Chapter 4

18 1 0
                                    

Chapter 4

Walang patutunguhan




NATAPOS ANG ARAW KO NA SOBRANG PAGOD.

Pagka-uwi ko sa bahay ay tahimik ang buong bahay. P'wera lang sa TV dahil pinapanood na naman ni Averly ang favorite niyang palabas na wonder pets.

"Wonder pets, wonder pets, nandito na kami... " kanta pa niya at sumasayaw na.

Grade seven na siya pero isip niya parang na stuck sa four years old na walang ibang ginawa kundi ang manood ng mga cartoons.

Napailing na lang ako at nagpunta sa kusina at doon ko nakita si Mama na nagluluto ng adobo.



Nilingon niya ako nang maramdaman niya ang presensiya ko.

Nginitian niya ako ka agad. "Oh, you're here na pala. Nagugutom kana ba? Kumusta araw mo? Nakapag register kana ba?" Tango ang sinagot ko sa kaniyang huling tanong.


Nagpunta ako sa refrigerator para kumuha ng pitchel na malamig.


"Okay lang naman pero nakakapagod."

Ngingitian ako ni Mama na palagi niya namang ginagawa, pero pakiramdam ko sa tuwing ngumi-ngiti siya may kasalanan siya.

"Ah, anak. Mag-aral ka ng mabuti, ha? Para naman maging proud kami sa'yo ng Papa mo."



Tumango na lang ako sa kaniya na walang kangiti-ngiti. Kumpara kay Papa ay hindi niya ako prine-pressure sa pag-aaral, at kabaliktaran naman ni Papa si Mama. Si Mama kasi iyong klase ng tao na ang gusto niya ang palaging masusunod at mabilis na tutugunan ng iba, mahilig din siyang mang pressure ng tao na akala mo'y mauubusan na ng mga pangarap.

Magagalit siya kapag hindi mo sinunod tapos hindi naman sa ano ako sa Mama ko ha, pero makapal ang mukha niya.


BINUKSAN ko ang laptop ko habang nakadapa ako sa kama ko.

May nag email kasi sa akin. At saka naalala ko na sinabihan pala ako ni Ma'am Joyce na mag i-email sila sa akin once na maayos na ang papeles ko.

HUMSS-1 room 202.

Ay mukhang dulo 'to ah.

Papatayin ko na sana ang laptop ko nang may mag pop-up sa screen ko.

Wild Mijores sent you a friend request.

Biglang umangat ang kilay ko. Familiar siya sa akin.

Siya ba 'yong rockstar ang buhok?

Out of curiosity ay clinick ko ang fb account niya. Curious lang ako kung ilang babae na ba ang pinagpapantasyahan ang buhok niyang daig pa ang araw sa sobrang pagkatirik.


Biro lang. Hindi talaga as in tirik na tirik ang buhok niya. Naka gel iyon kaya ko siya tinawag na rockstar kasi may guhit ang gupit niya sa gilid at may hikaw pa.


Maraming followers and likers. Kada minuto ata ng post nito one thousand na agad ang likes.

Siguro kung vlogger lang ito kumita na ito.

Pero...

Ganoon ba talaga siya ka-pogi?


Napalabi ako at tinitigan ang profile picture niya na may skateboard na buhat sa isang kamay at preskong nakasandal sa railings habang may lollipop sa bibig.

Bumaba ang tingin ko sa comment section at sa reacts niyang dinaig pa ang mga artista sa dami.

Mukha talaga siyang playboy. Playboy na rockstar na parang tinirikan ang buhok.

Senior High Series #1: Paint My Memories With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon