko yung pag ligtas nung mokong na 'yon sa'kin. Hindi man lang ako nakapag pasalamat, hindi niya deserve pero kasi.. magiging kasing sama ko naman siya kung hindi ako magpapakita ng gratitude. Hindi para sa'kanya, kundi don' lang sa effort niya. I still don't trust him, never in my life akong magtitiwala sa lalaking 'yon. Siguro nga baka ginawa niya lang 'yon para i-blackmail ako.
Hays, tama na nga. Ayoko na siyang isipin. Saka' sasama lang ako para magpa salamat, hindi ako makikisalamuha sa'kanila. Tama. Magte-thank you lang ako tapos aalis na. Kaso paano naman si Eve, hindi ko s'ya pwedeng iwan sa mga yon, lalo na sa Kenneth na 'yon. Delikado ang iniingatan niyang perlas!
Bahala na nga ang mangyayari. Naroon naman si Nate kaya kahit papano mababawasan ang pag aalala ko.
"Ally, sino pala yung mga 'yon?" curious na tanong ni Eve. Hala, anong isasagot ko?
"Ah, mga kaibigan ni Nate. Huwag ka masyado magtiwala sa mga 'yon, lalo na roon sa Kenneth."
"Yung umakbay sayo? Mukha ngang hindi mapagkakagkatiwalaan, pero popular yata sila, Ally! Kasi yung mga babae kanina, kung maka look sa'tin parang they're gonna eat us alive huhu, I got scared!" natawa nalang ako sa'kanya, hindi lang pala mukha niya ang sweet at childish tignan, pati pala character niya.
"Wait, is Nate your boyfriend? In fairness, they all look so cool and pogi, siguro nga boyfriend mo yung isa don no? Yung kumain ba ng sandwich mo? Tsaka may sinabi pa siya kaso hindi ko masyado narinig, about yata sa utang. Wait, what's utang, Ally?"
Ewan ko ba rito sa babaeng 'to, hindi kami magka humor pero nakakatuwa rin, naalala ko tuloy si Hayley when we both first met. Ganyan din siya mag salita e, conyo o taglish.
"Ah hindi no, si Nate kasi yung madaling maka close sa'kanila. Siya lang kasi yung hindi asal aso.." hininaan ko yung boses ko sa huli kong sinabi.
"Ha? What's that?" umiling na lang ako at sinabing wala. Nag umpisa na 'rin yung class.
***
After ng period na 'yon, naghiwalay na kami ni Eve. Iba kasing ang schedule niya sa 3rd period. Dumiretso naman ako sa room kung saan classmate ko si mokong. Hays. Sana nag ditch siya.
Pagpasok ko sa room, wala s'ya ron. Yes! Sabi na e, wala talagang paki sa pag aaral yon'. Bakit ba kasi nag college pa s'ya? Sabagay, hindi naman manghihinayang sa tuition fee ang parents niya dahil parang barya lang sakanila i'yon. Mayaman rin kasi talaga sina Hayley.
Nagmamay-ari sila ng ilang large business sa buong asia. Kaya nung sinama ako ni Hayley sa'kanila, talagang nalula ako. Feeling ko nanliit ako, mansion ba naman ang bumungad sa'kin. Gate palang nila pero mas malaki pa sa lupa ng lola ko don' sa'kabilang bahay namin.
Saka' malaki rin yung parking nila, sa rami' ba naman ng mga mamahaling sasakyan nila. Ewan ko lang kung nadagdagan pa, iba pa yung pool nila na parang beach, may white sand kasi 'yon noon. Basta, malulula ka talaga kung kagaya kitang hindi naman ganon ka big time.
Nag start na pala yung class, 15 minutes ang nakalipas nang biglang may niluwa ang pinto ng classroom.
Si Hades, at talagang humabol pa. Medyo gulo yung uniform niya, parang tupi-tupi. Tapos hindi niya suot yung blazer niya, naka formal white dress shirt lang siya na kusot, pati yung necktie niya magulo rin. Akala mo bagong gising lang amp.
***
Hades.
Nandito ako sa backyard garden, kung saan kami nakita nung babaeng aso. Eto, nakikipag makeout lang ako. Ang boring e, ni hindi naman marunong humalik 'tong babaeng kasama ko. Para akong nakikipag halikan sa tuod. Ni walang kasarap sarap humalik, ang dry pa ng lips niya.
Naramdaman ko nalang na hinihila niya yung uniform ko tapos nilalapit sa'kanya. Psh. Tinulak ko na siya, ang boring naman niya e, tapos dudumihan pa uniform ko. Mas mahal pa 'to sa buhay niya e.
Umalis na ko. Hindi ko pinapansin yung pag tawag niya. Mas nae-excite pa ko mamaya e. Gusto ko makita kung pano niya ko masa-satisfy.
Dapat lang, kung hindi dahil sa'kin baka napakinabangan siya nung mga unggoy na lasing, ang malala pa, baka after non nasa balita na s'ya at natagpuang nakahandusay sa kung saan liblib na lugar.
Hindi na dapat ako papasok kaso naalala ko, classmate ko pala si babaeng aso. Napangisi nalang ako sa utak ko, mas okay na 'yan. Baka mamaya tumakas pa s'ya at hindi tumupad sa usapan. Nagtungo lang ako sa classroom, andun na pala yung prof, kanina pa siguro. E, ano naman kung late ako? Psh.
Pumasok lang ako nang walang paalam sa pinto at dumiretso kung nasan s'ya.
"Mr. Fernandez! You're late! At parang wala kang nakitang teacher sa harap mo at nagdire-diretso ka lang r'yan!" pagmamaktol ni prof.
Ang panget niya magalit, umuusok na yung ilong e.
Walang emosyon ko lang siya tinignan.
"Why? Anong magagawa mo? Ako meron, kaya kita ipatanggal sa position mo as a prof. So, shut up." madiin kong sagot. Hindi ako natatakot sa'kanya, I can get him fired anytime I want.
Hindi siya nakasagot, malamang natakot, as he should naman. Ang dami niyang kuda e. Nagpatuloy nalang siya sa pag discuss. Hindi naman ako nakinig, sinilip ko yung katabi ko. Naka focus siya don sa walang kwentang prof habang nagsusulat.
Kinuha ko naman yung sinusulatan niya, tinignan ko iyon, and well, she indeed have a nice writing skills. Inaagaw niya pero nilalayo ko. Kinuha ko yung pen na hawak niya tapos sinulatan ko yung notes niya.
"Don't you dare na tumakas mamaya. You have to pay the debt you owe me."
***
Ally.
Sinauli niya sa'kin yung notes ko na inagaw niya. Bwisit talaga sa buhay ko 'tong mokong na'to e! Ano bang problema niya at ginugulo niya ko. Pati pag focus ko sa lecture, nawala tuloy! Saka' student lang naman siya dito pero kung umasta, akala mo pagmamay-ari yung school! Napaka walang modo! College na siya pero wala man lang character development sa utak ng gago na'to.
Don't you dare na tumakas mamaya. You have to pay the debt you owe me.
Wala na talaga akong kawala sa pambwi-bwisit ng animal na'to! Hays, mas malala pa yata siya sa mga demonyong lupa e. Prinsipe yata siya ng kasamaan. Ubod ng sama ang ugali e!
BINABASA MO ANG
What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)
Teen FictionTroublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw may kumalat na palang scandal niyo ng prof mo sa Saint Benilde Campus? But then, you have given the chance to clear your name, ang kaso.. ...