Chapter 1

49 3 0
                                    

Chapter 1

Deja vu







MARAMING katanungan ang namumuo ngayon sa utak ko. Pero ni isa sa kanila ay walang nakasagot.

"Ah, siya si Wild. Kakambal siya ni Kuya William, bakit? Nagkita na pala kayo? " tanong ni Eloria sakin kaya nabalik ako sa katinuan.

"Ah, o-oo. Kahapon lang. " sabi ko.

Nanatili ang tingin niya sa akin at parang nanant'ya. May ibang sinasabi ang mata niya, hindi ko lang masabi. Ang hirap sabihin eh.

"Hindi mo talaga siya maalala? "

Napatingin ako kay Eloria nang bumulong siya sa hangin.

"May sinasabi kaba? " tanong ko kaya gulat niyang sinapo ang bibig.

"A-ay! Wala, oo tama, wala. Sige, pasok na ako. Ikaw din." sabi niya at hilaw na tumawa.

Hindi na ako nakapagsalita pa noong pumasok na siya sa loob. Nagkibit balikat na lang ako at binalik ang tingin sa kabouhan ng lupain ng mga Griego.

Tinanong ko lang kay Eloria kung kilala ba niya yung Wild kaya nandito kami. Hindi naman ako nabigo kasi sinagot niya ang tanong ko, dapat mag sorry ako doon sa Wild kasi napagkamalan ko pa siyang si William. At nakakahiya kasi nag rants pa ako sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa kanya, lalo na yung mukha niya. May times pa na kapag iniisip ko siya ay kumikirot ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit siguro dahil sa pag iyak ko lang iyon kahapon at sa pagpapaulan ko na rin siguro.

Tapos pagkatapos sumakit ng ulo ko mag pipinta na ako ng kung ano. Na kahiligan ko na rin iyon, kasi pakiramdam ko nawawala lahat ng bigat na nararamdaman ko kapag nasa harap ako ng ipinipinta ko. Lalo na kapag nagsisimula na akong gumuhit at magsilandas ang brush ko sa bawat sulok.

Hindi ko alam kung ano ang ipinipinta ko. Bigla na lang silang lumalabas sa imahe ko. Kagaya ng lalaki sa soccer field ng eskwelahan namin na nag lalaro ng bad minton. Pakiramdam ko habang nakikipaglaro siya ay idrino-drawing ko siya. Nakangiti pa ang lalaking iyon. At ang lalaking iyon ay si William, pero may bahagi sa puso ko ang nag sasabi na hindi siya si William. P'wede bang si Wild iyon? Pero bakit?




At bakit parang iba 'yong feeling ko kapag binabanggit ko ang pangalan niya? Parang deja vu...

"Tita, aalis po kayo? " tanong ko kayna Tita Veronica nang makitang nakabihis sila.


Napatingin naman sa akin si Tita at ngumiti. "Ay oo, bakit gusto mong sumama? " nakangiting tanong niya.



Mahina naman siyang siniko ni Tito Russel kaya napatingin si Tita Veronica kay Tito. Si Tita ay kapatid ni Mama at ang sumiko sa kaniya ay ang asawa niya.



Pinandilatan naman siya ni Tito na parang may sinasabi gamit ang mata. Mukhang naintindihan naman iyon ni Tita kaya nag aalangan pa siyang tumingin sa akin.


"Ano... Ava-"


"I-sama niyo na lang ang Apo ko dahil wala rin naman siyang magawa dito sa bahay, baka maboring lang siya. " sabat ni Lola sa likod ko kaya tumagos ang tingin ni Tita sakanya.



Tumango si Tita na walang nagawa at ibinalik ang tingin sa akin. Nihead to foot pa niya ako at nag tumbs up.


"Halikana, wag ka nang mag ayos maganda ka naman na. " sabi niya at nginitian ako.



Senior High Series #1: Paint My Memories With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon