If you think mystery ends with revealing dlm/löwe's identity...then, you're wrong.// this is dey with the second to the last twist ha ha ha
Chapter 28: Shot in the Most Vulnerable Part, the Heart
Trying to walk incredibly fast and not making any sound is sort of hard for Ly.
Hawak niya nang mahigpit ang baril habang alertong nag-aabang sa mga posibleng pag-atake ng kung sino man sa loob ng school building nila. Bawat silid ay mabilis niyang minamasid upang malaman kung nandoon ba si Den, pero wala naman siyang nakita.
"Bea won't let me get Den easily.", she said as she realized it won't be as easy as finding them on the first floor, "I'm sure, nasa taas sila. Maybe a chopper waiting or what." Ly continued. Mabilis siyang dumaan sa hagdan sa may dulong parte ng paaralan, kung saan walang gaanong nakakaalam. Mas safe iyon kaysa sa mga madalas na daan ng mga tao.
Fifth floor, doon niya naramdaman ang kakaibang kaba. Pawis at hinihingal man ay mas lalong naging alerto si Alyssa. Inihanda niya ang munting baril para sa proteksyon niya kung sakaling magkagipitan sa gitna ng laban.
Sa dulo ng hallway ay tanaw niya ang isang kwarto na may natatanging bukas na ilaw. Yun ang may pinakamalaking kwarto sa palapag na iyon. Bakante iyon dahil iyon ang tinatambakan ng upuan kapag bakasyon at wala nang naiiwan na estudyante sa buong campus. Pero sa pagkakataon na ito, parang puno iyon ng gamit. Ang kalahati ng puso niya ay nandoon, at sigurado siya doon dahil mapalapit lang kay Den ng kakaunti, may parang kilit na hindi niya malaman na siyang nararamdaman.
Habang papalapit nang papalapit ay natatanaw niya si Den na nakatali sa upuan at nakatakip ang bibig. Magulo ang buhok nito at pawis na pawis. Isang senaryong ayaw niyang makita.
Muling niyang tiningnan ang paligid at natagpuan naman niyang walang tao doon kung hindi silang dalawa. Gayon man ay dahan-dahan pa rin niyang dinaluhan ang kawawang si Den.
Bawat yapak ni Alyssa ay dinig ni Den kaya napatingala ito upang siya ang tingnan. Kita ni Den ang kaba at takot sa mga mata ni Ly. Kita niya rin si Bea na dahan-dahang naglalakad sa likod ni Ly.
Tumingin si Den kay Ly at saka umiling, parang sinasabi na wag siyang lumapit. Ngunit ito'y hindi naintindihan ni Ly kaya paulit-ulit pang umiling si Den. Sinubukan niyang magsalita pero dahil sa takip sa bibig ay hindi rin maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang siya ay gumagawa lamang ng ingay, walang salitang nabubuo. Sinubukan niyang tanggalin ang lubid na nakatali pero masyadong mahigpit ito kaya hindi siya makatakas. Kahit ang mga paa ay nakatali din kaya walang pag-asa.
Lahat ng senyas na iyon ni Den ay hindi naintindihan ni Alyssa. Pinangunahan na siya ng emosyon kaya hindi na niya ramdam kung ano na ang nangyayari sa paligid niya.
Nang makapasok sa silid ay agad pumunta si Alyssa sa pwesto ni Den at saka ito niyakap. Nilapag niya ang baril na hawak at walang sabi-sabi ay tinanggal na ni Alyssa ang mahigpit na tali sa kamay ni Den. Itinali kasi ito sa likuran niya.
"Saglit lang 'to, Den. Just wait. Aalis na tayo, okay? Don't panic." Sabi ni Alyssa kahit siya naman ang nagpapanic sa kanilang dalawa. Iba talaga nararamdaman niya. Pilit pa ring pumipiglas si Den para sabihin na nasa likod na ni Ly si Bea pero hindi ito pinansin ni Ly.
"Nope. Hindi magiging saglit lang 'to." Sabi ni Bea na nakapasok na rin sa kwartong kinaroroonan ng dalawa. May dala din itong baril at nakatutok na agad kay Alyssa. Agad na dinampot ni Ly ang baril, umikot at tumayo at saka itinutok din kay Bea ang baril.

BINABASA MO ANG
She Who Dares Wins
FanficGuns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could Dennise, a rebel girl, was thrown by her father on one of the most prestigious yet controversial school in town. Once an all-bo...