KABANATA 8

3 1 0
                                    

Paper heart

After ng talk ni Bro. Elmo ay nagdistribute na ng meryenda para sa mga bata.

Sina Ate Yas, Ate Thea at Bro. Allan ang nagpapapila sa mga bata. Ako, si Angelito, Joeseff at Bro. Enad ang nagdidistribute ng pagkain. Nakaalalay naman si Bro. Elmo kapag nauubusan na ng juice at tinapay.

"Smile kayo dito!" ani Kuya Kelly.

Nagpeace sign kami sa camera saglit at nagpatuloy sa pamimigay ng pagkain. Sumunod na pumila ang mga barangay pastoral council ng maubos na ang mga batang nakapila.

"Tapos na! May natira pa ba for us?" tanong ni Ate Yas.

Binilang ni Bro. Elmo ang mga pagkain. "Limang juice at limang tinapay."

"Kulang," ani Angelito.

"Okay lang 'yan. Kuha na kayo ng tinapay at juice. Magtutubig na lang kami," ani Bro. Allan.

"Hindi na po, Brother. Hati-hati na po tayo," giit ni Ate Yas. "Kelly kuha ka ng tatlo para sa ating youth ta's dalawa sa kanila. Sakto apat kayo. Hating kapatid na lang."

Sumang-ayon naman ang lahat. Sa tinapay man o sa juice. Ang kahati ko  sa tinapay ay si Angelito. Pinaubaya ko na lang ang juice sa kaniya at nagpasiya akong magtutubig na lang.

Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig kaya lang ay pinigilan ako ni Joeseff sa kamay. Gulat akong napatingin sa kaniya. Iminuwestra niya sa akin ang juice.

Umiling ako. "Hindi na po! Magtutubig na lang po ako."

"Sige na. Ayaw ni Enad magjuice at ayaw ko rin. Sayang lang. Sayo na."

Tatanggi sana ulit ako ng magsalita si  Bro. Enad. "Kunin mo na Mary."

Nahihiya akong ngumiti at tinanggap ang juice.

"Thank you, po."

Tipid siyang ngumiti. "You're welcome."

Hindi ako nagpahalatang nanginginig habang tinutusok ang straw sa juice. Kaya lang ay napapitlag ako ng makaramdam ng kurot sa aking tagiliran. Impit akong napasigaw at napatingin kay Angelito.

Nakakaloko ang kaniyang ngiti sa akin. Lumapit siya sa akin at pasimpleng bumulong.

"Ang sweet naman ng asawa mo," aniya sabay tawa.

Pilit kong kinunot ang noo ko at inirapan siya. Sumimangot at nag-iwas ng tingin. Kahit naman kinikilig ako ay ayaw kong ipakitang kinikilig ako. Hindi ito ang oras para makaramdam ng ganoon dahil wala sa lugar. May importante kaming ginagawa. Ayaw kong mag-isip ng kahit ano baka pumalpak pa ako. Mamaya na lang ako kikiligin habang nagsusulat ng journal.

Pagkatapos ng meryenda ay nagpatuloy ang program. Para ibalik sa disposisyon ang mga bata ay sumayaw ulit kami ng 'La Copa de Todos' at 'Masayang Kristiyano'.

Sa session naman na ito ay mga activities. Si Ate Yas ang nagbigay ng instructions para sa laro. Kami naman ang naghanda ng mga kakailanganing mga gamit. Hawak ko ang mga panyo na gagawing blindfold.

Nagkaroon ng apat na grupo. Unang grupo ay grupo ni Bro. Allan. Sunod na grupo ay Bro. Elmo. Ang pangatlong grupo ay si Bro. Enad at ang panghuli ay grupo ni Joeseff.

Ang mechanics ng laro ay ang isang miyembro ng grupo ay nakablindfold. Kailangang makatawid ang nakablindfold na member sa kabilang dulo sa kung saan ang mga kagrupo niya. Kailangan niyang makinig sa instructions ng mga kagrupo upang makatawid. Hindi din kasi biro ang kailangan niyang lagpasan. Nagkalat kami ng mga nakatumbang monoblocks sa kanilang dadaanan.

This game is to test trust and develop and listening skills. Listen to the voice of the people who are trying to help and guide with your struggles. To listen only to the voices of the people to overcome the obstacles for them to reach the finish line.

Hi, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon