KABANATA 5

7 1 0
                                    

Tara

Natapos ang meeting makalipas ang isang oras. Napagkasunduang mag-uumpisa ang aktibidad na ito next week. So, we have four more days to prepare what are we needed.

Bro. Allan, a seminarian from the Parish of Most Sacred Heart of Jesus, Bro. Elmo, seminarian from Saint Catherine Parish, and Bro. Enad and Bro. Joeseff, both seminarian of Mary Help of Christian Parish will lead the said activities. Service facilator kaming mga Youth.

Ang summer catechism ay ang aktibidad kung saan magtuturo ng mga aral about sa buhay ni Jesus, ang mga sacraments, at iba pa. Ang goal ng activity na ito ay upang mabigyan ng ideya o kaalaman ang mga bata at kabataan tungkol sa mga salita at aral ng Diyos.

Gayundin upang makapagenggayo ng mga kabataan na gustong sumama sa ministry at madiskubre ang kanilang bokasyon.

Father Tino gave us four days to prepare all the materials needed. No need to worry about the fund because the parish will cover it.

Pagkatapos iexplain ang mga plano at masigurong clarify na ang lahat ay tinapos na din ni Father ang meeting at may blessing pa ito. Kasama si Ate Loida at ang dalawang sakristan. Naiwan kaming mga youth at mga brothers to finalize the plan.

"Good morning," umpisa ni Bro. Allan. "So, first of all I would like to introduce myself. I am Allan Manamtam. Fourth year theo'. Siya naman si Bro. Elmo Dacasin, third year theo' naman."

Yumuko si Bro. Elmo at bahagyang ngumiti sa amin. Sinuklian din namin ito ng ngiti.

"Ako naman si Enad-"

Hindi pa natatapos ang sasabihin niya ay pinutol na siya ni ate Yasmin.

"Kilala ka na namin." Bumaling ito kay Joeseff. "Ikaw din."

Tumawa kaming lahat. Si Bro. Enad naman ay pinandilatan si Ate Yasmin.

"Gusto ko magpakilala. Pakialam mo?"

"Wala akong pakialam!"

"Wala ka ding pakialam. Ako si Reynald Antolin. Enad for short." Mabilisang sabi niya.

Tinapik nito si Joeseff sa tabi. "'Kaw naman!"

Natatawang umiling ito at nagsalita. "Just Joeseff."

"Hi, Just Joeseff," chorus nilang sabi.

Sabay-sabay ulit kaming tumawa. May ngiti pa sa aking labi ng magtama ang mata namin ni Joeseff na gaya ko ay ngiti din sa labi. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Pasensya na kayo Bro. Allan at Bro. Elmo. Ganito talaga dito. Asaran!" ani kuya Kelly.

"Ay, Wala 'yun! Sanay na kami sa seminaryo. Kung asaran pala ang labanan ay umuwi na kayo at batak kami diyan!" ani Bro. Elmo.

"Okay lang naman magbiruan. Basta ba sa oras ng seryoso at trabaho ay kailangan focus tayo doon," ani Bro. Allan.

Ay! Napakaserysoso naman ng brother na'to.

"Sige para formally tayong magkakilala. We'll introduce ourselves. So, Im-,"

"Kilala ka na namin!" putol ni Bro. Enad kay Ate Yasmin.

Hi, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon