chapter 4

67 4 0
                                    

Sabi nga ni insan kanina May special announcement siya at nandito ang lahat ng High School Year level student ng Lamperouge sa Quadrangle since di Kami kasya sa Covered Court o sadyang dito niya lang gustong mag announce, knowing that girl, gusto niya ng may trill ang lahat ng mga nangyayari, tulad nito nasa initan kami.

Nandito Kami sa Harap, Ako, si Mr. President, Jared, Dave, William, Dwight at Raven.

Kanina pa tapos ang lunch break at hanggang ngayon yung special announcement ni insan wala parin for heaven's sake tirik na tirik ang araw dito! At kanina pa kami nakatayo, kita ko ring kanina pa naiinis sa tagal tong mga kasama ko dito Geez! Hanggang kailan niya kami pagaantayin damn that announcement.

" Hi everyone " bati nito nang dumating siya, kumaway kaway pa muna siya, atlast nagsimula na siya.

" Damn it woman, cant you see its too fvcking hot here ? Sabihin mo na ang dapat mong sabihin ng matapos na to " mukhang di na ata nakapagtiis ang mahal na presidente at ayan nagalit na.

"Ayoko nga, ayaw mo nun atleast nafifeel mo na ngayon ang feeling ng nasa initan diba ? Hindi yung palagi kayong nasa loob ng kwartong de aircon, mga hangal nasa pilipinas kayo, mahalin natin ang sariling atin " sagot sakanya ni Insan, Partida naka microphone pa siya ah at may kasama pang ngisi.

" damn! " Narinig kong sabay sabay na singhal ng anim na kasama ko dun may mga naririnig din akong side comment mula sa ibang estudyante. Siguro kase tinotopak nanaman tong babaeng to. Natatawa na nga lang ako imbis na mainis dahil di ko alam kung parepareho ang utak na meron ang anim..

"May mga katanungan lamang ako bago ang aking i-aanunsyo. Kamusta ? Kamusta ang pagiging buhay preso sa loob ng mga silid aralan niyo ? " sa sobrang lalim ng tagalog niya ay kamuntikan kong isipin na siya'y isang dayuhan

" Damn it woman! Pinagloloko mo ba kami ? " Tanung sa kanya ni Jared sa naiinis na boses, kung itong anim ay naiinip na how much more yung ibang mga estudyante diba? Ang kaso wala naman sakanila ang umaapela

"Hmm, hindi naman gina-gago lang"

"Em Em! "sabay sabay na sigaw ng anim at mababakas sa mga boses ng mga ito ang inis. Mukhang alam na nilang pinagtitripan nanaman sila ni insan

"Hahaha! itong mga 'to naman hindi mabiro" natatawang sabi ni insan

" parang gago kase! " this time natawa nlang kaming lahat na nakarinig ng sinabi nila Dwight ,William at Raven. Siguro ngayon ay iniisip din nang iba kung ang utak ba ng mga to ay parepareho ?

" insan? Pwede bang simulan mo na? Ang tagal eh" sabi ko naman ay tsaka niya ako nginitian

"Okay sorry insan ganyan talaga sa pinas sadyang mainit. Okay... since alam kong kanina pa kayo inip na inip jan Here is it... I Just want too tell you na pinapatalsik 'ko na si Ephraim King Knight as the school president..-"

" Fvck who care's?? Iyan Lang ba ang sasabihin mo? "

"Teka! Chill! patapusin mo muna kase Ako Red kaysa sa Pinuputol mo agad ang sasabihin ko at kung wala kang pake, same here so shut the fvck up" pagpuputol ni Jared kay insan na agad din naman itong ginantihan ni insan sa pagputol rin ng sinasabi nito

"Okay way back... again Pinapatalsik ko na si Ephraim King Knight as The school President at ang papalit sa posisyon niya ay walang iba kundi ako-"

"WHAT??" Wala pa man ay nagreact na ang anim na walang iba kundi ang anim na natatanging may lakas ng loob mag second demotion

"Ay! Tangina Isa pang putol niyo sa sasabihin ko Paguuntugin ko talaga kayong anim" nanlilisik ang mga matang sabi nito sakanila, nagsitahimikan bigla ang anim at napailing maging ako ay ganun din.

Meeting the Bad Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon