Chapter 3
Wild Mijares
"ATE, NAG-AAWAY BA SILA MAMA AT PAPA?" Inosenteng tanong sa akin ni Averly. Nasa kwarto ko siya ngayon dito ko siya hinila nang marinig namin ang pagtatalo nila Mama at Papa dahil sa perang igagastos para sa akin dahil Senior High na ako, iniisip nila ang babayaran sa school.
Actually, hindi naman nila kailangan pang pag talunan iyon dahil mag a-apply ako ng scholarship.
Ang pinagtatalunan nila ay ang gusto rin ni Mama na mag trabaho na lang daw ako para may pambayad sa gastusin ko na ayaw naman ni Papa.
Mayaman sa side ni Papa at p'wede naman siyang tumulong doon iyon ang dahilan niya pero iyon ang ikinagagalit naman ni Mama.
"Hindi kana bata para umasa sa magulang mo!"
Iyon ang palaging sagot ni Mama kay Papa. Doon sila palaging hindi nagkakaintindihan.
At ayaw ko na palagi nilang gagawin iyon dahil kalalakihan iyon ni Averly. Ang kapatid ko. Junior High palang siya habang ako naman ay Senior High na this up coming May.
"Ate, maghihiwalay ba sina Mama?" At iyon ang ikinakatakot ko.
Natatakot ako na sa tuwing mag-aaway sila ay baka hindi nila maayos ang gulo at mauwi sa hiwalayan. Pero kilala ko si Papa, gagawa siya ng paraan para magka-ayos sila ni Mama.
Si Mama kasi iyong klase ng tao na hindi umaasa sa magulang. Kundi sa sarili, at si Papa naman ay hindi naman talaga siya actually umaasa sa magulang pero iniisip niya ang magiging kahihinatnan namin. At na iintindihin ko iyon.
"Ate, kung sakali mang mag hiwalay sila. Kanino ka sasama?"
Siguro kung papapiliin ako at isa lang sa kanila ang dapat kong piliin siguro wala akong mapipili. Dahil gusto ko silang parehong kasama. Dahil pareho ko silang mahal at magulang.
"WELCOME TO SOUTHERN VILLE HIGH!!!" Hyper na sigaw sa amin ng guide namin ngayon I mean nila pala.
Masyadong siksikan dito sa loob ng school service bus kaya nagpahuli na lang ako at saka ayaw kong makipagsiksikan.
Pinauna ko na silang makababa, masyado rin silang excited hindi nila alam nakakatama na sila at nakakasiko na ng tao. Mali rin kasi ako ng nasakyang bus. Para kasi ito sa mga naka register na eh ako kasi ay hindi pa nakakapag pa register. Pero hindi naman halatang hindi pa ako nakakapag pa register dahil naka civilian naman ang suot ng lahat. Iyong iba naka crop top at iyong iba naman naka jacket pa kay init-init na nga. Pero hindi ko sila masisisi, balita ko kasi ay aircon daw ang bawat room dito sa SVH kasi school ng mga mayayaman.
Wala talaga akong balak na rito mag-aral pero masyadong mapilit si Papa.
Inayos ko ang pantalon ko at t-shirt ko maging ang buhok ko at tali ko. Maraming na gulo sa akin dahil sa ka wild-an ng mga tao rito. Dinaig pa ang mga hayop na nakawala sa mga kural nila.
Hindi ko rin naman masisisi ang excitement nila dahil talaga namang maganda itong campus, malawak at sagana naman sa halaman.
Dalawa ang building.
May building A na para sa stem, humss, at abm. 'Yong ABM nasa first floor, second floor naman iyong HUMSS and third floor naman iyong STEM. At sa taas noon ay rooftop na. Sa kabila naman ay building B, para naman sa TVL, ARTS and CRAFTS and GAS. At kagaya sa building A ay may rooftop din kami.
BINABASA MO ANG
Senior High Series #1: Paint My Memories With You
Genç KurguPaano ka makakaalala kung iba sa iyong memorya ay di mo nais pang maalala pa habang buhay? Mga masakit na alaala na hindi mo na naiisin pang maalala. Sa sobrang sakit ay hindi ka makatulog at makapag isip ng maayos. Pero ito si Crizha Avamorie Grieg...