Chapter 9

60 3 3
                                    

Megan's

"Knight zero four , hmmm I smell something fishy" napatalon naman ako sa gulat nang may nagsalita sa likod ko, pagharap ko si insan lang pala, bat ba kase kailangan pa niyang mangulat. Tsaka anung Smell something fishy eh wala namang niluluto si yaya na isda, tsaka san niya nakuha yung sugat niya sa kamay at dun sa gilid ng lips niya?

"Ano ba insan kabute ka ba? Tsaka san galing yung pasa mo" Naitanong ko nalang, galing itong Korea kung hindi ako nagkakamali pero bakit parang mas nanggaling pa ito sa bakbakan sa mga pasa nito?

"Ahh nadulas lang ako kaya sumubsob ako at eto ang premyo! Tsaka Ewan ko kung bulag ka lang o tanga eh.. Tao ako okay! ikaw Tao ka ba? O alien? tsaka masyado akong maganda para maging kabute!" Mayabang nitong sagot na ikina iling ko

"Mas MAGANDA AKO NO! " sabi ko sa isip ko, well totoo naman yun

"Yeah what ever! " aniya na inirapan at pinamaywangan pa ako na tila kinikilatis ang kabuuan ko "Hmm suot mo ang Jersey ni Eff pati ang jacket niya nasayo! at alam ko na siya din ang may gawa niyang design sa jacket , so anong meron sainyo? Kayo na ba? Ayiiieee" sabi ni insan habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa na may mga pangasar na ngiti pa

"Anong kami ? Gutom lang yan insan, kung ano ano sinasabi mo eh ikain mo nalang yan" sabi ko tsaka na ako umalis sa harap niya dahil baka asarin niya ako at kung ano ano nanaman ang mabuong salita ng bibig niya

"Hooyy insaaan Bagay kayo wag kang mag alala ! Totoo yan mamatay ka man! " pahabol na sigaw niya mula sa baba.. Haysssstt ewan.

--------

William's

Linggo ngayun at kakatapos lang ng practice game namin sa basketball dahil hindi natuloy kahapon.. Nandito ako sa Gym ng school dahil naiwan ko yung Jersey ko dito

"Kyyyyyyaaaaaahhhh" shit san galing ang mga to ?

Madalas Nakakapagod talaga maging gwapo, Puta akala ko wala nang tao dito kase tapus na yung game meron pa pala, hanggang dito ba naman. Tssk iba talaga pag gwapo, habulin ng mga babae

Naktakip ko nalang ang kamay ko sa mata ko dah sa nakakasilaw. Putek na mga camera yan nakakasilaw ang mga flash, parang ako lang nakakasilaw ang kagwapuhan! Kung bakit ba naman kasi magpipicture nalang may flash pa.

"Hi! I bake a cake for you" hindi ko alam pero nararamdaman ko ang bilis ng kabog ng puso ko, fuck puta ang ganda niya nakaka.. Hmm ano nga ba ?

"Uhh thanks, " sabi ko pagkaabot ko nung box ng cake daw na ginawa niya..

"Kyyaaaaaahhhhh"
"Giiiiirlllll ang swerte mo !! " hiyawan ng mga babae, tssk kaylangan ko ng umalis, dahil I know from now, any seconds mapapalibutan ako ng mga to at paniguradong maiistock ako dito.

Aalis na sana ako! Nung makita ko yung jersey ko kaso "Kyyyyyyaaaaaahhhhh Wiiiilllliiiiaaaammm Asheeeerrrr" fuck sinasabi ko na nga ba.. Patay ako neto napalibutan na ako pano pagtalikod ko ayan na ang ibang mga chika babes sa harap ko

"Uh... hi? " alanganin kong kaway

"Omy God Im gonna die! Waaaahh nag hi siya saakin" sakanya lang ba? ang alam ko yung bati na iyon ay para sa lahat eh

"Hey, di mo ba tatanungin ang pangalan ko" napatingin naman ako sa likod ko dahil sa nagsalita, yung girl lang pala na nagbigay ng cake, tsk bat ba ang ganda ng isang to! Nakakaka? Ano nga ba? Ewan !

"Why don't you just tell me your name, kaysa sa itanong ko pa!" Sabi ko with my killer smile para hindi maipahalata na may kung ano akong di maipaliwanag na nararamdaman. Hayst makapunta nga sa ospital mamaya baka kung anong sakit na to ng kagwapuhan

Meeting the Bad Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon