Chapter 17

10.6K 282 23
                                    




"Yow, dude. Okay ka na?" Tanong ni Gretchen kay Alyssa na kakalabas pa lang ng kwarto niya. Hawak nito ang ulo niya at ang kanang kamay naman ay sa pasa niya na nasa gilid lang ng labi niya. Ang pasang binigay sa kanya ng taong itinuturing niyang kapatid niya.

"What happened last night? Bakit ako may pasa?" Tanong niya sa kaibigan nang may garalgal ang boses.

Lumapit siya sa may ref at kumuha ng isang bote ng tubig at uminom. Pagkatapos nun ay umupos siya sa harap ni Gretchen.

"The baby girl got jealous. Hahaha." Sabi ni Gretchen nang natatawa.

"Baby girl? Jealous? Si Bea?" Sunud-sunod na tanong niya kay Gretchen. Si Gretchen na may kakaibang ngiti sa labi ay tumango lang. She's amused with what's happening. Parang naeexcite siya sa mga maarin mangyari.

"Why? What happened? Bakit magseselos yun?" Ly asked.

"You tell me. Ano ba ang ikakaselos ng 'kapatid' mo sa'yo?" Tanong nito sa kanya.

"Wait. Did I do something to Den?!" Sigaw na tanong ni Alyssa kay Gretchen. Napatayo pa ito sa gulat.

Tumango si Gretchen at saka tiningnan si Ly nang may kakaibang ngiti pa rin.

"You almost kissed her. Tapos nakita ni Bea. Ayun, sinapak ka. Hinila palabas si Den tapos di na bumalik. Kahit kagabi, di pa umuwi. Ikaw naman, after mong matumba, sumayaw ka lang ulit. Like nothing happened. You got really drunk so ako na nag-uwi sa'yo." Sabi ni Gretchen.

"Bea punched me?! Totoo?" Alyssa asked with disbelief. Hindi niya na-imagine na magagawa ni Bea yun buong buhay niya. They were solid. Baka sobra nga itong nagselos sa ginawa niya kay Den.

"Yep. Right in your face." Gretchen said with a smile. Napaupo si Alyssa.

"Bakit parang ang saya mo pa ata?" Pagtatakang tanong ni Ly sa kanya dahil ngiting-ngiti si Gretchen sa kanya.

"I don't know, man. Feeling ko lang may agawan na magaganap. Feeling ko lang naman." Sabi ni Gretchen at saka tumayo. Tiningala siya ni Ly nang nakakunot-noo.

"Agawan. No, dude. Wala." Sagot niya nang maintindihan niya kung ano ang iniisip ni Gretchen.

"Wala nga ba?" Tanong ni Gretchen.

"Wala." Sabi ni Alyssa with finality.

"Okay, sabi mo." Sabi ni Gretchen at saka naglakad papunta sa elevator.

"Bakit feeling ko hindi ka naniniwala?" Sigaw ni Alyssa nang nakapasok na si Gretchen sa elevator.

"Kasi hindi talaga." Sagot ni Gretchen bago sumara ang elevator.

"Wala. Walang mangyayaring agawan. She's not mine to begin with. No, she's not." Sabi niya sa kanyang isipan.

"Ugh, Ly! Focus on your major problem. Revillas are working their asses off just to get rid of you and this school. Will you just let them turn this precious school of yours into a factory of some drugs." Sabi ni Alyssa muli sa kanyang sarili.

Tumayo siya at pumasok  sa kwarto niya at saka naligo't nagbihis. After nun, pumasok pa siya sa isang pintuan sa loob ng kwarto niya. Ang security room ng ADLSH. Meron din sa main building pero kailangan niya din magkaroon ng mga kopya sa sarili niya.

Agad niyang binuksan ang mga monitor kung saan makikita ang mga lugar kung saan nakalagay ang mga CCTV. Chineck niya ang mga nakaraang records para makita kung sino ang maaring naglagay ng notes sa may library. Kung sino ang maaring pumasok sa library para ibigay ang mga nawawalang photo albums.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon