KABANATA 10

6 1 0
                                    

Bible Sharing Part 2

Tumayo si Kuya Kelly upang i-dim ang ilaw sa office. May pinindot naman si Ate Thea sa kaniyang phone at nagsimulang magplay ang kantang "You are mine". Tahimik kaming nakinig sa kanta at kinokondisyon ang sarili para sa activity.

Pagkatapos ng kanta ay nagsign of the cross kami saka nagsimulang basahin ni Ate Yas ang gospel. Sumunod na nagbasa si Joeseff. Pagkatapos ay isa-isang nagsabi ang bawat isa ng striking words. Ang napili ko ay follow.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan bago buksan ang sharing. Unang nagkuwento si Ate Yas.

Ngumiti muna ito bago nagsalita. "Kilala niyo naman na ako. Ako si Yasmin Antonio. Current coordinator of Parish Youth Ministers. Secret na lang 'yung age." Humalakhak kami. "Uy, nasa kaledaryo pa ako. So, 'yun! Ang napili ko is follow me na halos lahat sa atin ay iyon ang napiling word. Nagstart ako bilang miyembro ng PYM at the age fifteen. Ten years na akong nagseserve dito-"

"So, twenty-five ka na?" singit ni Joeseff.

"Tse!"

Nagtawanan kami. Inirapan lang siya  ni Ate Yas bago nagpatuloy.

Umiyak na rin ako ng magsimula itong umiyak. Grabe din pala ang hirap na pinagdaanan nito bago naging ganap ng teacher. Kahit working students ay napagsabay niya din talaga ang pagseserve. I admired Ate Yas for her love and dedication to serve the Lord.

I cannot help but to be grateful for what life I have. I don't need to work to study because my parents provides for my education. I just need to study very hard to pass all my subjects and  graduate on time.

Sumunod ang ibang mga kabataan nagshare. Mabuti na lang at mga light lang ang mga stories na kanilang naishare. Ng ako na ay kinuwento ko grateful to have my family and friends. Sa lahat ng natatanggap ko, it inspired me to follow Jesus.

Last na nagshare ay si Joeseff.

"Magandang umaga sa inyo. I know kilala niyo na ako but allow me to introduce myself again. Ako nga pala si Joeseff Aidan San Miguel. You can call me Joeseff or Kuya Joeseff. Ako ay isang seminarista. I am grateful to be here right now. Ang napili kong word ay 'follow me' din. Kaya ang napili ko ay 'follow me' because like all of you I want to follow Jesus. His footsteps."

"I entered seminary in my first year of college. Sa seminary ang tawag sa amin ay Propaed o Propaedeutic Department. But before that I was an altar server here. With the help of Fr. Tino and Fr. Erol nakapasok akong college seminary. Siguro ang tanong niyo ngayon ay kung bakit ko gustong magpari. The answer is He is calling me. I don't know how will I tell you the feeling I felt when I decided to enter the seminary. Basta something inside me that I can't explain.

"Noong mga time na sobrang active ko dito sa church dahil nga ang nakakasama ko noon ay mga seminarians din and sila Father kaya siguro naimpluwensyahan din ako. I just woke up one day and realized that I want to become a priest. Iba 'yung feeling, eh. Parang nawalan ako ng gana sa pag-aaral ko that time kasi parang niloloko ko lang din ang sarili ko. Araw-araw pinililit ko na lang ang sarili ko na gawin ang bagay na hindi ako masaya."

Umiling ito. "'Yung feeling ko noon na nag-aaral lang ako kasi kailangan. Para masabing nag-aaral ka. But my hearts screaming for something. I was happy but I was not contented. I cried so hard when my mother disapproved my plan to enter seminary. My heart was heavy. Mahirap ang naging simula ko. Daming what ifs. I was in denial at first but I prayed for God's guidance and mercy. With that He gave me strength to face my fears. Kahit na tutol si Mama ay nagpumilit pa rin akong pumasok ng seminaryo. Thanks for Fr. Tino and my other benefactors kasi tinutulungan nila ako for my tuition and allowances. I'm still praying na one day masuportahan ako ni Mama sa desisyon ko at sa nais kong gawin. One day, my mother will understand why I want to follow Him."

Hi, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon