Ally.
Wala naman akong choice kundi ang sumabay dito kila Nate at Kenneth dahil nga iniwan ako nung mokong na 'yon!
Ano ba kasing trip niya?! Bakit kailangan niyang sapakin si Nate? Nagselos ba siya? Pero malabo naman, bakit siya magseselos? Never naman niya akong magugustuhan, ni hindi niya nga ako type jusmiyo! Kahit ako walang naiintindihan!
Sa paglalakad naming tatlo may napansin kaming lalaki na nakabulagta sa grass ground ng campus. Teka..
"Wayne!" sigaw kong patakbo palapit sa kan'ya.
Nang makalapit ako halos manginig ang tuhod ko dahil halos putok ang mukha niya sa bugbog. Sinong demonyo naman ang gagawa nito sa kan'ya?! Pero.. isang demonyo na nagkatawang tao lang ang pwedeng gumawa nito sa kan'ya. Ang hinayupak na Hades na 'yon!
Naramdaman kong lumapit samin sina Nate. Dumantay si Nate para tignan at icheck si Wayne. Buti na lang talaga at nandito siya.
"Grabeng hitsura yan pre!" may pangiwi pang sabi ni Kenneth kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kung hindi ka tutulong, umalis ka na lang." inis kong sabi. Tinaas niya lang yung dalawa niya kamay na parang nagsu-surrender.
Kahit kailan talaga may sira silang dalawa sa utak ni Hades e. Alam na emergency pero aakto na parang wala lang sa kanila o di kaya pagtatawanan pa nila. Nakakabwisit lang.
"Chill, eto na nga." napilitan pa niyang sabi tapos sabay nilang binuhat si Wayne padiretso sa clinic. Sakto lang yung pagpunta namin kasi ilo-lock na sana nung nurse yung pinto.
Pinahiga lang siya at chineck nung nurse yung lagay niya habang ako ay heto't nag-aalala. Kaya pala halos pumuti na buhok ko wala pa rin siya sa meeting place namin. Ito pala at may nangyari na sa kan'ya. Isang prinsipe lang naman ng mga demonyo ang walang kaluluwang gagawa nito.
Agad namang dumating yung parents ni Wayne na alalang-alala sa kan'ya. Nakaramdam ako nang awa at napahawak sa magkabilaang braso dahil sa pag-iyak nung mama niya para sa anak nito. Hindi ko maiwasang mamiss si mama kaya mababaw lang yung luha kong tumulo sa kaliwang mata. Mabilis kong pinunasan 'yon nang mapansin ako ni Nate.
"Let's go, Ally. Andito na yung guardian ni Wayne kaya ihahatid na kita." alok ni Nate with matching cute smile pa.
Nakakainis, diyan ako nahuhulog e huhu. Move on na nga ako di'ba? Ay ewan, ano ba 'tong mga naiisip ko. Para na akong nasisiraan ng bait. Bwisit kasing Hades 'yon, pati ako nadadamay sa pagiging siraulo niya.
Nagpaalam lang kami kina Wayne at sa parents niya, nagkamalay si Wayne pero ayun nga at hindi maganda yung lagay ng itsura niya. Nagsimula na kaming maglakad, may mga natirang istudyante na nakaabang rito sa dalawang kasama ko. Ano pa bang bago? Syempre pinagbubulungan ako na kesyo kasabay ko silang dalawa na popular star rito sa campus. Binilisan ko yung lakad ko para mauna sa kanila papunta sa parking.
"Dati ka bang kabayo, Ally? Grabe ang bilis ng hakbang mo. Partida hindi ka pa tumakbo niyan ah?" asar ni Kenneth pero mas mukha siyang namangha.
Sumasali kasi kami ni Papa noon sa mga marathon tapos nagha-hiking rin kami every camping trip para mag-abang ng mga meteor showers. Kaso bata pa ako noon kaya matagal na 'yon.
Inirapan ko na lang siya habang pinagbubuksan ako ni Nate ng pinto. Nakaupo na ako sa front seat tapos si Kenneth nasa likod. Nang makasakay si Nate ini-start niya na yung sasakyan habang nagma-maniobra.
![](https://img.wattpad.com/cover/364965189-288-k303890.jpg)
BINABASA MO ANG
What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)
Ficção AdolescenteTroublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw may kumalat na palang scandal niyo ng prof mo sa Saint Benilde Campus? But then, you have given the chance to clear your name, ang kaso.. ...