Lara
______PINILI kong mag suot ng kumportableng damit. Off white na sleeveless lace dress na hanggang tuhod ko. Pinartneran ko lang ng denim na jacket tapos yung paborito kong ankle boots. Wala naman kami sa opisina ni Dean kaya siguro naman puwede akong mag palda. Babae po kasi ako.
Pinag isipan ko pa kung ilulugay ko or itatali yung curly kong buhok. Itinaas ko yung buhok ko saka tumingin sa salamin.
"Masyadong pinag handaan. Baka mawili..." nanunulis ang nguso ko saka ibinagsak yung buhok ko. Pinanatili ko na lang na ilugay iyon, tutal gabi naman. Hindi halatang hindi inayos at hindi sinuklay.
Sunod ko namang naglagay ng make up konti. Yung beri-beri light lang. Yung uso ngayon na drank blush kung tawagin? Nag lip tint lang ako saka nag pulbos. Nag wisik din ako ng favorite ko ngayong cologne, bath and body works po na sweet pea. Super mabango po talaga yon, promise.
Tumingin ako for the last time sa salamin. Tinignan ko yung reflection ko at nasiyahan naman ako sa nakikita ko. Narinig ko ang pagkatok ni Manang Coring sa kuwarto ko.
"Lara, hanap ka na ni Ser Dean,"
"Opo Manang, andiyan na!" tumikhim pa ako ng huling beses, "Kaya mo 'to, Lara. Second date niyo na ito, kakabahan ka pa ba?" nangiwi ako. Nasasanay na tuloy akong kinakausap yung sarili ko.
Hinanap ko kaagad yung garden. Napanganga ako sa pagbabago ng paligid. Ang daming nakabitin na mga jar na may lamang kandila sa puno, nag mimistula silang malilit na bituin sa lupa.
I walked across an empty land
I knew the pathway like the back of my handI felt the earth beneath my feet
Sat by the river and it made me completeNag umpisa akong lumakad papunta sa kalagitnaan ng hardin. Kung tutuusin mas gusto ko yung ginawa dito kaysa doon sa huling pinag dalhan sa akin ni Dean. Nag umpisang tumugtog yung lalaking nag vi-violin.
Saka lumabas si Dean may hawak itong isang bouquet ng bulaklak. Naka Armani three-piece suit siya ngayon. Napa hinto siya sa pag lapit sa akin saka nakailang blink ng mata bago tuluyang lumapit sa akin.
"Wow! Arhm...Ermm...you look, you look beautiful." puri niya sa akin. Humalukipkip ako saka siya tinaasan ng isang kilay.
"Tigilan mo nga ako Dean sa pag bola mo. Hindi mo naman sinabing kahit dito lang tayo sa garden kakain kailangan pa lang mag formal-formalan..." taray-tarayan effect ko pero sa totoo lang nanlalambot ang pakiramdam ko. Tinawag niya akong maganda! First time niya akong sinabihan ng ganon.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel
RomanceSG: 3rd What is love? Is it you love it because it's for the better, or you love because it is for the best? What are the qualities you are looking for for the best love? Is it the one you worked for? Or the one you'd die for? Ms.Therapeautic ©