Lara
______SHE WOKE up with the loud ringing of her cellphone. Tinignan niya yung bedside clock niya and it clearly explains kung bakit nag rereklamo pa ang mata niya sa kakulangan ng tulog.
"Hello?" Dinampot niya ang cellphone niya pagkatapos ng limang ring.
"Asan ka?"
Nawala ang antok ko matapos na marinig ang matigas at malamig na boses ng kapatid ko sa kabilang linya.
"Goodmorning to you too, kuya Lao." may pagka sarkastiko kong sagot pero ng wala akong marinig sa kanya bilang ganti napangiwi na agad ako. Siguradong galit ito at seryoso itong galit niyang ito.
"I will ask you again, Monique. Where are you?"
"Da-Davao?" Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko at tahimik na nag dadasal sa isip ko na sana hindi magalit ng tuluyan si Kuya.
"What the FUCK! Bakit ka nandiyan?! At bakit hindi mo man lang ako sinabihan na mamumundok ka pala?! Bundok na nga dito sa atin lumayo ka pa!"
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Kuya, raket ito kaya sayang naman kung papalampasin ko pa diba." pag dadahilan ko.
Narinig kong tumikhim si Kuya Lao sa kabilang linya at alam kong nalilito siya ngayon kung magagalit sa akin o mag aalala. My brother is some kind of protective, hindi lang nun pinapahalata masyado.
"Kelan ka uuwi?"
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Depende. Kung makukuha ko agad yung bracelet ko kay Dean. At hindi pa man nag sisimula ang pagiging assistant ko sa kanya, gusto ko ng sumuko. Sa ugali pa lang ng lalaking iyon, mas nanaisin ko pang makipag kuwentuhan na lang sa mga kabayo.
"As soon as matapos ko na ang trabaho ko dito, uuwi kaagad ako, kuya." Paninigurado ko dito. Marami pa kaming pinag kuwentuhang dalawa bago namin maisipang mag paalaman sa isa't-isa.
Nakahiga na akong muli pero hindi na akong magawang dalawin ng antok. Excited na ako. Iniisip ko kung ano ang susunod kong magiging plano once na mapasa akin na muli yung bracelet ko.
"Dahil sa pag kakautang ng mga magulang ninyo, napilitang tubusin ng Tita Margarita ninyo ang buong rancho kaya sa kanya mapupunta ang buong pamamahala ng lahat ng naiwan ng ama niyo na si Don Lorenzo."
Nakita ko ang pag kuyom ng mga kamao ni Kuya Lao ng marinig iyon kay Attorney Sandoval. Samantalang maasim na ngisi ang naka pinta sa mukha ni Tita Margarita.
"Hindi ito maaari, Attorney! Paano ang kinabukasan ni Lara? Wala man lang iniwan sila papa sa kanya!" galit na galit na sabi ni Kuya Lao. Namutla naman si Attorney Sandoval at saka nag baling ng tingin kay Tita Margarita.
"Maaari pa rin siyang mag aral pero kailangan na niya iyong pag trabahuan sa farm. Malaki masyado ang halagang binitawan ko para sa kahihiyan ng pamilya ng hilaw kong kapatid. Hindi ako charity institution, Lauro. Kaya kung gusto ninyong kumain, pag paguran ninyo!" Matapang nitong alma kay Kuya Lao.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel
RomanceSG: 3rd What is love? Is it you love it because it's for the better, or you love because it is for the best? What are the qualities you are looking for for the best love? Is it the one you worked for? Or the one you'd die for? Ms.Therapeautic ©