Chapter 12

12.7K 324 19
                                    



Mag-isang naglalakad si Alyssa sa hallway papunta sa kanyang opisina. It was Saturday kaya walang estudyanteng pakalat-kalat sa paligid. Maybe, they're at dorm o kaya nasa may park dahil boring at walang wifi.

On the other hand, Kiefer was walking alone along the hallway nang mapansin niyang makakasalubong niya si Alyssa na nakayuko. Mukhang madilim ang aura nito kaya nanigas siya sa kinakatayuan niya. Nabagsak niya ang mga librong hawak niya. Ang iba doon ay journal, photo albums, at old school newspapers. Dahil sa ingay ng pagkabagsak ng mga libro ay napatingin si Alyssa sa kanya. Agad namang tumalikod si Kiefer at mabilis na naglakad pero hinabol siya ni Alyssa. Hinila siya paharap dito, kinuwelyuhan at isinandal sa pader.

"Saan mo nakuha yung mga litratong iyon?" Madiing tanong ni Alyssa kay Kiefer. Napaubo naman si Kiefer dahil nasasakal siya sa pagkakahawak ni Alyssa sa kwelyo niya.

"Ah a-ano, w-wala a-kong k-kinalaman d-dun." Utal-utal na sabi ni Kiefer. Mas lalo siyang diniin ni Alyssa sa pader kaya mas lalo siyang hindi makahinga.

"Ang ayoko sa lahat ay sinungaling. Saan mo nakuha ang mga pictures sa report mo?" Tanong muli nito dito.

"H-hindi a-ako m-makahinga, S-supre---"

Agad namang binitiwan ni Ly si Kiefer. Umatras siya nang kaunti para makahinga si Kiefer nang maayos. Hinampas-hampas pa ni Koefer ang kanyang dibdib para mas lalong makahinga. Masyado siyang diniin ni Alyssa sa pader.

"Ano? Saan galing yun?" Tanong muli ni Ly nang maayos nang nakatayo si Kiefer sa harap niya.

"Supremo, hindi ko talaga nilagay yun sa report. Ni hindi ko na nga--"

"Sinong maglalagay nun dun? Pinagloloko mo ba ako?" Tanong ni Alyssa dito habang unti-unting lumalapit muli sa pwesto ni Kiefer. Napaatras naman si Kiefer.

"Supremo, totoo po anh sinasabi ko. Before i-cut ang signal ng wifi, someone sent those pictures on my email. When I clicked the link that was sent to me, those pics had been downloaded na." Sabi ni Kiefer na nagpahinto sa kanyang paglapit.

"Email? Anong e-mail?" Alyssa asked.

"Nung chineck ko na yung email, wala na siya. As in deactivated na agad." Kiefer explained.

"Kung nadownload mo, bakit mo nilagay sa report mo?!" Sigaw namang tanong sa kanya ni Alyssa.

"Promise, supremo, I really swear na hindi ako ang naglagay nun. Nung nabuksan ko na yung pictures niyo noon, agad ko nang cinlose yung tab na yun. Ang nilagay ko lang ay yung kila Mr. Valdez, Mr. Lazaro at Mr. Galang. Hindi ko na sinama yung sa inyo nila Ara." Sabi ni Kiefer.

"Pinagloloko mo talaga ata ako eh! Sinong maglalagay dun? Saan ka ba gumawa ng lecheng report na yan?" Tanong ni Alyssa dito.

"Sa com lab. Sa may taas. Doon ako gumawa. Basta alam ko sinave ko siya tapos lumabas muna ako saglit para kumuha ng usb dahil naiwan ko sa dorm. Pagbalik ko, saka ko lang nilipat yung report." Sabi ni Kiefer na takot na takot na dahil sobrang lapit na sa kanya ni Alyssa.

"Sabi ko naman sa'yo, ayoko ng sinungaling. Ano namang ginagawa mo sa journal niya at sa mga photo albums namin noon?" Tanong ni Alyssa nang mapansin ang nabagsak kanina ni Kiefer.

"Supremo, may naglagay sa locker ko. Promise, di ko pa nabubuksan yang mga yan. Pupunta sana ako sa dorm ng mga Archers para ibigay ito kay Ara. Sa kanya nakaaddress ang note na 'to oh." Sabi ni Kiefer at saka inabot ang isang note.

Just another ghost from the past hunting you xx -DLM

"DLM?" Sambit ni Alyssa nang mabasa ang nagbigay ng note.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon