Hinila ako ni Ella hanggang cafeteria or should I say, restau? Kung para sa mayayaman na ang school ko noon, ano pa kaya itong bagong school ko? They were classy. They,re like walking gold or branded things dahil lahat sila mayayaman. Pero kung nandito sila, ibig sabihin lang nun puro pasaway sila just like me. Pero bakit parang ang dami namang nerds or what?Umupo kami sa dulo ng cafeteria. Masyadong madaming tao dito. Masyadong maingay din. Pero yung ingay na yun ay nawala nang pumasok ang mga nakaitim kanina. Pero tatlo na kang sila ngayon. Sila yung tatlong nauuna maglakad kanina. Ngumingiti yung nasa bandang kanan tapos tumatango naman yung nasa kaliwa. Yung nasa gitna, straight face lang siya. Saka lang nag-ingay ulit nanag makaupo na yung tatlo sa pinakagitnang mesa. Actually, dalawa iyon, yung isa blue tapos yung isa green. Sa blue nakaupo yung tatlo.
"Dangerous? Are they a gang or what?" Tanong ko kay Ella habang nakatitig sa tatlo. This is ridiculous.
"Fraternity. Yung tatlong yan yung hea pero yung nasa gitna, yung pinakatahimik, yun yung pinakaleader nila. Basta, don't mess up with them. Mercy is not a word for them." Sabi ni Ella.
"Bullies?" I asked. Sila ba yung tipong bubugbugin ka tapos papabayaan ka lang. Yung mga nang-aagaw ng baon, yung mga humihingi ng copy ng assignments, yung mga mang-uutos?
"Not exactly. Basta kung sino yung humarang sa kanila, uuwi ng walang mukha sa dorm kinagabihan." Sabi ni Ella. What?! Nakaharang ako kanina!
"Humarang ako! May gagawin ba sila sa akin?" I nervously asked. Ayoko nang lumipat ng school dahil sa magandang facilities nito. Please, ayoko mawala ang mukha ko. Pero kung mayroon man silang gagawin sa akin, hindi ko sila uurungan. Palaban ako. Palaban na palaban.
"Wala. Hahaha. Basta pag nasira mo yung mga plano nila. O kaya may sinaktan kang ka-frat nila." Sabi ni Ella. Tumango na lang ako at saka tumayo. Oorder na lang ako ng pagkain.
Wala namang pila kaya agad akong nakaorder. Pizza lang at saka red iced tea. Hindi naman kasi ako ganun kagutom.
Pagharap ko ay napatapon lahat ng pagkain ko dahil may nakapila pala sa likod ko. Ugh, pagkain ko! Tinitigan ko lang bumagsak yung pizza ko muka sa pagkakadikit noon sa puting damit ng nakapila. Pula na rin yun ibaba ng t-shirt niya dahil natapon din sa kanya yung red iced tea ko. Ugh! Sayang pera! Ni-limit pa naman ni dad yung allowance ko!
Mula sa pagkakatitig ko sa may abdomen niya na bumabakat sa t-shirt niya, inangat ko ang tingin ko sa mukha niya. Siya yung babaeng nasa gitna. Siya yung nakashades pero tagos pa rin sa kaluluwa yung titig niya. Natulala ako sa kanya kaya siguro nabagsak ko yung tray ko at tumama iyon sa paa niya. Rinig na rinig iyon sa buong cafeteria dahil tumahimik pala sila nang bumangga ako sa babaeng ito. Dahil siguro sumakto sa paa niya yung tray, napasigaw siya.
"SHIT! ARGH!" Sigaw nung babae.
"Shit! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Ang tanging nasabi ko. Kinuha ko yung panyo ko at saka pinunasan yung t-shirt niya. I kept on saying sorry pero mukhang di niya naririnig dahil patuloy pa rin siya sa pagmumura nang pabulong.
Inagaw niya yung panyo ko at siya na mismo ang nagpunas sa t-shirt niya.
"This is fucking useless. Aanhin ko ang sorry mo kung nasaktan mo na ako? Maalis ba nyan ang sakit naramdaman ko dahil sa ginawa mo? Pati na rin 'tomg duming iniwan mo sa akin, malilinks ba yan ng sorry mo? Tss." Sabi niya at saka umalis habang patuloy na pinupunasan yung panyo niya.
"Ly!" Sigaw nung dalawa niyang kasama habang hinahabol yung leader nila palabas.
I looked around at nakatitig sila sa akin. Yung iba, parang naawa at yung iba naman ay parang galit. Shit! Anong ginawa ko?!
BINABASA MO ANG
She Who Dares Wins
Fiksi PenggemarGuns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could Dennise, a rebel girl, was thrown by her father on one of the most prestigious yet controversial school in town. Once an all-bo...