Chapter 2
Closure
TUMIKHIM ako at bahagyang lumayo sa kanya.
Sobra kasi ang lapit ng mukha niya sa akin kaya medyo na ilang ako.
Mukha namang nahalata niya iyon kaya napabuntong hininga siya at bahagyang lumayo. Pero hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Nag kunwari na lang ako na hindi ko alam na hawak niya ang kamay ko. Kasi halatang hindi niya na pansin na hawak niya ang kamay ko sa labis na pag-aalala.
Bumalik ang tingin ko sa kanya ng maalala ang mga sinabi niya.
"Kilala mo ba ako? " tanong ko kita ko pa na natigilan siya kaya umasa ako na kilala niya talaga ako.
Saglit siyang natahimik. "Hindi," Sagot niya sa huli kaya bumagsak ang magkabila kong balikat.
Akala ko pa naman kilala niya ako the way pa lang kasi ng pagsasalita niya ay halata namang kilala niya ako. Tapos nag-alala daw siya sa akin.
"Pero bakit mo sinabi na lagi kitang pinag-aalala kung hindi mo naman pala ako kilala? " sabi ko at pilit na hinuhuli ang mga mata niyang naging mailap bigla.
Ang kapal talaga ng mukha kong hulihin ang mga mata niya na nagpapahina sa sistema ko.
Aaminin ko may amnesia ako kaya ganito na lang ako kung umarte. Malay mo naman ay close ko pala siya. O kakilala noong mga oras na hindi pa ako nagkaganito.
Takot ako sa tubig. Hindi ko alam kung kailan nag simula. Pero noong magising ako na parang nalulunod na ako ay doon ako nag simulang matakot sa tubig na hindi ko naman nararamdaman dati.
Ang sabi lang sa akin ay na lunod ako sa tubig at muntik na akong mamatay. Na comatose ako ng ilang years, at sa pagkalunod ko ay sinagip naman ako ni William kaya siya namatay. Siya ang pumalit sa akin. Pagkagising ko na lang sa hospital ay nalaman kong wala na ang boyfriend ko. Patay na siya, at sinisi ko ang sarili ko noon. Dahil kundi dahil sa kapabayaan ko ay hindi sana siya mawawala.
Pero noong makita ko ang larawan ni William noon pakiramdam ko may kakaiba sa akin. Pakiramdam ko hindi siya ang boyfriend ko.
Umiling si Wild. "Kalimutan mo na lang iyong mga sinabi ko. Tumayo kana riyan at umuwi kana baka magkasakit ka—"
"Eh bakit ka nag-aalala? " putol ko sa sasabihin niya.
Tumitig siya sa mga mata ko. Na halos ikahina ko.
Napalunok ako ng laway dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.
"Ano ba ang gusto mong i-punto?" seryosong tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.
Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko at hindi ko alam kung bakit dahil ata yun sa pagtitig niya sa akin.
Lumunok ako ng laway para mabasa ang tuyot kong lalamunan ulit.
"Gusto ko lang namang humingi ng tawad sa ginawa ko kahapon. And I want a closure between u—" pero pinutol na niya ang sasabihin ko.
Buglang sumama ang mukha niya. Parang bigla siyang nagalit sa sinabi ko.
"At bakit ko naman gagawin yun? Dahil kamukha ko si Kuya? Dahil kamukha ko ang mahal mong ex?" may diing sabi niya nadama ko ang pait sa boses niya kaya napakunot ang noo ko. "At gagawin mo akong rebound?" Huling tanong niya at gumalaw pa ang panga niya at makikitang galit siya.
BINABASA MO ANG
Senior High Series #1: Paint My Memories With You
Teen FictionPaano ka makakaalala kung iba sa iyong memorya ay di mo nais pang maalala pa habang buhay? Mga masakit na alaala na hindi mo na naiisin pang maalala. Sa sobrang sakit ay hindi ka makatulog at makapag isip ng maayos. Pero ito si Crizha Avamorie Grieg...