KABANATA 6

3 1 0
                                    

First day of Catechism

Araw ng simula ng summer catechism. Umattend muna kami sa pang-alasyenteng misa sa umaga. Ay dahil walang magbabasa ay tinawag kami ni ate Yasmin ni Bro. Nardz.

Sa loob ng sacristy ay nandoon na sina Bro. Allan at Joeseff, Bro. Nardz at amg isamg sakristan na si Walden.

"Good morning," bati ni Joeseff.

"Good morning!" masiglang bati ni ate Yas. Samantalang ako ay parang second voice sa sobrang hina. Ngumiti lang si Bro. Allan sa amin na ginantihan din namin.

Lumapit kami ni ate Yas kay Bro. Nardz na abala sa pag-aayos ng hostia upang magmano. Tumigil ito at ibinigay ang kamay.

Unang nagmano si Ate Yas. Sumunod ako. Babawiin ko na sana ang aking kamay kaya lang ay hinigpitan ni Bro. Nardz ang paghawak sa kamay ko. Nagtataka akong tumingin sa kanila.

Makahulugan itong tumingin sa akin at inginuso si Joeseff na nagsusuot na ng cassock.

Lumabi ako at binawi ang aking kamay. Sinundot naman nito at tumawa. Niyakap ko kaagad si Bro. Nardz at binulungang tumigil.

Tumango-tango ito kahit natatawa pa. "Magbihis ka na doon."

Binigyan ko sila ng masamang tingin at bago umalis.

At dahil nasa harapan pa ng cabinet si Joeseff ay dumiretso ako sa lectionary upang magpractice sana kaya lang ay nauna na si ate Yas.

Mariin akong napapikit at dumiretso sa cabinet.

"Excuse me po," sa maliit na boses ko.

"Ay sorry!" aniya at tumabi.

Nahihiya akong ngumiti. Sa nanginginig na kamay ay binuksan ko ang cabinet at kumuha ng uniform. Tumalikod ako at isinuot ang uniform. Ang pinakaayaw ko sa pagsusuot nito ay ang ang butones sa likuran malapit sa batok. Abot ko naman ito kaya lang nahihirapan akong ibutones ito.

"Tulungan na kita," boses ni Joeseff sa likod ko.

Hindi na ako nakaangal pa dahil hawak na nito ang butones at mabilis nitong isinara. Wala sa sarili akong nagpasalamat. Tumango ito at nagpatuloy sa pag-aayos ng sariling damit.

Narinig ko ang pagtikhim ni Bro. Nardz. Lumingon ako dito at naabutan ko ang pagtatago nito ng ngiti at nagpapatay malisiya. Umiling na lang ako at nagpasiyang mapractice na lang ng readings tutal ay tapos na si ate Yas.

Pagkatapos ng misa ay pinag-almusal muna kami ni Father Tino. Sumabay ito sa amin at masinsinan kaming kinausap.

Marami itong mga bilin sa mga dapat at hindi dapat gawin. Halos hindi makakain si Bro. Allan dahil ito ang laging binabanggit. Panay ang tango at sagot.

"Nakahanda naman po lahat, Father. Napuntahan na din namin nila Bro. Elmo ang mga barangay na pupuntahan at nainform na po sila sa mangyayari. Willing na willing pong makicooperate ang mga barangay coordinator."

"Good."

Marami pa itong sinabi bago kami nito pinakawalan. Sakay ng L300 ay tumulak na kami.

Hi, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon