Natatakot ako.
Bumabalik lahat ang mga nangyari noong araw na 'yon.
"Miss, huwag ka na magpakipot r'yan." narinig kong sabi ng lasing sa gilid ko.
Kahit anong madali ko, umaaligid pa rin talaga ang mga kupal sa mundo. Napatigil ako nang may humarang sakin' na isa sa kasama nila. Napahigpit ang hawak ko sa bag, sinong tutulong sa'kin? Nakalagpas na ako sa court kung saan may mga tao.
Ngumiti nang nakakaloko yung nasa harap ko.
"Miss naman, huwag ka magmadali, may oras pa tayo para kilalanin ang isa't-isa. Tama ba mga pare?" natatawang sumang-ayon yung mga kasama niya.
Habang ako hindi alam kung paano tatakas, baka kasi mamaya habulin nila ko at mas lalong saktan.
Sana may tumulong sa'kin, Lord..
Napa abante ako sa gulat nang biglang itaas nung isang manong yung palda ko. Naiiyak man pero nagawa ko siyang sampalin, mukhang nagalit yata siya sa ginawa ko kaya hinila niya ko at pinahiga. Tuluyan na kong napaiyak at napahikbi, kahit anong pagpupumiglas ko, hindi ako makapalag dahil nakahawak na sakin' yung dalawa. Nagtanggal ng belt yung manong na nasa ibabaw ko.
Napapikit ako. Diyos ko, huwag niyo akong pabayaan. Pakiusap. Tulungan niyo ko. Kahit sino!
Naglaho ang tawanan nang tatlong lasinggero. Pagdilat ko, nakabulagta na yung nagtanggal ng belt, pinagsusuntok niya yon', akma namang lumapit 'yong dalawa na nakahawak sakin' kanina pero tinulak sila at dahil lasing, mabilis lang silang natumba. Hindi ako makapaniwala. Bakit niya gagawin yon'? Anong pumasok sa utak niya at iniligtas niya ko? Pero.. pasalamat pa rin ako sakanya'. Utang na loob ko pa rin sa'kanya ang kaligtasan ko ngayon.
Nakita ko pang tinadyakan niya sa mukha yung tatlo, may sinabi siya pero hindi ko marinig kasi medyo malayo ang pagitan namin.
Tinignan niya ko nang walang emosyon, mga isang minuto rin yata yon', tapos ay umalis na siya at iniwan ako. Pinunasan ko ang luha ko at nagtungo na sa apartment. Gusto ko pa sana ireport yung tatlong yon' kaso nawalan ako ng lakas ng loob, at pakiramdam ko hinang-hina ang katawan ko. Sobrang sikip sa dibdib yung nangyari, parang bumabalik lahat.
Nang makarating ako sa apartment, naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit. Hindi pa rin matigil yung iyak ko at pag iisip, hindi ko maalis sa isip ko yung ginawa niya at hitsura niya.
Hanggang sa mapagod ang mata ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
***
7:20 AM
Nagising ako at ayon', hindi naman nakapagtataka na mugto ang mata ko pag gising. Parang ang hirap tuloy dumilat. Naghilamos lang ako at nag ready na. Sa room nalang ako kakain ng breakfast since sandhich lang din naman. After ko mag prepare, lumabas na 'ko at nagtungo sa school.
Nang makarating na 'ko sa campus, nakasabay ko si Nate. Buti at hindi niya kasama yung mga mokong.
Ngumiti siya saken.
"Hi, Ally. Anong nangyari? Umiyak ka ba?" may pag-aalala pero kalmadong tanong niya.
"W-wala naman.. okay lang ako." nginitian ko siya pero feeling ko kamukha ko na si Pucca, yung korean cartoon.
BINABASA MO ANG
What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)
Teen FictionTroublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw may kumalat na palang scandal niyo ng prof mo sa Saint Benilde Campus? But then, you have given the chance to clear your name, ang kaso.. ...