A troublemaker's deal

57 5 2
                                    

Tumayo siya at unti-unting lumapit sa'kin. Nakaramdam naman ako nang hilo, parang biglang gumaan yung katawan ko. Hindi ko namalayang nakasalampak na pala ako sa sahig. Ang huling natandaan ko nalang ay parang may bumuhat sa'kin.


Pagdilat ko, napansin kong maliwanag yung kisame, lumingon ako sa paligid. Nasa clinic pala 'ko ng school. Ano bang nangyare? Nahihilo pa rin ako 'saka parang inaantok. Kinapa ko yung noo ko, ang init. May lagnat pala ako, hindi ko namalayan kanina.

Dali-dali naman lumapit 'yong nurse sa direksyon ko.


"Hello, kamusta ka na?"


"Ah e, nahihilo pa rin po ako pero sa tingin ko kaya ko na po."


"Mataas yung lagnat mo e, mas mabuti pa sana kung magpahinga ka muna, tapos maya-maya need mo kumain para makainom ka ng gamot na ibibigay ko sa'yo." nginitian ko na lang siya tapos nag pasalamat. Pero bago siya umalis, nagtanong ako.


"Ah excuse po, pwede ko ba malaman kung sino yung nagdala sa'kin dito?"

"Ay sorry, hindi ko natanong yung name e, pero lalaki siya."

Si Hades kaya 'yon? Baka naman hindi, siguro may ibang nakakita sa'kin, baka nga iniwan niya ko 'ron e. Pabor pa sa'kanya na magkasakit ako. Wala namang pakielam 'yon sa kung anong mangyari sa'kin.


Bumalik nalang ako sa paghiga para magpahinga, umiikot pa kasi yung paningin ko.


"Ally?" napalingon ako sa may pinto. Si Eve pala at si Nate. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga. Dali-daling lumapit sa'kin si Eve at niyakap ako. Makikita mo sa hitsura niyang alalang alala siya. Sumunod naman si Nate na lumapit.


"What happened to you?" alalang tanong ni Eve.

"Nawalan lang ako ng malay, dahil siguro sa taas ng lagnat. But I'm perfectly fine, wala namang masamang nangyari."


"Good, sinundo ako ni Nate sa room para mapuntahan kita rito." si Nate nga siguro yung nagdala sa'kin dito. Ngumiti ako sa'kanya at nagpasalamat. Nagpaalam naman silang dalawa na babalik na sa class.



Sinunod ko lang yung sinabi ng nurse na kumain tapos uminom ng gamot. Nagpaalam na rin ako para makauwi. Naglakad na ko patawid nang pedestrian nang biglang may sasakyan na huminto sa tapat ko at bumusina.



Aba gago 'yon ah! Balak niya ba kong banggain? Ang hahambog talaga ng ibang mga driver e. Bigla namang may sumilip sa labas ng bintana. Yung impakto pala.


"Ano pang tinutunganga mo diyan? Get in loser." hindi ko nga siya pinansin. Ang lakas ng topak niya, ano siya bait baitan? Akala niya naman magpapadala pa ko sa'kanya.



Dumiretso lang ako ng lakad at hindi siya pinansin, narinig ko naman na sinara niya yung pinto ng kotse niya at mabilis akong sinundan.

Hinawakan niya yung braso ko pero nagpupumiglas ako.

"Ano ba, Hades?! Huwag mo na nga ako idamay sa galit mo! Hindi ako si papa, oo mali siya at may kasalanan siya sayo pero samin rin naman ni mama! Mas nagdudusa ako dahil anak niya ko!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

"Don't be stupid at dito ka pa talaga nagsisi-sigaw, dun tayo sa kotse mag usap." madiin niyang sabi, hindi na ko nakapalag dahil nanghihina rin ako sa lagnat ko.

Binuksan niya yung pinto ng kotse niya at tinulak ako papasok. Sirang sira talaga ang araw ko kapag kasama ko siya e.

Pumasok na rin siya tapos pinaandar yung sasakyan.

What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon