Pursuit of Liberty - 13

25 5 1
                                    

Magkatabi silang nakaupo sa dulong parte ng bus pabalik sa syudad. Nakatingin lang si Liberty sa labas ng bintana.

Tahimik ang dalawa habang binabaybay ng sinasakyang bus ang daan.

"Are you ready?" biglang tanong ni Vincent kaya agad na napalingon sa kanya si Liberty at nag taka. Hindi nya alam kung ano ang sinasabi ni Vincent. "Thir act we did, isa 'tong malaking issue. Are you ready to face the media? " Tanong ulit ng binata.

Tsaka palang pumasok sa isip ni Liberty ang mga kapalit ng aksyon na ginawa ni ng nakaraang araw. Dahil nga tumakas sila sa gitna ng isang Press Con, sigurado agarang kumalat ang balita.

Biglang nakaramdam ng kaba si Liberty, "Anong gagawin natin?" tanong nya, nag kibit-balikat lang si Vincent bilang tugon. "There is nothing we can do about it, sa ngayon enjoy-in nalang natin ang natitirang oras ng katamikan." nakangiti nyang sabi na tila isang malaking biro ang kinakaharap nila.

"Bakit nagagawa mo pang ngumiti dyan?! Seryoso ako!" saad ni Liberty. Muli ay ngiti lang sinagot ni Vincent sa kanya. "I've been in this business since I was young. I'm used to intrigues and issues. This is just another Tuesday to me. I learned how to smile to them." sagot ng binata, "Right now, I want to sleep." Nagulat si Liberty nang ipatong ni Vincent ang ulo sa kanyang balikat at pumikit. Para syang naging istatwa at hindi alam ang gagawin.

Mas lalo nya ikinagulat nang abutin ng binata ang kanyang kamay at hawakan ito ng mahipit. "Don't worry. We're getting through this together. I promise."

Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng siguridad ng marinig ang sinabi ni Vincent. Kumalma ng bahagya ang kanyang puso pero hindi ito tumitigil sa mabilis na pagtibok.

Tinignan ni Liberty ang natutulog na mukha ng kasama at bigla nyang naalala ang huling sinabi nito sa kanya nitong huling gabi.

'You are my Liberty'

Biglang pumasok sa isip ni Liberty ang sa tingin nya ay imposibleng mangyari. Hindi kaya ay nagkaka-gusto na sa kanya si Vincent? Iniling-iling ni Liberty ang ulo. Hindi! Talagang hindi. Dahil sa estado ng buhay nito, malayong magka gusto sya sa pangkariwang babaeng tulad nya.

Pareho silang nagulat sa sunod-sunod na pagtunog ng kanilang mga cellphone. Umayos sa pagkakaupo si Vincent at tinignan ang kanyang cellphone. Puro missed calls at texts ang kanyang nakita. Mula lahat sa kanyang Manager na si Perry.

"What is taking you so long?"

"The presscon is almost over. Where are you?"

"Vincent!!!"

"Answer my calls!!"

"You're in big trouble."

"Vincent, WHERE. ARE. YOU!!!!"

Napa-hinga ng malalim si Vincent. Alam nyang ito ang mangyayari, marami na namang issue tungkol sa pagkawala nya ang kanyang haharapin, pero ano bang bago? Sa ngayon wala na syang pakialam.

Tumingin ang binata sa kasama, at binigyan ito ng malungkot na ngiti. "Back to reality."

Alam ni Liberty ang ibig sabihin ni Vincent. Babalik na naman sila sa kani-kanilang mundo. Mga mundo na magkasalungat. Si Vincent bilang sikat na artista at sya bilang media.

Pagbaba nila sa terminal ng bus ay nagtungo naman sila sa sakayan ng taxi. Nagpag usapan nilang doon na mag hiwalay.

Inantay muna ni Liberty na makasakay ng taxi si Vincent bago sya umuwi.

Pagsarado ng pinto ng sasakyang taxi, agad syang tumalikod at naglakad palayo ng biglang narinig nya tinawag ni Vincent ang kanyang pangalan.

Paglingon nya ay nakita nyang muling nakabukas ang pinto ng sasakyan at natingin sa kanya si Vincent.

"About doon sa exclusive interview, I'll call you?" sabi ni Vincent.

Tsaka lang pumasok sa isip ng dalaga ang tungkol sa exclusive interview nya sa binata, pero tumango lang sya rito bilang tugon.

Matapos nun ay tuluyan ng umalis si Vincent. Habang naglalakad si Liberty ay inalala nya ang sinabi ni Vincent.

'I'll call you?!'

Pero paano? Hindi nya maalalang binigay nya ang number sa binata?

******

VOTE and COMMENT if you liked the chapter :)

xx

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon