Lara
______NAG SLEEP walk ba ako?
Napabalikwas ako ng upo ng maalimpungatan ako at nakita ko ang sarili kong nandito na sa kama ko. Ang tanda ko kasi sa lapag ako nahiga. Matapos kong hilamusan ang lasing kong boss na tumutulo pa ang laway sa lalim ng tulog, eh, nakakahiya naman sa akin at mag e-effort pa akong gisingin siya at sabihing inangkin niya ang kamang dapat sa akin.
Bumangon ako kaagad at napansing kong wala na si Dean sa loob ng silid ko. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa bathroom room, wala kahit na anong trace ni Dean don.
"So, panaginip lang ba lahat yong kagabi?" bulong ko sa sarili ko.
Pinilig ko ang ulo ko saka inisip yung lasing kong amo na nag sorry at umistorbo sa tulog ko kagabi. Pinag patuloy ko na lang ang pag aayos sa sarili ko at saka lumabas ng silid ko ng makasalubong ko siya sa hagdanan. Hindi niya alam kung aatras ba siya o lalampasan niya ako. Hindi rin siya makatingin sa akin ng deretso kaya nauna na lang akong bumaba sa kanya.
"Lara,"
Pakiramdam ko biglang nanigas ang mga paa ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko. This is the second time—well, the first one was last night...when he was drunk so hindi counted yon pero yung eto...
I heard his footsteps at ilang sandali pa at nakaharap na siya sa akin, nasa pinaka dulong baitang na rin siya ng hagdan kaya nakatingala siya sa akin. Seryoso siyang nakatitig at dikit na dikit pa ang mga labi niya."About last night," So, hindi pala nga talaga yon panaginip lang. Totoo ngang nanggulo siya sa silid ko.
"I'm s-sorry. I actually didn't know what I was doing." iiling-iling pa nitong sabi. Nakita ko pa ang pag pisil niya sa ilong niya. "Do we...Uhm, did we—"
"It's okay," ayoko ng marinig ang itatanong niya kasi parang masakit sa tenga. Feeling ko umiinit ang likod ng tenga ko sa iniisip niya. "N-nothing happen," gusto kong sabihin sa kanyang as if namang pumapatol ako sa lasing pero baka mag ala-dragon na naman siya sa kasungitan.
"But I saw myself half naked!" Nalilito niyang sagot. Really? Sa tingin niya talaga pag sasamantalahan ko siya?
"And I actually slept on the floor." ngumiti ako ng bahagya. Tila nahugutan siya ng tinik sa dibdib ng makita ko siyang huminga ng malalim.
"Ayusin ko na Sir yung schedules mo ngayon. Ipag titimpla ko na rin kayo ng kape, you know—hangover..." pag dadahilan ko. Kung siya kasi umayos na ang pakiramdam ako naman nag uumpisa pa lang ma-weirduhan sa inaasal niya ngayon.
Nag tuloy-tuloy na ako sa pag baba at kinuha yung mga gamit ko. Unang kong chineck yung schedules niya at pag katapos ay nag timpla ng kape. Inilagay ko iyon sa dining table katabi ng scheduled activities niya.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel
RomansaSG: 3rd What is love? Is it you love it because it's for the better, or you love because it is for the best? What are the qualities you are looking for for the best love? Is it the one you worked for? Or the one you'd die for? Ms.Therapeautic ©