3

11.2K 286 4
                                    




3
______

Lara

KANINA ko pa pinag papalipat-lipat ang tingin ko kay Sam at sa lalaking alam kong nakita ko na dati pero hindi ko alam kung saan. Basta alam kong nakita ko na siya.

"Sam naman, alam mong papatayin ako ng pinsan ko kapag nalaman niya ito diba?" frustrated na sabi ng lalaking kumakausap ngayon kay Sam.

Napataas ako ng kilay ng di oras. Really? Pinatawag ako ni Sam mula sa Baguio papunta ng Maynila para lang masaksihan ko ang pag tatalo nilang dalawa ngayon? Ang dami kong iniwang trabaho sa farm dahil akala ko ay napaka-importante ng usapang ito para lang hindi maipag pabukas.

"San ka pupunta?" patamad kong tinignan si Sam na nakapamaywang na sa akin matapos kong tumayo at akmang lalabas.

"Aalis, uuwi na." tipid kong sagot sa kanya. Pinaningkitan ako ni Sam ng mata kaya nag salita na ako ng maayos. "Bestie, babalik na lang ako kapag tapos na kayong mag usap na dalawa." paliwanag ko bago ako tumalikod palabas ng pinto ng tawagin akong muli ni Sam.

"Tapos na kaming mag usap, diba Kai?" kunot noo naman na napatingin yung nag ngangalang Kai sa akin.

"I don't think so," napanguso ako sa sinabi nito. Ano bang kinalaman ko sa usapan nilang ito?

"No, tapos na ang usapan, even Jako agreed to it." matigas na sabat ulit ni Sam.

"Whoah! Teka nga, teka nga!" awat ko na sabi, "Naguguluhan na ako sa inyong dalawa eh. At ano naman ang kinalaman ko sa usapan ninyong dalawa? Ni hindi ko nga siya kilala, Sam." Ang sakit kasi sa tenga ng bungangaan nilang dalawa eh, kaya sumabat na ako.

"Oh, I forgot to introduce him to you. Kai, this is Monique. Nick, siya naman si Kai. My brother-in-law." napataas ako ng kilay.

So, siya pala ang nakababatang kapatid ni Jako. Kaya pala mukhang pamilyar ang mukha niya sa akin. Magkahawig kasi sila ni Jako, though their eyes were different, Jako has blue eyes while he has amber.

"As I am saying Sam, hindi puwede. Ilang beses ko ba kailangang sabihin ito sa iyo." napasimangot ako sa way ng pag sasalita niya towards Sam kaya tahimik itong tumingin sa akin.

"Wow ha! Walang bayad ang gumalang, boy. Kapatid mo ang asawa niya, you should respect her." nag salubong naman ang kilay nito saka ko narinig ang malakas na tawa ni Sam sa gilid ko.

"See, Kai? I told you. Magiging maganda ang tandem nila. Sige na, payag ka na kasi..." nag lambitin si Sam sa balikat nito bago muling tumitig sa akin.

"Okay, I will consider." tipid naman na sagot nung Kai.

Teka, anu bang mali sa paligid? Bakit wala akong maintindihan sa mga pinag uusapan nila?

"O-okay lang ba kayo? Kung tapos na kayong mag usap puwede niyo na bang sabihin kung ano ang ginagawa ko rito?" singhal ko sa kanilang dalawa ng mapikon na ako. Nakakainis naman kasi eh. Pagod ka na nga dahil sa layo ng biniyahe mo tapos para ka pang tanga dito na hindi mo maintindihan.

"I get you another job." pagmamalaking sabi ni Sam sa akin.

"Job? Eh, hindi na nga ako magkandaugaga sa farm bibigyan mo pa ako ng another job?" nanlalaki ang butas ng ilong ko na sabi kay Sam.

"Nicks, mas magiging malaki ang kikitain mo rito. Unlike sa flower farm natin na seasonal lang. BS Marketing ka so, mas magagamit mo ang natapos mo." paliwanag ulit ni Sam. Tumingin ako sa puwesto ni Kai na hanggang ngayon ay may kakaibang kislap sa mga matang nakatingin sa akin.

Fallen Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon