Inunahan ko na bumaba ng kotse yung mokong kong kasama. Nakita ko naman agad si Wayne sa gate na naka abang. Siya yung nakilala ko kahapon, nag ask kasi ako ng favor sa kan'ya na kung pwede ay tulungan niya ko para sa club event. Hindi na kasi ako naglakas ng loob lumapit kay Nate. Alam niyo na.
"Wayne!" tawag ko sa kan'ya, ngumiti naman siya sa'kin. Sabay kaming naglakad.
"Sorry kahapon ah, alam mo naman yung mga demonyo nasa paligid lang natin yan." paumanhin ko.
"A-Ah, hayaan mo na 'yon. Ako na lang ang iiwas kapag nangyari ulit 'yon." utal niya.
Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kan'ya, pano wala naman siyang ginagawang masama. Tinutulungan niya lang naman ako pero siya pa 'tong mapapahamak dahil sa'kin.
Kung bakit kasi ugaling barabas yung Aids na 'yon. Nasa kanya na nga lahat, kasikatan, pera, hitsura. Sa ugali lang talaga bumaluktot.
Napatigil kami nang mapansin si Hades na nilampasan kami. Lumingon pa siya sa'min at tapos tinignan si Wayne ng masama. Wala naman siyang sinabi, bigla lang siyang nauna maglakad. Ano na naman bang kalokohan ang iniisip niya? Bakit hindi niya na lang gamitin yung utak niya sa pag-aaral, edi mas nakabuti pa sa kan'ya. Tsk.
Nang makarating kami sa room ay saktong mayron pa kaming ten minutes bago mag start ang class.
"So, Ally, may alam ka bang any instruments?" tanong ni Wayne habang kinukuha ang book sa bag niya.
"Ah, wala e." napakamot pa 'ko ng ulo. Ang kuya Allen ko lang kasi ang may gitara at marunong non. Hindi ko kasi talaga ma gets kung paano gamitin yang mga music instruments na yan.
"Okay, how 'bout singing?"
Napabuntong hininga na lang ako. Wala rin talaga akong talent sa mga ganyan, kung usapang arts naman, sa pag drawing naman ako mas nakakalamang.
"Uhm pano ba?" nag isip siya. Mukhang nahirapan siya mag isip. Pano ba naman kasi, nag sign in ako sa musical club pero wala akong alam ron. Ang stupida ko rin.
"Pwede mo naman akong turuan na kung ano sa tingin mo ang madali, hehe." nahihiya kong sambit. Wala rin kasing mangyayari kung tatanungin niya lang ako, dahil ang isasagot ko ay wala akong alam sa music. Nakikinig lang ako ng music, yun lang talaga e.
"Okay lang magbigay ka ng sample sa pagkanta? Let's see baka kaya nating ma-improve." suggestion niya.
Sige, eto na, handa na akong ipahiya ang sarili ko.
"Sa hindi inaasahang.. pagtatagpo ng mga mundo..."
"May minsan lang na nagdugtong… damang-dama na ang ugong nito..."
"Okay, stop." napatingin ako sa kan'ya, hala napangitan siya huhu.
"Smooth naman ng voice mo kaso flat lang, pero pwede na 'yan. Medyo lagyan mo lang ng emotions. If okay lang sayo, mag practice tayo after class sa music hall." napilitin pa siyang isingit yung salitang 'pwede na' alam ko naman na hindi talaga maganda ang boses ko eh.
Ngumiti na lang ako sa kan'ya at nag thumbs up. Kahit papaano pala malaking tulong ang pakikinig ng music, malay natin, maging popstar ako pagdating ng araw. Ang assumera ko.
***
Natapos ang buong araw ko sa apat na class schedule ko nang hindi lumalabas sa room. Hindi ako sumama kay Eve kumain sa cafeteria para tapusin yung mga pinagawang homework. Oo alam ko, homework dapat sa bahay ginagawa. Pero hobby ko na kasi na tapusin dito palang para hindi na 'ko matatabunan. Apat na subject pa nga lang pero sampu na ang activity. 'Saka may shift schedule pa ako sa convenience store mamaya.
Naghintay ako sa music hall kung saan yung napag usapan namin ni Wayne. Dalawang oras na ang nakakalipas pero wala pa rin siya. Asan na kaya 'yon? Hindi ako pwede magtagal dahil may part time pa 'ko.
Lumabas na lang ako dahil mukhang nakauwi na siya o baka may emergency. Habang naglalakad ako ay may humila sa'kin.
"Nate?"
Hindi niya ako sinagot, bigla niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Maya maya pa nilapit niya yung mukha niya sa'kin kaya napapikit ako. Wala naman akong naramdaman na dumampi sa labi ko kaya napadilat ako.
Nakita ko na lang na nakabulagta si Nate, teka sinapak ba siya ni Hades?!
***
Nate
Nagbilin ako kay Kenny na mag text siya kay Hades, sabi ko papuntahin si Hades sa music hall. May naisip kasi ako e, I wanna test something, or should I say, someone.
Habang naghihintay ako sakto naman ang paglabas ni Ally. Naglakad ako palapit sa kan'ya at hinila siya palapit sa'kin. Hinawakan ko ang pisngi niya at nilapit ang mukha ko. Hindi ko siya hinalikan pero parang ganon kung titignan mo sa ibang anggulo, lalo na at nakita ko si Hades na naglalakad sa harap ko habang nakatalikod si Ally sa kan'ya.
Nang makita niya yung position namin ni Ally bigla siyang natigilan. Kita kong nag iba yung reaction niya, napangisi tuloy ako. Sabi ko na nga ba tama ako. Bigla siyang lumapit at hinila ako. Ilang saglit lang napa bulagta ako dahil sa sapak niya.
Ang sakit tangina.
Pero worth it, dahil panalo ako. Hindi na niya pwede itanggi yung feelings niya para kay Ally.
"Hoy, ano bang nangyayari?!" tumakbong lumapit si Kenny at inawat si Hades. Lumapit naman sa'kin si Ally para alalayan ako. Napapunas ako sa labi ko, dumugo pala 'yon.
"Fuck you, Nate." mariin niyang sabi at nag walk out.
Hindi maalis yung ngisi sa labi ko. Kahit anong tago niya, hindi niya ako maloloko. We weren't best friends for nothing.
"Hoy Nate, ano bang kalokohan yang ginawa mo? Para lang sa-" sinamaan ko nang tingin si Kenny, hindi pwedeng malaman ni Ally, sigurado akong magagalit siya kapag nalaman niya.
Na gets naman agad ni ugok kaya bumuntong hininga na lang siya at lumapit sa'kin para alalayan akong makatayo.
"Siraulo ka talaga, akala ko pa naman matalino ka." assr niya, binatukan ko nga.
"That was the point, dumbass." reklamo ko, kung wala akong utak, matagal pa hihintayin ko para malaman kung may feelings ba si Hades kay Ally o wala. Obvious naman na ang sagot.
Humarap ako kay Ally at nginitian siya. Mukhang nagulat siya at talagang naguguluhan sa nangyari.
"Pasensiya ka na sa gulong 'to, Ally."
"A-Ah.. okay lang pero.. ano bang nangyayari?"
Umiling ako at ngumiti lang sa kan'ya. Ayokong ako mismo ang magsabi. Inaya ko na lang siyang sumabay sa'min ni Kenny dahil alam kong hindi na siya hihintayin pa ni Hades. Syempre galit e, kaya tuluyan na 'yon uuwi mag-isa. Pag galit kasi 'yon si ungas, umiiwas siya para mag cool down. Madali lang naman paamuhin 'yon e, kaya hindi ako nangangamba na tatagal yung inis niya sa'kin.
Pagliko namin sa corridor may napansin kaming lalaki na nakabulagta sa campus ground yard. Lalagpasan lang sana namin 'yon kaso biglang sumigaw si Ally at lumapit sa lalakeng 'yon.
"Wayne!"
![](https://img.wattpad.com/cover/364965189-288-k303890.jpg)
BINABASA MO ANG
What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)
Fiksi RemajaTroublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw may kumalat na palang scandal niyo ng prof mo sa Saint Benilde Campus? But then, you have given the chance to clear your name, ang kaso.. ...