Pursuit of Liberty - 11

39 6 4
                                    

Naiwang nakatulala si Vincent sa kinalulugaran nya. Hindi nya alam kung saan pumunta si Liberty.

Napaisip sya sa mga sinabi ni Liberty. Tama nga ba sya? Masyado na nga bang nabulag ng nagbabagong panahon ang pananaw ng mga tao ukol sa normal na buhay? Naka-ayon na sa kagustuhan ng ibang tao ang ikakasaya ng isang indibidwal?

Kung aalis ba sya, mahahanap nya pa sa ibang lugar ang kalayaan na gusto nya?

Ipinikit nya ang mga mata at humagilap ng malalim na hininga. Nilibot nya ang paningin sa paligid,

Muli nyang nakita ang mga bata na masayang nagtatakbuhan kagaya ng nakita nya nang dumating sila, ang mga babaeng nagkukwentuhan.

Siguro nga, dito makikita ang normal na pamumuhay. Binalik nya ang tingin sa hawak na Lumang damit.

It is what it is.

Kinuha nya ang timba para mag punta sa balon para kumuha ng tubig na magagamit. Nahirapan sya sa pag iigib dahil nga sa hindi sya sanay sa gawain, maski sa pag ligo ay hindi sya komportable.

Paglabas nya ng banyo, nagulat sya dahil nakita nya si Tatay Viktor na naghihintay sa kanya. Medyo nagtaka sya dahil mula pa nung dumating sila dito, hindi matanggal ang ngiti sa mga labi nito.

"Sorry po. Gagamit po ba kayo ng banyo? Pasensya na po at matagal po ako maligo." sabi ni Vincent sa matanda. "Haha! Ang totoo nyan, ikaw talaga ang hinihintay ko. Halika't isasama kita, may gusto akong ipakilala sa iyo." Lumapit ang matanda sa kanya at hinawakan sya sa kaliwang balikat.

Isinama sya ni Tatay Viktor sa isang kubo na parang isang malaking kusina. May isang mahabang lamesa na puno ng mga gulay at prutas na mga sangkap sa mga pagkaing iluluto pa lamang. Anduon din si Liberty na naghihiwa ng gulay kasama ang isa pang babae at isang matandang babae na sya namang nagluluto.

"Letty," narinig ni Vincent na tawag ni Tatay Viktor sa matandang babae na nagluluto. Humarap ito, "Ito si Vincent. Yung ikinu-kwento ko sayo kanina." pagpatuloy ng matanda.
Nakita ni Vincent ang malaking ngiti ng matandang babae nang lumapit ito sa kanila. Bigla syang napaisip. Lagi ba talaga silang masaya dito?

"Hijo! Ikaw pala si Vincent? Kanina pa itong si Viktor na bida ng bida sa iyo." bati ng matandang babae, "Ako nga pala si Letty. Nanay Letty ang tawag nila sa akin dito." nakangiting sabi ng nito. Kinuha ni Vincent ang kamay ng matandang babae para mag mano.

"Hello po, Nanay Letty" sabi nya. "Aba'y tama nga itong si Viktor! Talaga nga namang ubod ka ng gwapo at sobrang kisig." komento ni Nanay Letty. "Halika dito. Maupo ka at mayamaya ay luto na ang niluluto ko," Ginabayan nya si Vincent paupo katapat ni Liberty.

Pinakilala din sa kanya ang babae na kasama nila. Si Rosel, anak ng kapitbahay ni Nanay Letty.

Nagpatuloy na sa pagluluto si Nanay Letty at tinulungan naman sya ni Tatay Viktor. Si Rosel lumabas muna para kumuha ng mga kahoy na pang gatong sa lutuan. Naiwan sa lamesa sina Liberty at Vincent.

"Ang akala ko aalis ka na." mahinang bulong ni Liberty. "I'm not going anywhere." sagot naman ni Vincent.

Napa-angat ang titig ng dalaga sa binata at nakita nya itong seryoso ding nakatingin sa kanya. "You're right. This is the closest to normal life I could get. They seem happy, not having the care in the world. Even if they don't have electricity and other stuff people needs, that doesn't stop them to live life to the fullest." Saad ni Vincent at unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

"And I'm sorry, for raising my voice at you earlier." pagpapatuloy nito.

Hindi malaman ni Liberty kung ano ang naramdaman nya nang makita ang naka-ngiting mukha ni Vincent Alcantara. Ito ang unang beses nyang makita itong naka-ngiti. Yung tunay na ngiti. Yung walang halong pagpapanggap dahil nasa tapat ng lente ng mga camera. Bilang parte ng media, alam na alam ni Liberty kung peke o tunay ang ngiti ng isang tao. At masasabi nyang, tunay masaya si Vincent dahil sa mga ngiti nya.

"Wala 'yun." ngiti nya din sa binata.

Ipinaliwanag ni Tatay Viktor sa kanila na ngayong aray ay magkakaroong ng salo-salo sa buong kumunidad. Pasasalamat nila dahil sa masaganang ani.

Matapos nilang makapagluto, tumulong ang dalawa sa pag aayos pagkain sa bakanteng lugar sa gitna ng ng mga bahay. Yung lugar na tinatakbuhan ng mga bata nung dumating sila sa lugar. Lahat ng tao sa kumonidad ay nakiki-isa sa padiriwang.

Nang sumapit ang gabi, tuluyan nang nag umpisa ang salo-salo. May mga taong tumutugtog ng mga instrumento at ang iba naman ay nag sasayaw partikular ang mga bata. Lahat ay masaya. Nag lagay lang sila ng isang malaking bonfire na nagsisilbing ilaw nila sa buong gabi.

Nakaupo si Liberty sa isang mahabang upuan, naka-ngiting pinapanuod ang mga tao habang nagsasaya. Hindi kalayuan sa kanya ay nakita nya si Vincent na nakikipag-tawanan sa mga lalaking kasama. Ini-angat ni Liberty ang camera na kanina nya pa hawak at kinunan ng litrato si Vincent. Hindi para maisulat sa article, kundi para makunan nya ang mga ngiti nito.
Napalingon si Vincent at nakita nya si Liberty na mag isa lang at walang ginawa kundi kumuha ng kumuha ng litrato. Hinarap nya ang mga kasama, sina Andres, Kokoy at Makmak. Kanina nya pa kasama ang mga bagong kaibigan, at medyo nalalasing na sya dahil sa iniinom na alak na gawa sa katas ng prutas. "Sandali lang ah, lalapitan ko lang si Liberty." sabi nya, "Mabuti pa nga, lapitan mo na ang iyong nobya." sagot naman ni Andres, napangiti lang sya bilang tugon. Hindi sya tumanggi, hindi nya alam pero parang may iba syang naramdaman nang marinig nya ang salitang nobya. Iniwan na nya ang mga kasama at naglakad na palapit kay Liberty.

"Bakit mag isa ka lang?"  Nagulat si Liberty nang marinig si Vincent na mag salita. "Bakit hindi ka nagsasayaw?" tinignan nya ng maayos ang binata at napansin itong medyo lasing na. "Vincent, mukhang lasing ka na." sabi nya. "Hindi ako lasing," pagbibida ng binata. Nagulat sya nang hawakan ni Vincent ang  braso nya at hatakin sa para tumayo. "Tara, sayaw tayo!" nakangiting sabi ng binata. Dinala sya ni Vincent, sa lugar kung saan marami ang nag sasayaw.

Hawak na ngayong ni Vincent ang dalawa nyang braso at paikot-ikot silang sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol. Hindi nya mapigilang hindi mapangiti habang nakikitang nakangiti din sa kanya si Vincent Alcantara.

"Thank you!" rinig nyang sabi ni Vincent. "For bringing me here, and for giving me my liberty." pagpapatuloy nito. "Wala yun," sagot nya. Nagulat sya nang bigla sya nitong yakapin. Ang ulo ni Vincent ay nakapatong sa kanan nyang balikat. At narinig nya ang bulong nito.

"You are my Liberty."

*****

Natapos ang pagdiriwang at isinama si Liberty at Vincent ni Tatay Viktor sa kanilang bahay para doon patulugin.

Sa isang kwarto sila matutulog ni Vincent. Wala namang naging reklamo ang dalawa.

Magkatabi sa iisang papag at magkatalikod sa isa't-isa ang dalawa.

Walang nagsasalita pero sa isip ni Liberty ay hindi mawala-wala ang sinabi ni Vincent.

"Vincent," tawag nya sa lalaki pero hindi ito sumagot kaya inalala nyang ito ay tulog na. Pero hindi pa, ayaw lang talagang tumugon ni Vincent dahil inaakala nyang mali ang in-akto nya.

Binalot ng katahimikan ang gabi hangang, dalawin sila ng antok.

****

VOTE and COMMENT if you liked the chapter :)

xx

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon