Chapter 4

11.7K 303 16
                                        



"Den, anong ginawa mo?" Bulong sa akin ni Ella habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Medyo yumuyuko ako hindi dahil pinagsisihan ko yung ginawa ko, kung hindi dahil pinagtitinginan kami, ay ako lang pala, ng mga estudyanteng nadadaan namin. Kumalat na ata yung nangyari kagabi. Malamang. Kahit makaki 'tong school na 'to, kami kami lang naman ang magkakasama kaya siguradong kakalat iyon.

"Binutas ko yung mga gulong ng kotse nila." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko na yun. Ang ibig kong sabihin, bakit mo ginawa yun? Yan tuloy. Mismong si Ly na ang magpaparusa sa'yo." Sabi ni Ella sa akin. Tsss. Paano niya kaya nalaman? Medyo madilim pa nung ginawa ko yun. At sa tingin ko naman ay walang gigising ng ganun kaaga maliban na lang kung gaya ko sila na may binabalak.

"Gusto ko lang gumanti." Sabi ko sa kanya. I think I've done enough na. Hindi naman siguro sila gaganti sa paghihiganti ko no?

"Hay nako. Yang mentality na yan kasi eh. May ginawang masama sa'yo, gagantihan mo, tapos gaganti rin yung isa, hanggang nagkakasakitan na kayo. Tingin mo ba matatapos yung away kung gantihan lang kayo nang gantihan? Pareho lang naman kayong magiging talo sa huli." Sabi niya sa akin. I get her point pero syempre hindi ako papatalo sa mga babaeng yun! Tssss. I can wipe their beauty in less than a minute using a tissue. Puro make up, kala mo hindi mga estudyante.

"Syempre, di ako papatalo no. Let go of the topic na nga lang. May punishment na rin naman ako mamaya eh." Sabi ko sa kanya.

Muli kaming pumasok sa cafeteria. Kagaya kahapon, marami-maraming estudyante ang nasa loob. Umupo ulit kami ni Ella sa gilid na table.

"Wait lang, Ells. Washroom lang ako." Sabi ko sa kanya at saka tumayo.

"Teka lang, anong order mo? Ako na ang mga-oorder. Mamaya, baka may mabangga ka naman at may mangyari na naman sa'yo." Sabi niya at bahagyang tumawa. I rolled my eyes.

"Ikaw na bahala." Sabi ko. Lumabas ako ng cafeteria dahil mahaba ang pila sa cr sa loob nun. Dun ako sa medyong dulo ng building pumasok. Sakto, wala naman tao sa loob.

I just checked my reflection at saka naghugas ng kamay. Nang nakuntento na ako ay saka ako lumabas. Still got 45 minutes left para makakain.

I was humming pabalik ng cafeteria nang may narinig akong nag-uusap sa loob mula isang pintong bahagyang nakabukas. Dahil sa curious ako, medyo sumilip ako. Bodega iyon. Doon nakalagay yung mga sirang tables at bangko. May mga cabinets din na lumang-luma na nakatambak doon. Nang may nakita akong dalawang figure na nag-uusap ay nagtago ako sa may mga cabinet. Sinilip ko iyon at nakita ko si Ly na may kahalikan na babae. Maganda ito at maputi. Gosh! I covered my eyes tapos tinanggal ko rin. Nakita kong si Ly na mismo yung humiwalay sa halik.

"Ly, take me back, please." Pagmamakaawa nung babae. Nakasandal siya sa pader tapos cornered siya ni Ly. Omg! Mukhang hindi niya ata nagustuhan na tinigil ni Ly yung halik.

"Lau, we talked about this. Ayoko na." Sabi ni Ly. At saka inalis yung kamay niya sa pagkakasandal sa pader.

"No! I know you still love me! Wala naman tayong problema ah! Bakit biglaan? Just give me a valid reason!" Sabi nung Lau. Medyo naluluha na siya. Grabe naman itong si Ly.

"Reason? I don't love you anymore. Is that reason enough for you to stay away from my life?" Ly asked. Jerk! She is a jerk! Breaking such young heart!

"No! I know you still love me! Naramdaman ko yun sa halik mo!" Sigaw nung babae. Ito namang isa, desperada. Ayaw na nga sa kanya, ipagpipilitan pa yung sarili niya. Kaya lalong nasasaktan eh.

"That kiss was nothing. It was just a farewell kiss. Kaya pwede ba? Tigilan mo na ako, Lau. Just move on and get a life." Sabi ni Ly at saka tinalikuran yung babae. Niyakap naman siya nito at pinigilan maglakad.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon