Settled

43 4 0
                                    

Ally


"Waaaah!"


Nagising ako mula sa sofa, nalaglag pa ko kaya naman ang sakit tuloy ng katawan ko. Paano ba naman, may magaling na nagbuhos ng tubig sa'kin habang masarap yung tulog ko.

Kung pwede lang talagang makapatay baka suspect na ko sa isang crime scene ngayon palang.


Tiningala ko siya habang sinasamaan ng tingin.


"Kanina pa kita ginigising e, tulog mantika ka palang babae ka. Bumangon ka na diyan, sabay tayong papasok." sabi pa niya tapos dumiretso sa bathroom.


Argh! Isang magandang araw na naman para sa'kin.



Tinignan ko yung relo ko, 4:30 AM palang naman ah! Ang aga pa, ano namang nakain niya? Hindi naman siya ganito kaaga pumapasok e. Kung hindi late ay puro pagdi-ditch nga yung inaatupag niya. Tsk!



After ilang minutes, natapos na rin siya.



"Maligo ka na rin, ang baho mo na e. Tapos sumunod ka sa baba. Bilisan mo."



Ano niya ba ko rito? Utusan niya? Daig pa niya nanay kung makapag demand. Hmp.


Hindi na ako nakipagtalo at dumiretso na maligo. Basa na rin ako e, kung hindi ba naman siya walang modo at tarantado.



After ko maligo, nagbihis na rin ako tapos nagsuklay. Pagkatapos ko ayusin yung bag ko, sumunod na ako sa baba.



Grabeng hagdan 'to, para akong nag exercise nang wala sa oras. Mayaman naman sila, bakit hindi nila gawing elevator para madali ang buhay.



Nakita ko siya sa dining area. Nilingon naman ako ni Hades at sinenyasan na pumunta ron. Nakakahiya na ganito, dito ako makikitira at dito ako kakain, hindi nga ako umasa sa parents ko e, tapos kila Hades pa.


"Eat your food, we will leave in 10 minutes."

"Ano bang meron at nagmamadali ka?"


"Wala ka na ron." pagsusungit niya. Baliw talaga e.



Sabay nalang kaming kumain pero hindi kami nagpapansinan, ang awkward talaga kapag ganito. Nang matapos kami, sumunod ako sakanya. Dumireto kami kung saan naka park yung kotse niya.



"Kuya Toni, pwedeng ikaw muna ang mag drive papunta ng school ko?" aba, himala. Bakit kaya ayaw niya mag drive? Gustong gusto niya nga na niyayabang yung sasakyan niya sa campus e.



"Get in, huwag kang tumunganga dyan." pagsungit niya.



Inirapan ko lang siya tapos sumakay na sa backseat. Nagulat naman ako nang tumabi siya sa'kin. Bakit hindi siya sa harap umupo? Mambwi-bwisit na naman siguro 'to.



Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Anyare kaya? Parang wala siyang gana mang asar o manlait ngayon ah.


May naramdaman akong mabigat sa balikat ko. Pagtingin ko don, nakasandal yung ulo niya pero nakapikit lang siya. Iuurong ko sana yung ulo niya pero pinigilan niya yung kamay ko.



"Sandali lang pwede?" nakapikit pa rin siya.

Bakit ganon? Bakit parang ibang Hades yata to? May sakit ba siya?


Hinayaan ko na nga lang, ayoko na rin makipagtalo, inaantok pa kasi ako e. Gusto ko muna sanang umidlip kaso malapit na pala kami. Tumigil si kuya Toni sa tapat ng gate entrance ng campus, bigla namang dilat at bangon ni Hades, nag pasalamat lang siya driver  tapos lumabas na kami.


What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon