Chapter 15

40 1 0
                                    

Megan's

Paalis na kami ni insan ng pinigilan kami ni Gail, "pasabay" aniya. Alam ba niya kung gaano siya ka cute sa uniform ng Lamperouge, para lang siyang cost player sa dating niya!

" kaya pala may new form ng transferee akong natanggap ikaw pala yun. " sabi ni ate tsaka sumakay sa driver side, habang si Gail sa likod at ako naman ay sa passenger

Buti tumatanggap pa ang Lamperouge ng transfer student, sabagay naman kase as long as nagbabayad ka ng tuition fee tanggap ka sa school. "Buckle up cousins" aniya at pinaharurot ang sasakyan

Oo nga pala ngayon na ang school fest kaya ito nagmamadali. Eh bat naka uniform si Gail ?

Wala naman akong sinalihan na activity, yung booth naman namin hindi ko alam, maging sa booth namin ay hindi ako sumali, tama na yung tinulungan ko silang magayos ng room at magdesign ng booth kahit pa sabihin nilang may plus point ito sa grade, kaya ko namang i-maintain yung Grade ko ng Hindi bumababa sa 75, mas mataas pa nga dito ang nagagawa ko

Pagkarating sa school ay ang mga kalat na estudyante Ng bumungad saamin. Gaano ba kadami ang nagaaral dito?

Nagpaalam si insang pupunta ito sa opisina umoo naman kami Gail at ngumiti tsaka ibinalik yung tingin sa bulletin board para tingnan ang schedule ng game ngayon araw
At yun ay ang Board Games, Table Tennis, Badminton, Samantalang bukay ay ang Soccer, Volleyball at Basketball

Nagulat naman ako ng may mga iilang estudyante ang nag gu-good luck kay Gail, sikat ito sa America at hindi na katakatakang may iilan dito sa pilipinas ang nakaka kilala sakanya "thank you! I'll do my best, promise" aniya sa mga ito

Kaya pala ito naka uniform ay dahil kasama ito sa game, pero bakit hindi p.e ang sinuot niya? Nakakapagtakang kakatransfer niya lang ay nakasalu agad ito sa sports "Eh ano namang sport mo ? Tsaka bakit naka palda ka eh diba dapat P.E para mas comfortable ka ? " sunod sunod na tanong ko

" Table tennis po ate, at hmmm Im not comfortable with P.E mas comfortable ako pag palda kaya eto nalang sinuot ko " Oo nga pala! Model ang Gaga at mas sanay sa palda, masyadong girly naman to si Gail

" Ok ka na ba? Kaya mo na?" Nagaalalalang tanong ko dahil ilang araw palang ang nakalipas magmula ng mahampas ito. "Sus malayo sa Bituka! " sabi niya tsaka siya tumingin sa mga tinitindang damit sa school kaya pati ako tumingin

"Waaaah ate bakit po may Tshirt na may mukha ko dito ? "  Tumingin naman ako sakanya na pinapakita yung shirt sa nagbabantay dito maging sila Ephraim, Jared, Liam, Raven, Dwight may T-shirt din

" kasali po kase kayo sa Sports Game kaya may picture din kayo

Ano kaya sport ng Limang Kolokoy na yun ? "Bibili po ako ng isa! How much ? " tanong ko at inagaw kay Gail ang hawak niya, Infairness ang ganda niya dito sa picture niya

"350 po " ang mahal! Iniabot ko nalang agad yung exact na bayad

"Eh ? Ate Meg aanhin mo yan ! " tanong sakin ni Gail

"To support you sa game mo mamaya ! " sabi ko tsaka ko ibinag yung damit

Mukhang nakilala siya ng tindera dahil nagrerequest ito na magpicture sila at kung hindi manipus ang mukha nito ay gagawin pa akong camera man, hindi ko tinanggap ang ini aabot nitong phone, how dare is she na utusan ako? Nang mapansin si Gail ang inis ko ay siya ang kumuha ng phone at nagselfie nalang, pagkatapos nilang magselfie ay umalis na kami dun at lumipat sa ibang booths para tumingin ng iba pang mabibili tsaka na kami naglibot ulit, marami ding ibat ibang booths kaming nakikita nag sisigawan pa nga kami ni Gail dahil hindi namin mapagkasunduan ang gusto namim puntahan

Meeting the Bad Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon