KABANATA 7

7 1 1
                                    

Adam and Eve

Ilang sandali pa bago sila nakalimot sa panunukso. Mabuti na lang talaga at nagsikap si Bro. Allan na walain ang usapang iyon.

Hindi ko pinansin ang kanilang panunukso at nagfocus ako sa pagconnect ng phone ko sa speaker dahil nasa akin ang music na sasayawin. Habang abala pa ako ay nagbiro-biro muna si bro. Enad sa mga bata.

"Okay na," anunsyo ko ng maconnect ang phone ko.

"Mga bata gusto niyo bang sumayaw!?"

"Opo!"

"Gusto po!"

"Yehey! Sige tumayo tayong lahat at sasayaw tayo. May I call in the stage our brothers and youth para maglead ng sayaw. Galingan niyong sumayaw, ah?! Ang pinakamagaling na sumayaw ay bibigyan ng prize!"

Ganado naman ang mga batang tumayo at nagtatalon. Pinatugtog ko ang 'Mercy is falling'.

Nagsimula ang sayaw. May mga bata na nakakasunod sa step at may mga bata naman na hindi pero nagsusumikap pa din na sumayaw. Hinila ako ni Angelito sa harap. Ang walangya ay itinabi pa talaga ako kay Joeseff. Wala na akong nagawa dahil tuwang-tuwa ang mga bata. Wala din namang kababakasan na inis sa mukha ni Joeseff at parang wala lang sa kaniya ang panunukso kaya umakto na din akong walang pakialam. Isantabi muna ang nararamdaman at unahin ang misyon.

Si Kuya Kelly ay panay ang kuha ng pictures sa camerang hawak nito. Siya kasi ang nakatoka sa documentation ng activity na ito.

Pagkatapos ng kanta ay sunod namang sinayaw ang 'Celebrate our love". Pawisan at pagod na kami pagkatapos ng kanta pero dama sa mga bata na nag-enjoy sila. Sa unang activity ay nagtalk si Bro. Allan about "Who is God?" at ang "The Creation". Maganda ang pagkakadeliver ng talk dahil napakasimple ang pagpapaliwanag ni Bro. Allan. Napakadaling intindihin para sa mga bata.

Sumunod naman ay si Bro. Elmo. Ang topic naman ay sina Adam at Eve sa harden ng Eden.Tinawag niya kami nila Ate Yas at Bro. Enad.

Inanarrate ni Bro. Elmo at kami naman ang mga actors niya. Si Adam ay gagampanan ni bro. Enad, si Ate Yas ay si Eve at ako ang gaganap na ahas na nanukso kay Eva na kumuha at kumagat ng forbidden fruit.

"Ay, kulang pa pala tayo. May I call Kuya Joeseff para gumanap na God."

Iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa harapan. Nagsimula ang eksena.

"After likhain ng Diyos ang mundo nagdecide siya na lumikha ng tao na kawangis niya upang mag-alaga sa mga ito. And so, He created Adam."

Pumasok sa eksena si Joeseff at Bro. Enad at nagsimulang umakto.

"Siya ang namahala sa garden ng Eden. Ngayon napagtanto ng Panginoon na kailangan ng tao ang makakasama sa pag-aalaga ng Kaniyang mga nilikha. Gumawa ulit ang Diyos ng mga hayop na makakasama nito. Ngunit napagtanto ulit ng Panginoon na hindi ito ang perfect na kasama ng tao sa pag-aalaga. Pinatulog ng Panginoon si Adan."

Pinahiga ni Joeseff si Bro. Enad. Pinigilan ko ang tawa ko habang nanonood sa pag-acting ng dalawa.

"Habang tulog si Adan ay kinuha nito ang isang tadyang nito at ginawang tao. Ang taong makakasama ni Adan ay si Eva."

Pumasok sa eksena si Ate Yas. Kinuha ni Bro. Enad ang braso nito at nagmartsa sila na paranh ikakasal. Dahil doon ay kurot ang inabot ni Bro. Enad. Nagsihiyawan ang mga bata. Maging ako ay kinilig at napapalakpak.

"Sabi ng Panginoon, maaari nilang kainin ang lahat ng nasa hardin maliban lang sa bunga ng puno sa gitna ng hardin. Masayang namumuhay ang dalawang tao. Ngunit isang araw ay sumulpot itong si ahas. Ahas halika dito."

Hi, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon