Chapter 9

12.5K 350 26
                                    



Nang tumalikod si Alyssa kay Den ay iniisip niya kung saan siya pupunta. She decided na sa playground na lang pumunta. Sa may likod ng dorm nila. Tago ito at sila lang ng mga kaibigan niya ang nakakaalam. Wala din namang balak magpunta sa likod dahil nga ipinagbabawal din ni Alyssa dahil may mahalaga siyang tinatago dito.

Hindi niya alam kung bakit siya naiinis kay Dennise. Siguro ay dahil minsan na nga kang siya tumulong nang harap-harapan pero ungrateful pa yung taong napili niyang tulungan.

Umupo siya sa swing at saka pinag masdan ang itim na wall. Ang buong school na iyon ay pinalilibutan ng di birong itim na pader. Kahit na napakataas na nito at di na kayang akyatin ng kung sino mang tao ay may barbed wire pa rin ito sa taas. Ganito niya pinoprotektahan ang school na binigay sa kanya ng kanyang ama. Lahat ng nasa loob ng school na iyon ay importante para sa kanya kaya gagawin niya lahat para protektahan iyon.

Sa gilid ng playground na iyon ay may puting cross na nakatayo. It was her mom's grave. She died 4 years ago. That was one of the reasons na nagpabago kay Alyssa. She became quiet and distant towards other na kahit ang mga dati niyang kaibigan ay nilayuan na niya. Only Laura stayed. Because of her, muling nakipaghang-out si Alyssa kay Gretchen at siya pa ang napiling bagong leader ng mga Eagles.

Umupo siya sa harap nito at kinausap ang nananahimik na niyang ina.

"Mom, sorry. If it wasn't for me, wala ka dyan. Andito ka sana. Kasama ka sana namin ni dad. Sana kasama kitang pinapatakbo itong school na 'to. I think it's better if you were here." Sabi niya at nagpunas pa ng luha.

Her phone rang at agad niya itong sinagot nang makitang ama niya ang tumatawag. Tumayo siya at inayos ang postura kahit na hindi naman siya kita ng ama niya.

"Alyssa." Pagbati nito sa kanya. Malalim at matigas ang boses nito na maaring magpatayo ng balahibo mo.

"Amang supremo, ano pong kailangan niyo?" Tawag niya dito.

Malapit naman silang dalawa pero dahil nga sa insidente kagabi, natatakot si Alyssa sa magiging reaksyon ng ama niya. Iba kasi ito magalit. Ibang-iba.

"You almost killed the youngest Revilla." Sabi nito.

"Uhh yes. I broke his nose." Sabi niya na nagpatawa sa ama niya.

"Sayang at mukha lang ang pinuruhan mo. Anyway, alam mo bang dahio sa ginawa mo ay maari ka na namang makulong? Anak naman, you owned that school but technically, ako pa rin dahil hindi ka pa naman 18. Pero that doesn't mean na bubugbugin mo lahat ng makakaaway mo dyan. Ano bang nangyari? Hindi ka na sumasali sa frat war, di ba? Bakit nasangkot ka na naman dyan?" Tanong ama niya.

Four years ago din ay muntikan na ngang makulong si Alyssa pero dahil sa minor siya ay maDSWD. That was her first frat war main event competition at sobrang napuruhan ang lalaking kinalaban niya. Mas matindi pa nga ang dinanas nito kay LA. LA just became unconscious pero yung lalaking iyon ay nacoma for weeks. The students witnessed how strong Alyssa was kaya siya ang hinirang na bagong leader ng Eagles.

Naging misteryo ang pagkawala ng lalaking kalaban niya. Ang balita sa kanila ay lumipad na itong paibang bansa. Hindi na nila ito nacontact pang muli. Bigla na lang siya naglaho. Sa tingin ng mga estudyante ay pinalayo na ito ng pamilya sa ADLH dahil mukhang hindi nila makukuha ang katarungan dahil mas makapangyarihan pa rin ang mga Valdez. Napakarami kasi nilang connection at kasama na doon ang gobyerno.

Hindi nagsalita ang pinakabatang Valdez kaya napabuntong-hinga naman ang matandang Valdez.

"May pinrotektahan ka na naman? Di ba sabi ko sa'yo hindi mo kayang protektahan lahat ng tao sa paligid mo? Sino ba yan? Si Laura ba? Anong ginawa sa kanya?" Tanong niya.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon