Chapter 3

12.3K 297 6
                                        




"Den!" Sigaw ni ate Fille at ni Ella sa akin pagkapasok nila ng dorm building. Ngumiti ako sa kanila kahit masakit ang pisngi at ang gilid ng labi ko. Those damn girls! Matapang lang sila dahil lima sila! Matapang lang sila dahil madami sila! Tingnan natin.

"Hey." I said.

"Shit! Anong nangyari sa'yo?!" Ella asked. Hinawakan niya ang pisngi ko. Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako sa sofa. Namamanhid ata ang buo kong katawan. Mabuti na lang at binuhat ako nung Ara. Ang pinagtataka ko lang ay frat leaders sila pero parang ang paki naman at ng concern nila sa akin. Lalo na yung Alyssa. I just messed up her outfit kanina pero parang nagalit siya nang makita niya ang ginawa nung lima.

"F-five girls hit me." Ang tangi kong nasabi. Inalalayan nila akong makatayo para makapasok na kami sa room namin. Ugh. Ang sakit ng likod ko.

"Mamaya ka na magtanong, Ella. I-akyat muna natin siya para makapagpahinga na siya." Sabi ni ate Fille. Mabuti na lang at sa second floor lang ang room namin tapos malapit pa sa hagdan. Mas madali kaming nakapasok. Agad akong umupo sa kama ko at isinandal ang katawan ko sa headboard nang makapasok kami. To think na wala pa akong isang araw dito, ganto na agad inabot ko. Paano pa kaya sa next months? Di bale. I won't back down. A Lazaro never backs down. Kung nakaya nga ni Dad na makatapos dito, ako pa kaya? Hindi naman niya siguro ako ipapasok sa school na 'to kung hindi niya alam na kaya ko.

"Mukhang nalinis na yung sugat mo. Ano bang nangyari, Den? Sinong gumawa niyan sa'yo?" Tanong ni ate Fille. Umupo siya sa kama niya at tumabi naman sa kanya si Ella.

"Basta someone grabbed me. I was sitting on the hood of your car para sana magpahangin tapos may nanghila sa akin. Hindi na ako nakapalag nang dalhin nila ako sa likod ng Archers' dorm. Pinaupo nila ako tapos agad na itinali sa upuan. Next thing I knew, they were slapping me tapos nasikmuraan pa ako. I head butted the one who dragged me tapos nakakawala ako sa upuan. Tumakbo ako pero nahabol ako nung dalawa. Tapos ayun, tinulak nila ako tapos tumama ako sa puno kaya ang sakit ng katawan ko. Kung sino sila? I just remember two names. Therese and Maddie" Kwento ko sa kanila. Those bitches. Matitikman nila ang ganti ng isang Dennise Lazaro.

"Then? What happened? Paano ka nakaabot dito sa dorm?" Ella asked.

"There's a singkit girl who found me leaning on a tree. Isa ata siya sa tatlong Eagles. I think Gretch is her name. Tapos kasunod niya si Alyssa, yung natapunan ko ng snacks ko. Sinigawan niya yung lima. May dumating ding isa pa. Si Ara naman. Siya yung nagdala sa akin dito tapos siya din yung naglinis ng sugat ko." Kwento ko sa kanila. Mukha hindi naman sila gulat na gulat sa sinabi ko. I was kinda expecting shocked reaction from them pero wala akong nakita. Duuuh? Ly and Ara, the frat leaders who happen to be rivals, just helped me! Tapos ang bait pa nila!

"Well, at least, naabutan ka nung dalawa." Ate Fille said.

"What do you mean? Bakit hindi kayo nagulat?" I asked.

"That's their duty, Den. I told you, sila ang may hawak ng rules dito. Alyssa is the president of the Supreme Student Council at si Ara naman ang vice president nito. Sila na ang bahalang magpaparusa sa lima. Di ba si Therese at si Maddie yung nanakit sa'yo? Part sila ng Eagles kaya si Ly na ang bahala sa kanila. Don't worry. Fair naman magparusa si Ly. For sure, di na uulit yung lima sa'yo." Sabi ni Ella.

"May student council kayo?!" I asked. Sa lagay ng mga nangyayaring kaguluhan dito, may ganun pala sila?!

"Oo." Sabi ni ate Fille.

"How come? Di ba dapat sila ang nagpapatigil ng gulo? Bakit parang sa kanila pa nagsstart? Bakit parang wala naman atang kwenta? Bakit ganun pa rin yung reputation ng school niyo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon