6

8.3K 259 2
                                    



Para sa'yo ito @beitrois sana mabasa mo. Hehe 😀😀

Lara
______

BAKIT ba may taong ipinag lihi sa sama ng loob?

Ang unfair naman kasi ni Lord eh, sa dami ng problema ng mundo mukhang ibinigay niyang lahat iyon sa amo ko. Wala na kasing ginawa kundi magalit. Diba puwedeng love love love na lang?

"Ms. Santibañez!" napatirik na lang ako ang mata ko ng marinig ko na naman ang nakatutuliling tawag sa akin ng amo ko.

"Here, had it notarize kailangan ko yan bukas na bukas din para maumpisahan ang road project ng hotel." at pagka kuwan ay ihinagis nito sa ibabaw ng lamesa ko ang folder na sinasabi niya.

Kung tutuusin wala naman sa aking problema. Kahit na utusan pa niya ako mag hapon pero sa ugali niyang walang pakielam sa kapwa niya nag papasalamat ako at hindi siya ang sinagot at pinakasalan ni Sam. Boring na nga mukha pang halimaw sa ugali.

"May ipapahabol pa ba kayong utos, Sir?" subukan mo pang dagdagan tong gawain ko at kukulamin na talaga kita.

"Meron pa," Nalukot ang mukha ko. Kasasabi lang! "Gusto kong puntahan mo yung site mamaya. Ibigay mo yung check sa contractor para makapasahod na sila." saka ako sinimbatan ng alis.

"Wala man lang thank you? Buwisit," Ngumuso na lang ako. Pero in fairness, inaalala din niya ang mga tauhan niya kahit papano.

Naalala ko tuloy yung mga trabahante namin sa hacienda noon. Kasa–kasama ako ni Papang at Kuya Lao lalo na kapag anihan tapos lahat nag shi-share ng kahit anong madala nila. Simple ang pamumuhay pero napaka saya.

Bigla ang pag tunog ng sikmura ko, sinipat ko yung wall clock.

12:30

Naging matatalim ang tingin ko sa pintuan nung taong-halimaw. Hindi kaya marunong mag break ito? Tanghali na pero wala atang balak kumain.

Tsk. Bakit ko ba siya inaalala? Magutom siya diyan tutal malaki naman ang katawan niya, hindi halatang butas ang bituka. Kinuha ko yung bag ko saka yung folder na ihinagis niya kanina.

"Siguro naman puwede akong mag libot sa city habang nag papa-notaryo." Bulong ko sa sarili ko. Napangiti na lang ako ng makaisip ng kalokohan.

Hindi naman niya mapapansin na umalis ako. Madami rin naman siyang utos sa akin ngayong araw kaya susulitin ko ng gumala.

Mainit ang sikat ng araw dito sa Davao City proper, buti na lang naka simpleng pantalon ako saka polo shirt na maluwag sa akin kaya hindi ako masyadong maaalibad-baran sa init. Agad kong tinungo ang City Hall para makapag pa notaryo. Isang oras lang ang ginugol ko at tapos na agad ang gawain ko.

"Bagong salta ka dito no?" tanong sa akin ng isang matandang lalaki di malapit sa isang desk.

Mukha naman mabait si manong. May hawak itong mahaba at nakatuping papel tapos may bitbit din siyang bag.

"Opo, diyan po ako Sa Roxas Avenue, nag t-trabaho ako kay Mr. Dean dela Vega. Assistant po niya ako." Nakita ko ang gulat sa mukha ni manong saka nag tinginan sila nung abogado na nag no-notaryo. Mukha naman harmless si manong kaya sinabi ko at saka feeling ko kung babanggitin ko ang pangalan ng amo ko hindi sila mag dadalawang isip na pag trip-an ako.

"Noong ibinigay mo sa akin ang papel na ito ineng, never would I have thought that it is him. Akala ko kapangalan lang, totoo pala." sabi nung abogado habang pinipirmahan yung papeles.

Fallen Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon