Bumaba na kami mula sa stage. Mas nauna ako kay Myco. Talagang sinadya kong unahan siya para makaiwas sa kanya. Bakit siya nandito? Bakit siya bumalik? Leche naman oh. Akala ko pa naman magiging okay na ako, di pa pala.Pumila ako sa likod ni Ella. May flag ceremony daw kasi before classes. Bakit wala naman ata kahapon?
Hinarap ako ni Ella nang mga makapila ako sa likod niya. Bale, siya ang pinakaharap dahil siya naman ang oinakamaliit sa buong klase namin. Lol
"Okay ka lang?" Ella asked and I nodded. Pero hindi talaga ako okay. Ewan ko ba. Nakita ko kang si Myco, nasira na agad ang araw ko. Ang tagal ko siyang hinintay dati e ngayon, kung kailan na ako nagsawang maghintay, saka siya bumalik. Nakakaasar lang.
Okay, Myco is my ex. 3rd year high school or should I say Grade 9 students kami tapos last year kami nagbreak. Pinagpalit niya ako over some girl na hindi ko na inabalang kilalanin pa dahil baka mauntog ko pa silang dalawa.
Myco is the main reason kung bakit ako nagsschool hopping ngayong Grade 11 na ako. Lahat na lang kasi inaaway ko. As in. Bakit kaya yun nandito? Akala ko tatahimik ang buhay ko dito sa ADLH. LECHE. Lol. Tahimik? Sa school na 'to? Mas lalo ngang nabulabog ang buhay ko dito eh! Ilang araw pa lang ako dito, puro gulo na agad napasukan ko.
Nagstart na ang flag ceremony namin na palakad-lakad si Ly at lumilibot. Isa-isa niyang tinitingnan ang bawat estudyante na parang tinatakot niya ang mga ito kahit hindi naman. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay agad siya nag-iba ng tingin. Parang bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin o ako lang iyon. Bakit naman siya iiwas? Ang assuming ko talaga. Sabi nga ni Gretchen, wala siyang naaalala kapag nakainom siya. Most probably, hindi niya natatandaan na muntikan na naman niya akong halikan. Nakakarami na talaga!
Nang mag-umpisa ang pagtugtog ng National Anthem ay agad na natigil sa paglalakad si Ly. Malapit siya sa amin tumigil kaya kitang-kita ko siya. Tumayo siya ng tuwid at saka tiningala ang watawat habang inaakyat ito ng mga di pamilyar na estudyante sa akin. Tiningnan ko ang mga estudyante na gaya ko at pare-pareho silang nakatingala sa watawat ng Pilipinas. As in! Wow, the frat me,bers know how to respect the flag pala no? Akala ko gusto lang nila ng bugbugan or what. Hanggang sa matapos ang National Anthem ay ganun lang ang posisyon nila.
Sumunod naman ang Panatang Makabayan. Muli kong nilibot ang tingin ko sa lahat at napansin kong straight body pa rin sila at saka tuwid talaga ang kanilang mga kamay. Wow! Mga responsible. Clap clap. Trained sila dito ah. At sumusunod talaga ang mga estudyante. That's a good thing. Hindi naman pala ganun kasama ang mga tao dito. May respeto pa rin naman sila kahit papano.
Muling nagsalita si Miss Daquis nang matapos ang panata. Inulit niya ang announcement kanina para maalala namin yung sinabi ni Alyssa. Hindi ko talaga mawiwitness ang frat war? Ella told me masaya daw pag may frat war. As in party wild daw. Sayang at hindi ko man lang nakita kahit yung party wild lang kagabi dahil may isang babaeng lasing ang humila sa akin sa room niya na malacondo sa ganda tapos tutulugan din naman pala ako pagkatapos.
"You may go back to your classroom." Sabi ni Miss Daquis. Kaya isa't isang umalis ang linya ng mga kapwa ko estudyante. Nagulat na lang ako nang bigla akong tawagin ni Ms. President. Para na naman siyang galit na di ko maexplain.
"Miss Dennise Lazaro, maiwan ka saglit." Sabi niya kaya nauna ang linya ng section ko na pumuntang room. Ay section pala namin. Kaklase ko nga pala siya. Teka nga. Ano na namang problema nito sa akin?
"Kita na lang tayo sa room, Den." Bulong sa akin ni Ella at saka umalis na at saka sumunod sa mga kaklase namin nitong si Ly.
"Ano na naman ang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
She Who Dares Wins
Fiksi PenggemarGuns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could Dennise, a rebel girl, was thrown by her father on one of the most prestigious yet controversial school in town. Once an all-bo...