Chapter 8

70 3 0
                                    

Milady's

Sermon there sermon here sermon everywhere, blah blah blah what ever..
"Bat hindi mo na simulang ipaliwanag ang mga kagaguhang pinag gagagawa mo ha Em? " iniwas ko nman ang mukha ko dahil tumatalsik yung laway ni Dwight saakin

"Wala nga akong ipapaliwanag tsaka hindi ako magaling sa explanation " sagot ko kay Dwight na kung magsalita akala mo tatay ko

"sabihin mo nga ang dahilan kung bakit mo nanaman kinarnap yung kotse ko pwede naman kaseng magpaalam ka hindi yung kina carnap mo pa" grabe carnap talaga hindi ba pwedeng itinakas lang? binalik ko naman na ah ginawa pa akong magnanakaw ng gagong to ah.

"Hindi ko kinarnap okay? sobra ka naman tsaka binalik ko na nga diba icheck mo pa sa garahe" sagot ko

"Tell me Em, Galing ka nanaman ba sa lab-

"Hindi ahh ! galing akong Korea- Aww" shit nananadya ba tong si Red ansakit ehh ginagamot na niya kase yung sugat ko sa ulo tsaka sa labi tapos bigla nalang niyang idiniin

"kaya pala nakita ko tong swiss knife mo sa kotse ni Liam kanina at kaya pala may sugat ka sa ulo na galing sa hampas at sa gilid ng labi mo na halatang sa sampal at sa suntok galing kaya pala may mga pasa ka sa katawan kase galing kang Korea at hindi sa laban? tapos pinagbabawalan mo kaming mapasabak sa ganyan pero pag ikaw pwede? nang ka carnap ka pa ng mga sasakyan namin! bat ka pa kase bumalik dito at ayan ka nanaman sa kagaguhan mo ? sabihin mo lang kung gusto mong mamatay ako na mismo ang papatay sayo. Akala ko tumino ka lumala ka pa pala. Kaylan ka ba titigil ha Em? Tsaka kung sasabak ka sa ganyan isama mo kami para naman may maglibing pa sayo pagnamatay ka sa laban" Talata ni Jared na gusto na ata akong ilibing.

Teka nga pala paanong naiwan ko yung swiss knife ko sa kotse eh nasa bulsa ko yun?. Baka naglakad yung kutsilyo magisa at pumunta sa kotse. Ay ewan nalaglag lang siguro. Wala namang paa yung kutsilyo ehh magpapa party pa ako kung meron

"Ouch nanadya ka ba?" Tanong ko kase diniin nanamam niya yung pagpahid niya ng kung anong tawag dun

"Oo kaya sagutin mo yung tanong kaylan ka titigil sa pakikipag basag ulo ha?"

"Tss oo na titigil na ako from now on! Promise cross my puso, at isasama ko kayo sa susunod pangako mamatay man kayo-Aww" puta namumuro na tong Pula na to ah! Tinaas ko na nga yung kamay ko patunay na nangangako ako.. Tapos babatukan pa ako aba matindi

"Seryoso ako okay tsaka tama na nga yan kunyari ka pa sa paggamot saakin gusto mo lang ako saktan upakan kita eh" sabi ko tsaka ko itinulak palayo saakin si Red baka kung ano pang gawin saakin at dun na ako nagsimulang sermonan ulit ng Apat with matching batok pa, pasalamat sila masakit yung likod ko dahil sa nakuha kong hamapas ng kahoy kaya di ko sila masapak.. Dapat pala hindi nalang ako dito sa bahay nila William dumiretso hayst super nanghihina kase ako at mahirap na kung dun sa bahay ni Megs baka kung anong sabihin kanila mother dear nun at ayokong magalala siya

Megan's

gaya nga ng gusto ni Shannen pumunta nga kami ng mall at kanina pa kami lumilibot dito at kanina pa ako pagod na pagod ikaw ba naman libutin ang buong mall maglabas pasok sa mga stores ng damit, bag at sapatos, hindi ka ba mapapagod sa lagay na yun?

may pagka shopaholic pala tong kapatid ni Ephraim laking pasasalamat ko nalang at nakatsinelas ako dahil kung hindi ewan ko nalang kung nakakalakad pa ako ngayon kaso giniginaw naman ako sa suot ko

Suot ko ang Jersey ni Ephraim may nakasulat sa likod na

KNIGHTS na may malaking nuber na 04 sa baba bg apilyedo nito

wala kaseng kasya saakin na damit ni Shannen kaya no choice ako kundi ang suotin to at sa pantalon naman well thanks at may short na naligaw si Em sa kwarto ni Sha, mahaba tong jersey mejo natatakpan niya yung short na suot ko kaya parang wala rin akong short

Meeting the Bad Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon