Gaya nga nang sabi ni insan dito na nga talaga siya titira sa bahay ko for real, tinawagan ko na rin sila daddy para makumpirma ko kung totoo ang sinasabi ng bruhang pinsan ko at nalaman kong sila pala talaga ang namilit kay insan na tumira dito. For me not to be lonely daw, ano ako bata ?
Nasa sala kami ni insan, habang kumakain ng dinner ang boring daw kase kung dun kami sa dining, eh dalawa lang naman kami at magmumukha lang daw kaming mga tanga na kakain sa napakahabang lamesa, totoo naman yun kase kahit ako naman ay ayoko ding kumain magisa kaya palagi nalang akong nagpapadala sa kwarto ng pagkain.
" Waaaaaahhh!, James Yap for three baanngg! Omay! Three point shot again! Woot woot! "
"Ano ba insan! mabibingi ako kakasigaw mo eh! " sita ko, grabe naman kase kung makatili wagas.
"Wala kang pake saka ano ba! sayang din yung ipinusta ko."
"What? Pumusta ka? How much? At kanino naman?"
"Kay Raven tsaka 5,000 lang naman" at sa sobrang gulat ko sa halagang nila-lang lang niya ay hindi ko napigilan ang hampasin siya.
"Are you fvcking insane? For heaven's sake para lang jan sa basketball na yan ay pupusta ka ng ganung halaga insan? baliw ka na nga talaga!" sabi ko. Imagine sa kaadikan niyang manood ng PBA at kaadikan niya kay James Yap ay pupusta siya ng limang libo? Hanep naman pala! Isang malaking kabaliwan ang pagpusta ng napakalaking halaga, eh ni hindi mo nga alam kung mananalo sila o hindi
"Tss oo baliw talaga ako.. Tsaka hindi naman ikaw yung pumusta! Ako diba! Ako! "
"Yeah right ikaw. Haynako insan goodluck jan sa 5,000 mo" sabi ko tsaka na ako umakyat ng kwarto ko para matulog dahil alam kong mabibingi lang ako kakatili niya mabuti nalang talaga at sound proof ang kwarto dito sa bahay
Kasama ko ang mahal kong pinsan dito sa school na naglilibot at sa twing may makakasalubong kami palagi nilang binabati si insan ng
"Hi Ms. President"
"good morning Ms. President.." At eto naman si insan kung makipagplastikan ng ngiti wagas. Naku!
Balak sana namin pumunta sa garden nitong school para lumanghap ng sariwang hangin kaso nakuha ng atensyon namin ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng gate.
Its already 7:40 at 20 minutes nalang ay mag uumpisa na ang klase, pero ang dami paring estudyante dito sa labas di katulad ng dati na 30 minutes before time ay malinis at wala nang kalat na estudyante sa buong paligid ng L.U pero ngayon, dahil kay insan eto ang kinalabasan para ngang wala nang balak pumasok ang mga to eh.
Tiningnan ko ang kasama ko at nagkibit balikat lang ito "kaligayahan ng estudyante yan, bakit hindi natin pagbigyan. " anya at nagkibit balikat lang saka ako hinila sa pinagkakaguluhan nila
" Im curious, I wanna know whats happening there"
Nag give way naman ang mga estudyante saamin ni insan, grabe talaga! She rule the school, and students are treating her as a Queen.
Pagkarating namin sa harap nagulat ako nang anim na sunod sunod na sasakyan ang pumasok sa loob ng campus
"Kyaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh" Damn it.. Napatakip nalang ako at si insan ng tenga sa tilian ng mga babaeng nandito, nang makababa si Dave, Raven, Dwight, at William sa mga sasakyan nila.
"Waaaaaahhhh ang Gwapo mo Jareeedddd"
"Pwede na akong mamatay oh em ji! " ako papatay sayo hype ka!
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH" mas malakas na ang tilian ng mga nandito ng lumabas na si Ephraim sa sasakyan niya
"Kyaaaahhh Kinngggg akin ka nalang"