Chapter 6
Nonchalant
HANGGANG ngayon napipikon pa ron ako sa ginawa ni Wild. Sino ba naman kasing hindi mapipikon eh halos alam na nga ng lahat iyong ginawa niya?
Paano na lang kung makarating ito kayna Mama? Baka isipin lang no'n naglalandi ako imbes na nag-aaral.
At ang mas nakaka-inis pa ha 'yong panay siya chat sa akin kaya panay tunog ang messenger ng phone ko. Kapag naman tinurn off ko iyong notification ringtone, bubungad naman sa lock screen ang mga chats.
Nakaka-distract sa nag-aaral. Para kasing dinedemonyo ako ng mga chats niya.
Good morning, sana good ang morning mo kasi ako ang bumati sa'yo! ;)
Sarap tawanan.
Don't forget to eat your breakfast, kalimutan mo na lahat h'wag lang kami ng pagkain mo na nagpapalakas sa'yo.
Siguro kung sa personal niya sinabi ito napalo ko na siya ng folder sa mukha.
Ay snobber si crush.
Sa inis ko ay pinower off ko na ang phone ko at ni-lock ko iyon sa loob ng isa sa mga cabinet ko at bumalik sa pag re-review ng mga lessons para may maisagot bukas sa quiz.
Aga nga magpa quiz eh. Di pa nga ata nag-iinit ang ulo ko sa room na 'yon may quiz na agad.
PERO mas nakakapang init pala talaga ng ulo kapag nakita mo iyong nagpapainit ng ulo mo.
"Oy pansinin mo naman chat ko kahit seen lang oh!" Hinabol pa niya ako sa upuan ko. Mabuti na lang at wala kaming mga kaklase dahil baka kinabukasan ay lalo akong sumikat with banner pa.
Hindi ko siya pinansin at kinuha ko lang ang stretch book para mag dro-drawing muna ako habang wala pang teacher.
Sa gilid naman ng mata ko ay nakita ko ang pag-upo niya sa upuang nasa harapan ko at nagpangalumbaba sa akin.
"Dro-drawing mo'ko?" Panunukso niya sa akin at kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakangisi siya sa akin pero mukha naman siyang kinikilig na bulateng inasinan.
Paano ko na laman? Kasi tiningnan ko siya at grabe siyang kiligin dinaig pa kaming mga babae. Malapit ko na talagang isipin na bakla siya kahit gusto niya ako dahil sa pag hawi niya rin sa imaginary hair niya.
Nagsalubong ang kilay ko habang nandidiring nakatingin sa kaniya. "What are you doing?" Matigas na tanong ko kaya napatakip siya sa bibig niya na parang mahinhing babae.
"Keshe kenekeleg eke!" Mas lalong nag salubong ang kilay ko dahil sa pananalita niyang tumabingi.
"Bakla kaba?"
"Hoy! Hindi!" Biglang tumigas ang boses niya at pinakita pa niya sa akin iyong muscle niya at tinapik. "May muscle ako oh, kita mo'to" tinuro niya ang bandang t'yan niya at ngumisi sa'kin. "May abs diyan, gusto mo makita?"
Napalo ko siya ng stretch book sa mukha kaya namula bahagya ang mukha niya habang ako naman ay salubong na salubong ang kilay.
"Bastos!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Grabe naman 'yan. Di kita kayang bastusin kasi gano'n kita ka-mahal! Parang tinatanong ka lang naman kung gusto mong makita tapos sinabihan mo na akong bastos agad." Ngumuso siya na parang bata.
BINABASA MO ANG
Senior High Series #1: Paint My Memories With You
Novela JuvenilPaano ka makakaalala kung iba sa iyong memorya ay di mo nais pang maalala pa habang buhay? Mga masakit na alaala na hindi mo na naiisin pang maalala. Sa sobrang sakit ay hindi ka makatulog at makapag isip ng maayos. Pero ito si Crizha Avamorie Grieg...