KABANATA 12

2 1 0
                                    

Second day of Triduum.

Pinakuha sa'kin ni Kuya Kelly ang camera sa YM office. Nagpalit kami ng trabaho ni Kuya Kelly. Imbes na siya ang documentation ay ako na lang. Siya naman ay sa paglelead ng mga tao na makikilahok sa prosesyon.  

Nahirapan kaagad ako dahil sa dami ng tao na nakapuwesto at nagsisiksikan na. Una kong pinicturan ang seryales. Sumunod ang mga saints na nakahelira na at naghihintay na lang na mag-umpisa. Matapos kong picturan lahat ay umakyat na akong bell tower para makakuha ng birds eye view.

Nakailang shots ako bago nagsimula ang prosesyon. Dali-dali na 'kong bumaba. Nakasalubong ko si Enad at Joeseff na nagmamamdali na rin palabas. Marahil ay may inasikaso pa kaya naiwan ang mga ito.

"Uy, photographer! Picturan mo kami mamaya, ah!" si Enad. Nakangiti naman sj Joeseff.

"Sure!"

Paglabas ng simbahan ay naghiwalay na din kami ng daan. Sila sa unahan ako naman sa hulihan. Click lang ako ng click. Bahala na si Kuya Kelly mamili ng mga iuupload niya mamaya. Sa isang oras na prosesyon ay takbo-lakad ang ginawa ko. Pagod na pagod tuloy ako pagkabalik ng simbahan.

Pagdating sa simbahan ay nakahanda na ang paglalagyan ng mga saints lalo na ang Holy Sepulcher. Habang inaayos ang mga imahen ay abala naman kami sa pag-aayos ng mga tao sa kanilang linya na abot na hanggang sa may kanto.

Paupo na ako para magpahinga saglit ay tinawag ako ni Bro. Nardz. Inutasan ako nitong kumuha ng basket sa Rectory para sa donation. Nakasalubong ko ulit si Joeseff. Papunta ito sa sigurong office. Nagtanguan lang kami.

Pagkabigay ko ng basket ay inutusan na naman akong kunin ang USB sa office ni Ate Loida para sa musics na ipapatugtog. Pagkakuha'y inabot ko ito kay Myca, ang nakaassign sa powerpoint. Sinimulan na din ang veneration.

Si Mama at Papa ay nagpaalam sa aking uuwi muna. Babalik na lang sila bago mag-alas dose kung kailan ililibing ang Holy Sepulcher.

Kahit masakit na ang paa ay kumuha ulit ako ng mga pictures. Umakyat akong choir loft para kumuha ng magandang shots. Nang makuntento na ay bumaba na ako. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan ang mga ibang kabataan na kumakain ng inihandang lugaw. Kumuha ako ng isa. Nagsign of the cross muna ako bago tuluyang kumain.

Mayamaya pa ay pumasok sina Enad at Joeseff. Pareho pang nakasuot ng sutana.

Ano pa nga ba ang nangyari kundi bangayan ulit ni Enad at Ate Yas. Nagwalk out na tuloy ito kasama ang ibang kabataan na tapos ng kumain upang palitan ang mga kabataang nasa simbahan na hindi pa kumakain.

Naiwan kaming tatlo. Enad is Enad. Dahil walang mapagtripan ako tuloy ang nakita. Nakiasar din si Joeseff. Iniirapan ko na lang sila at hindi na lang sila pinapatulan. Lagi kasi akong binabara ng dalawa sa tuwing gaganti ako. Kaya mas mabuti ng hindi nagsalita. Diyan sila masaya, eh?

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na akong mauuna na. Muli akong kumuha ng shots. Tumigil lang ako ng makitang one bar na lang ang natitira. Mamaya na lang ulit.

Kaming mga kabataan na wala ng ginagawa ay nakipila na din. Twenty minutes kaming pumila bago nakarating sa loob mg simbahan. Another ten minutes bago nakaamoy at punas sa Holy Sepulcher.

Dahil may isang oras pa bago mag-end ang veneration of the Holy Sepulcher ay naisipan kong pumunta munang Rosary Chapel upang magrosaryo. Inaya ko si Angelito pero magpapahinga muna daw ito sa office. Mag-isa na lang akong pumunta.

Pagdating ko doon ay tanging altar lang ang may ilaw. Kaygandang tignan ang pinaghalong yellow at blue na ilaw nito. Pinili ko nalang na 'wag buksan ang ibang ilaw dahil mas solemn tignan at sa pakiramdam. Electric fan na lang ang binuksan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon