Chapter 5
Classmate
TAHIMIK lang akong naglalakad sa corridor ng building ng floor ko nang may biglang sumilip sa isa sa mga room doon.
Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat tapos si Wild lang pala.
"Hi, Classmate!" Masiglang sigaw niya kaya sinong hindi magugulat doon?
At saka hinila kaya siya ng kasama niya kanina kaya bakit naman siya nandito?
Dinedma ko lang siya at naramdaman ko naman ang pag sunod niya sa akin.
"Saan ka pupunta classmate?!" Pa tanong na sigaw niya dahil sa bilis kong mag lakad at tiyak ako na malayo na siya sa akin kaya kailangan pa niyang sumigaw para lang tanungin ako.
Sumimangot ako. "Room," maiksing sagot ko.
Nag-aaral pa pala siya? Akala ko puro lang barkada ang alam niya.
"Hindi riyan ang room natin!" Automatic na huminto ang mga paa ko sa sinabi niya at mabilis siyang nilingon.
Nakasandal siya sa isa sa mga pinto na nakasarado habang nakatingin sa akin ang mga mata niya.
Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. "Saan?" Mahinahong tanong ko na ikinalaki ng ngisi niya kaya nalukot bahagya ang mukha ko.
"Dito." Sabay turo niya ng thumbs finger niya sa likod niya.
Napatingin naman ako sa likod niya at nagulat pa ako nang makitang sinisilip pala kami ng mga kaklase namin na parang hinuhusgahan ang mga nangyayari sa amin.
Humakbang ako at pasimple naman akong sumulyap kay Wild na nakakagat sa ibabang labi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Mabilis akong nag iwas ng tingin at pumasok na ka agad sa loob ng room kasabay namin na pumasok iyong teacher namin.
Halos kasunod ko lang din na pumasok si Wild kaya medyo nailang ako kasi nasa likod ko siya at ramdam ko ang pag-titig niya.
Hahanap pa lang sana ako ng upuan nang may maghila ng upuan bigla na papunta sa akin.
Nilingon ko naman si Wild na naghila niyon. Nakapamulsa siya sa leather jacket niya at preskong sumandal sa upuan habang nasa mga batok niya ang mga kamay niya.
Umiwas ako ng tingin at umupo na lang sa upuan na hinila niya na malapit sa aming dalawa. Edi magkatabi kami.
Wala lang naman sa akin iyon dahil ang mahalaga ay ang makaupo ako. Nakakahiya naman kung nakatayo lang ako at pinagtitinginan ng lahat.
Nagpakilala kami isa-isa na pinaka ayaw kong parte ng pag-aaral.
Napaayos ako bigla ng tayo nang tumayo ang katabi ko para magpakilala.
Sunod na ako!
Nagsimula namang kiligin ang mga babae sa loob ng room nang tumikhim siya.
Wala namang nakakakilig doon.
"Hi, everyone. I'm Wild Mijares at your service." Naramdaman ko pang tumingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya at bahagyang pinanliitan ko siya ng mata.
BINABASA MO ANG
Senior High Series #1: Paint My Memories With You
Teen FictionPaano ka makakaalala kung iba sa iyong memorya ay di mo nais pang maalala pa habang buhay? Mga masakit na alaala na hindi mo na naiisin pang maalala. Sa sobrang sakit ay hindi ka makatulog at makapag isip ng maayos. Pero ito si Crizha Avamorie Grieg...