Prologue

97 6 0
                                    

Prologue







I'M tired of being me, I'm tired to talk and to fight... Lahat naman ng tao napapagod, lahat ng tao nasasaktan at lahat ng tao sumusuko. Pero bakit ito pa? Bakit hindi ko kayang tanggapin na wala na siya...

I love him but he choose to sacrifice his life just for me. He died because he sacrificed himself for me. Na sana ay hindi na niya ginawa.

Paano ako mabubuhay kung wala na siya? Paano ako lalaban kung wala na 'yong taong nag papalakas sa akin?

He was my life, at ako pa mismo ang dahilan kung bakit siya nawala.


Paano ako lalaban kung wala kana, William? Paano...

Tulala ako sa harap ng puntod niya habang yakap-yakap ang picture frame niya.

Umihip ang malakas na hangin at kasabay din nun ang pag patak ng ulan sa balat ko. At ang kapatid ko na pilit akong hinahatak patayo para maka-alis.

"Ate... Halikana umuulan na." narinig ko pang sabi ng nakakabata kong kapatid at humawak pa sa aking kamay at bahagya akong hinihila patayo.

Pumikit ako at mariing umiling. "Mauna kana lang, susunod na lang ako. " utos ko. Ramdam ko pa ang pag-aalinlangan sa kilos niya pero wala na rin siyang nagawa pa lalo na noong lumalakas na ang ambon.

Parang wala akong nararamdaman. Na kung tawagin ay manhid. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko. Lalo na sa nangyari sa aming dalawa.

Kasabay ng pagpatak ng basang ulan sa balat ko ay ang mainit na tubig naman na kumawala sa mga mata ko.

"Y-you chose to left me in this world, r-right? B-but why? Alam kong may rason k-ka, p-pero b-bakit? B-bakit kailangan mo p-pa akong i-iwan? Why are you doing this to me? Ang s-sakit..." basag ang boses na sabi ko at bakas din sa boses ko ang pag asang babalik pa siya kahit alam ko naman sa sarili ko na matagal na siyang wala at iniwan ako.

Nagmamakaawa... Nagmamakaawa na sana bumalik na siya...

Nagmamakaawa na sana ay kami na lang hanggang sa huli.

Halos wala na akong makita dahil sa lakas ng ulan. Parang hindi na nga ata ulan itong nararanasan ko. Parang bagyo na, halos matumba na nga ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng hangin. Pero ito ako nakatayo at pilit na nilalabanan ang malakas na hangin. Iniisip ko na siya yun... Na niyayakap niya ako. Nababaliw na ako, sa sobrang kabaliwan ko sa kanya parang gusto ko na lang sumama sa kanya.

"L-love, g-give m-me a sign to f-fight for my l-life again... A-at kapag b-binigyan m-mo ako ng p-pagkakataon ay l-lalaban a-ako! B-babangon ako, para sayo... " sabi ko at lumuhod sa tapat ng puntod niya at humagulgol.

Nanatili lang ako sa harap ng puntod niya hanggang sa tumila na ang ulan.

PARANG zombie akong naglalakad sa gilid ng bukid at maputik na daan dahil sa pag-ulang nangyari kanina. Ngunit kahit wala na ang ulan ay makulimlim pa rin ang kalangitan.

Hindi ko nga alam kung saang lugar naba ako ng Zumarraga napapadpad.

Basta ang alam ko lang ay nakabangga ako. Muntik pa akong mahulog sa putikan mabuti na lang at nahawakan niya ako ka agad sa kamay.

Sana hindi na lang niya ako hinawakan... Sana hinayaan na lang niya akong mahulog. Tutal manhid naman na ako at wala ng pakiramdam. Pero kakaiba ito, may kiliti akong naramdaman noong mga oras na nahawakan niya ang kamay ko.

Nag-angat ako bigla ng tingin sa kaniya para makita ang mukha niya pero naipikit ko rin ang mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. At dahil sa sinag ng araw na iyon ay hindi ko makita ang mukha niya.

Senior High Series #1: Paint My Memories With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon